Chapter 14

167 5 0
                                    

Agad sinalubong ng mga katulong si Asha ng makita nila siyang papasok na ng bahay.

"Good evening ma'am." bati ng isa sa mga ito sabay kuha ng bag na hawak ni Asha.

Ngunit hindi niya pinansin ang mga ito.

Nakatulala lang siya habang naglalakad. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin siya hindi niya alam kung totoo nga ba ang nakita niya o kung namamalikmata lamang siya.

Impossible pano niya makikita ang isang taong matagal ng patay?

Hindi man siya sigurado sa nakita niya pero alam niya na meron sa isip niya ang nagsasabi na totoo ang nakita niya at merong parte sa puso niya na patuloy pa ring umaasa na buhay nga ang lalaking mahal niya.

"Wife!!" sigaw ni Simon sabay yakap kay Asha.

Pero parang hindi siya narinig nito.

"Hey Asha I'm talking to you." sabi niya rito tsaka niya iniharap ang mukha niya rito.

Bigla namang natauhan si Asha.

"Simon ano ba!" sabi ni Asha sabay alis niya sa kamay ni Simon na nakahawak sa mukha niya.

"What the hell is your problem are you okay?" tanong ni Simon.

Tumango lang si Asha tsaka siya naglakad paakyat sa kwarto nila.

Agad naman siyang sinundan ni Simon.

"Saan ka galing love?" tanong ni Simon ng makarating na sila sa kwarto nila.

"Sa meeting."

"Ang tagal naman ng meeting niyo inabot kayo ng ilang oras."

"Simon I'm tired I want to rest."

"Okay sige goodnight wife." sabi niya kay Asha tsaka niya ito hinalikan sa noo.

"Goodnight." sagot naman ni Asha pagkatapos ay humiga na ito sa kama nila.

Tinitignan lamang ni Simon ang asawa niya habang nakahiga na ito sa kama.

Hanggang sa mapagdesisyonan niyang pumunta na lang muna sa balcony ng kwarto nila.

Napapailing na lang si Simon.

Alam niya kasing nagsisinungaling si Asha.

Alam niyang hindi nito tinuloy ang meeting niya at alam niya ring galing ito sa libingan ni Bryan.

Dahil sinundan niya ito at hindi niya akalain na dahil sa pagsunod niya dito makikita niya uli ang taong yun.

Ngunit napapaisip siya kung bakit sa tinagal tagal ng panahon ay ngayon pa ito magpapakita.At ano naman kaya ang dahilan nito para magpakita sa asawa niya.

-----------

Kinaumagahan, nagulat si Asha paggising niya dahil may nakahanda ng breakfast sa kama niya may isang piraso pa ng rosas at card itong kasama.

Umupo siya at sumandal siya sa headboard ng kama.

Kinuha niya naman ang card at binasa ang nakasulat dito.

"Good morning love, my wife I prepared breakfast in bed for you. Just got an early meeting I'll just see you in the office. I'm so fucking love you
                  -Your Love"

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ni Asha at hindi niya namamalayan na nakangiti na pala siya.

But when she realized it agad niya ring pinawi ito.

"No asha! no! no! no!" sabi niya sa sarili niya.

Pagkatapos ay kinain niya na ang breakfast niya.

Hindi niya maiwasang maisip siguro kung hindi niya lang alam ang totoo baka pwede niya itong mahalin.

Just like how she did before,

But there's a lot of things that changed, and there are wounds that still aren't healed.

Kung hindi siguro namatay si Bryan, kung hindi lang sana nangyari ang lahat ng nangyari noon baka naging masaya pa siya na naikasal siya kay Simon.

Kung alam lang siguro nito noon na nahuhulog na rin siya rito.

She fell in love with Simon and that's her biggest mistake and regret.

Hindi niya lubos maisip na muntik niya ng ipagpalit ang lalaking lubos niyang minamahal para lamang kay Simon.

And that will never happen again.

Hindi niya na hahayaang may mawala uli sa kanya dahil lamang sa kagustuhan niyang mahalin si Simon.

She will not repeat the same mistake again that's what she promised to herself. She will not allow herself to love Simon Blake Montefalco again because in the end they will just end up destroying each other.

--------------

Habang nakaupo sa opisina niya si Simon ay hindi niya pa rin maalis sa isipan niya ang nakita niya ng sundan niya ang kanyang asawa.

Hindi siya pwedeng magkamali sa nakita niya.

Pero bakit?

Yan ang paulit ulit tumatakbo sa isipan niya.

Agad niyang kinuha ang phone niya at dinial ang number ng pinsan niya.

"Hello Peter."

"Ohh Simon napatawag ka is there a problem.?"

"Yah"

"What is it?"

"I saw him Peter."

"Who?"

"HIM"

"You mean him?"

"Yes"

"That bastard! Why now?" tanong ni Peter.

"I don't know but we need to find him asap."

"Don't worry Simon I'll take care of him."

"Okay update me" sabi niya rito tsaka niya ito binabaan.

"I will find you whatever it takes." bulong ni Simon sa sarili niya.

Lies Beneath LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon