Pagdating ni Asha sa bahay nila agad siyang dumeretso sa kwarto nila habang wala pa rin siyang tigil sa pag-iyak dali-dali niyang kinuha ang maleta niya, isa-isa niyang nilagay doon ang mga gamit niya.
Sakto naman ang pagdating ni Simon, nagulat siya ng makita niyang nag iimpake ang kanyang asawa Kaya naman agad niya itong nilapitan.
"What are you doing love?" tanong nito na halata sa boses ang pag-aalala.
Madaming tanong ang gumugulo sa isipan ni Simon tulad na lang ng talaga bang iiwan na siya ni Asha? Makakaya nga ba niyang malayo sa asawa niya?
"Isn't obvious Simon I'm leaving." sagot naman ni Asha.
"No hindi mo pwedeng gawin yun wife." sabi naman ni Simon tsaka niya kinuha ang maleta ni Asha at hinagis niya ito palayo.
"What the hell Simon!!!"
"You will stay here Love, you can't leave me wife."
"Well I'm sorry to disappoint you but I can my dear husband." sagot naman ni Asha tsaka niya akmang kukunin ang bag niya pero napigilan siya agad ni Simon.
"Love please let me explain."
"Explain? Really huh? nung ako ba yung nagmakaawa sayo noon para pakinggan mo yung explanation ko nakinig ka ba? hindi diba? in return nawala sakin yung anak ko!!"
"Asha please love I'm sorry, I'm really sorry but please pakinggan mo ko"
"I've heard enough Simon at pagod na ako! I'm so tired hearing lies, ang gusto ko lang naman mahalin ako ng mga taong mahal ko but why does it seems like it's really hard for all of you to do that."
"But I do wife I love you."
"If you love me then why did you used me?"
"No love it's not--"
"Cut that shit Simon I know everything simula dun sa pamblablackmail mo sakin para mapilitan akong magpakasal sayo."
Gulat na gulat naman si Simon sa kanyang narinig.
Nagtataka siya kung paano nalaman ng asawa niya na siya ang nasa likod ng pamblablackmail dito.
"Pano mo nalaman yan, I can explain everything wife."
"I trusted you and I loved you but why does it seems that everytime I chose to love you, you chose to break my heart!" sabi ni Asha habang may mga luha pa ring bumabagsak sa kanyang mga mata.
Hindi na rin napigilan ni Simon ang mga luha niya, nasasaktan siya.
Nasasaktan siya sa tuwing nakikita niyang nasasaktan ang asawa niya parang paulit ulit na sinasaksak ang puso niya.
But he knows that if there is someone to blame for all the pain na nararamdaman niya at nararamdaman ni Asha yun ay walang iba kundi siya.
"Sumugal ako uli sayo eh at siguro yun yung naging pagkakamali ko." sabi ni Asha tsaka siya dali-daling lumabas ng kwarto.
Sandali namang hindi nakakilos si Simon.
Hanggang na narealize niya na lang na wala na pala sa harap niya ang kanyang asawa.
Kaya naman dali-dali siyang tumakbo palabas sakto naman na pasakay na ito sa sasakyan niya.
Hinila niya ito palapit sa kanya at niyakap pero agad din siyang tinulak ni Asha.
"Just let me go, Let me go!!" sabi ni Asha tsaka siya mabilis na sumakay sa kotse niya at agad niya itong pinaharurot paalis.
Naiwan naman si Simon.
"Arrrrghhhhhh!!" sigaw niya tsaka niya sinuntok suntok ang pader nila.
-------
Dumeretso naman si Asha sa bahay nila sakto naman na nandon ang tatay niya.
Hindi na napigilan ni Asha ang kanyang sarili agad niya itong niyakap ng makita niya ito,
At dun bumuhos na naman ang kanyang mga luha.
Ngunit ang mas kinasakit pa ng loob niya ay imbes na damayan siya nito ay mabilis siya nitong tinulak palayo.
"What is you're problem?" walang kaemoemosyon na tanong ng tatay niya.
"And what the hell are you doing here?" dagdag pa nito.
"Can I stay here for a while dad?"
"And why?"
"Gusto ko ng makipaghiwalay sa asawa ko." sabi ni Asha.
"You cannot do that, not until mapunta na sayo lahat ng yaman ng mga Montefalco!" sabi nito sa kanya.
Na mas kinasakit pa ng kalooban ni Asha.
Bakit ba ni minsan di niya maramdaman ang pagmamahal ng pamilya niya..
Pamilya nga ba niya?
"Dad hayaan mo muna si Asha."
Napatingin naman si Asha sa taong nagsalita nakita niya ang kanyang kapatid na pababa sa may hagdanan.
"Tsk bahala kayo!" sagot lang ng tatay nila tsaka na ito umalis.
Naiwan naman silang dalawa ni Alvin.
"Are you okay.?" tanong nito sa kanya.
Napailing lang si Asha tsaka niya niyakap si Alvin.
Niyakap din siya nito ngunit ang hindi alam ni Asha ay masayang masaya ito sa loob loob niya.
Dahil ang taong kayakap niya ngayon ay ang taong matagal ng may lihim na pagtingin sa kaniya.
Ang taong laging sumusunod sa kanya.
Ang taong laging nagmamasid sa kanila.
Ang taong matagal ng ninanais ang pag-ibig ng kapatid niya.
BINABASA MO ANG
Lies Beneath Love
RomanceA story of lies and love.Asha and Simon was both came from famous and wealthy family.They were supposed to get married before but an accident happened and it caused Simon to be convicted with the crime of murder.When he finally got his freedom back...