Mabilis ang pagpapatakbo ni Simon sa sasakyan niya.
Hindi matagal sa kanya ang pag-aalala para sa kapakanan ng pinsan niya.
"Where the hell are you Peter?"
Habang binabagtas niya ang kalsada hindi niya maiwasang Makita ang kumpulan ng mga tao pati na rin ang mga pulis.
Tila may kung anong humihila kay Simon para silipin kung ano ang nangyayari kaya naman bumaba siya sa kanyang sasakyan.
At ganon na lang ang pagkabigla niya ng Makita ang isang sasakyan na nahulog sa bangin hanggang sa makilala niya ito.
"Kotse to ni Peter." nag-aalalang saad niya.
Agad niya namang nilapitan ang isang pulis upang itanong sana Kung nasan si Peter.
"Excuse me sir, asan po yung driver ng kotseng nahulog?"
"Hanggang ngayon pinaghahanap pa rin po yung driver" sagot nito.
Labis namang nabahala si Simon sa kanyang narinig.
"Sige salamat po"
Agad na bumalik si Simon sa kanyang sasakyan.
"Ahh damn! where are you Peter?"
Habang iniisip ni Simon ang kalagayan ni Peter.
Bigla na lamang sumagi sa kanyang isipan ang kanyang asawa.
Pakiramdam niya kasi ay may kung anong hindi maganda ang mangyayari Kaya naman dali-daling pinatakbo ni Simon ang kanyang sasakyan papunta ng ospital kung nasaan naroroon si Asha.
------
Hindi mapakali si Asha sa kanyang silid.
Labis siyang nag-aalala para sa kanyang asawa pakiramdam niya kasi ay may problema ito ayaw lamang nitong ipaalam sa kanya.
"Maam ayos lang po ba kayo.?" tanong ng nurse niya.
"Yes I'm good."
Hanggang sa tumunog ang cellphone ng nurse niya.
"Ahh excuse me lang po ma'am."
"Sige."
Pagkatapos magpaalam kay Asha ay lumabas na ito.
Hihiga na sana si Asha para magpahinga ng bigla na namang magbukas ang pinto niya.
Niluwa nun ang kapatid niya.
Nagtaka naman si Asha ng makita si Alvin.
Dun niya naalala ang sinabi ng tatay at ng itinuturing niyang ina na may gusto sa kanya ang kapatid niya.
Dahilan para makaramdam siya ng pagka asiwa ng makita ang kapatid niya.
"What are you doing here kuya?"
"I'm here for you."
Bigla namang natakot si Asha.
"What?"
"Come with me Asha."
"Ha?" naguguluhang tanong ni Asha.
"I love you Asha sumama ka na sakin pangako sasaya ka sa piling ko"
Nabigla naman si Asha sa kanyang narinig.
"What the hell are you saying kuya kapatid mo ko nababaliw ka na ba?!"
"Sasama ka sakin sa ayaw at sa gusto mo." sabi ni Alvin tsaka niya hinigit patayo si Asha.
"Aray!! Ano ba let me go kuyaaa!" pagpupumiglas ni Asha.
"Sasama ka ba sakin o papatayin ko ang asawa mo?" pananakot ni Alvin.
"Don't you dare Alvin.!!!"
"Hawak ko siya kapag di ka sumama sakin papatayin ko siya!" pagsisinunggaling ni Alvin.
Binalot ng takot si Asha kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha.
Hindi niya kakayanin pag may nangyaring hindi maganda sa asawa niya.
Mas mabuting siya na lang ang maghirap at masaktan wag lang si Simon.
Kaya naman isang desisyon ang ginawa ni Asha.
"Sasama na ako." saad niya kasabay ng kanyang pagluha.
"Good, now you're mine my love." saad naman ni Alvin ng may nakakalokong ngiti sa kanyang labi.
BINABASA MO ANG
Lies Beneath Love
RomanceA story of lies and love.Asha and Simon was both came from famous and wealthy family.They were supposed to get married before but an accident happened and it caused Simon to be convicted with the crime of murder.When he finally got his freedom back...