Chapter 8

198 3 0
                                    

Nakatulala si Asha sa kisame ng kwarto niya habang may mga luhang bumabagsak sa mga mata niya.

Alam niyang hindi siya perpektong tao marami siyang nagagawang pagkakamali.

Hindi siya ganon kabuti, pero alam niya sa sarili niya na kahit papano deserve niyang maging masaya.

Deserve niyang maramdaman na hindi siya nag-iisa.

Parang pasan niya ngayon ang buong mundo dahil sa bigat na nararamdaman niya sa puso niya.

Pakiramdam niya hindi siya tao.

Para siyang isang bagay na ginagamit gamit lang ng mga mahal niya.

A lot of people are admiring her.

Madami ang nagsasabing sana maging kagaya nila siya.

She was the famous bachelorette in town the heiress of the Saldivar Corporation.

Maganda, sexy, mayaman, hinahangaan ng karamihan.

Tingin ng lahat masaya ang buhay niya, they think that she can get whatever she wants just because she's beautiful and rich.

But they are all wrong,

they think she lived in heaven but in reality she lived in hell.

At ngayon dahil sa kagustuhan niyang hindi madungisan ang pangalang pinakaiingatan ng pamilya niya, sa kagustuhan niyang mapalaya ang kapatid niya.

Makukulong naman siya sa isang kasal at kasunduang ni sa panaginip ay hindi niya gugustuhing mangyari.

Habang nag-iisip si Asha biglang may kumatok sa pintuan niya.

Agad niya namang pinunasan ang mga luha niya.

"Come in" saad niya dito

Agad namang pumasok ang katulong nila.

"Ma'am pinapatawag na po kayo sa baba" sabi nito sa kanya.

Yes this is it the final deal.

Ngayon magpapakasal siya sa isang demonyo.

"I guess this is not my lucky year." bulong niya sa kanyang sarili.

Matapos niyang ayusin ang sarili niya ay agad siyang bumaba sa dining area nila.

Nadatnan niyang nag-uusap ang papa niya at si Simon.

At mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito.

"What's the matter pinatawag niyo daw ako?" tanong niya sa papa niya.

"Have a seat first Asha" sagot nito sa kanya.

Agad namang umupo si Asha.

Nakaharap siya ngayon kay Simon.

"Simon told me that you already signed the contract." bungad nito sa kanya

"Yes dad."

"So I assumed that you understand it, at wala ka namang kontra dun"

"Gagawin ko kung anong tingin kong makakabuti for all of us"

"So Asha as you signed this contract pumapayag ka na hawakan ni Simon lahat ng assets mo pati na ang shares mo sa kompanya. You will do everything that he wants, you'll be a good wife and in return Simon will be your husband and he will also clean up your mess and he will find out who is behind the video" sabat naman ng mama niya.

Nais sanang tumanggi ni Asha ngunit alam niyang wala siyang magagawa.

"To make this contract valid attorney Ramos is here siya and magiging witness na both of you signed this contract without hesitation." sabi ng papa niya.

Lies Beneath LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon