Pagmulat ng mga mata ni Asha wala siyang ibang nakita kundi kulay puti.
"Patay na ba ako?" tanong niya sa kanyang sarili.
Nagulat siya ng biglang bumungad sa kanya ang mukha ng isang babae.
"Ma'am okay lang po ba kayo?" tanong nito sa kanya.
Ng makita ni Asha ang buong kabuuan nito dun niya lang napagtanto na isa pala itong nurse.
"Ma'am sandali lang po tatawagin ko lang po si Doc." paalam nito sa kanya tsaka ito lumabas ng kwarto niya.
Pagkaraan ng ilang segundo pumasok na ang doctor.
Agad nitong tinanong si Asha kung ano ang nararamdaman nito.
"We're glad that you're okay now Mrs.Montefalco." sabi ng doctor.
Hanggang sa maalala ni Asha ang anak niya.
Kaya naman agad siyang napahawak sa tiyan niya.
"How's my baby doc?" nag aalalang tanong nito.
Hindi naman kaagad nakasagot ang doctor.
Panandaliang nagkaroon ng katahimikan sa loob ng kwarto ni Asha.
Dun na nagsimulang umusbong ang takot na nararamdaman ni Asha.
"What doc answer me?" tanong nito habang bakas sa boses ang pag-aalala para sa anak.
"I'm sorry Mrs.Montefalco but your baby is---gone."
Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Asha.
Parang naninikip ang dibdib niya dahilan para mahirapan siyang huminga.
Hanggang sa bumagsak na lang ang mga luha niya.
Hindi siya makapaniwala sa narinig niya.
"No doc baka nagkakamali ka hindi pa patay ang anak ko!!" sigaw ni Asha habang patuloy pa rin ang pag-iyak niya.
"I'm really sorry Mrs.Montefalco " saad ng doctor.
"No!!!stop it you're lying!! Leave me alone! Leave!!!!" sigaw ni Asha.
Dali-dali namang umalis ang mga doctor.
At ng makaalis na ang mga ito naiwan na lang mag-isa si Asha habang walang humpay pa rin ito sa pagluha.
"My baby, I'm sorry hindi kita nagawang alagaan ng mabuti. Bakit mo naman iniwan agad si mommy hindi pa kita nararamdaman sa loob ng tiyan ko, hindi ko pa napaparamdam sayo yung pagmamahal ko. Bakit iniwan mo ako? Pano na si mommy?" sabi ni Asha habang nakahawak sa tiyan niya,
patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
Ng biglang bumukas ang pinto.
Agad na pumasok si Simon sa kwarto ng kanyang asawa.
Nadatnan niya itong umiiyak.
At kahit siya hindi makapaniwala na wala na ang anak niya.
And worst nawala pa ito dahil sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" malamig na tanong sa kanya ni Asha.
"I'm here---"
Hindi na pinatapos ni Asha ang sasabihin nito.
"I don't want you here, I don't need you. You killed my child!!" sabi ni Asha habang may mga luha pa ring bumabagsak sa mga mata niya.
"Don't say that wife, Hindi ko ginustong mangyari yun." sagot ni Simon tsaka niya tinangkang yakapin si Asha ngunit itinulak lamang siya nito.
BINABASA MO ANG
Lies Beneath Love
RomanceA story of lies and love.Asha and Simon was both came from famous and wealthy family.They were supposed to get married before but an accident happened and it caused Simon to be convicted with the crime of murder.When he finally got his freedom back...