Chapter 33

124 3 0
                                    

Nakahiga na sa kama niya si Asha nasa kwarto niya siya ngayon mag 10pm na.

Naisipan ni Asha na magpahangin muna sa may veranda niya.

Hanggang ngayon kasi ay wala pa ang asawa niya.

Habang umiinom siya ng wine hindi pa rin lubos maintindihan ni Asha kung bakit parang pakiramdam niya ay may mali.

Mas lalo pang nakakagulo sa pag-iisip niya yung mga sinabi ni Brenan sa kanya.

Bakit naman kaya siya pinagiingat ng taong minsang sumira sa buhay niya.

Pakiramdam ni Asha ay may alam ito na hindi pa niya alam...

Pero ano naman kaya yun???

---------------------

Nasa may lounge naman ng haven sila Rio at Simon.

Hindi maiwasan ni Simon ang mailang lalo na at grabe kung makadikit si Rio sa kanya.

Nais sana niyang tawagan ang asawa niya ay icheck kung nakauwi na ba ito sa kanila pero hindi niya magawa dahil pinatay ni Rio ang cellphone niya.

"So Simon how's everything?" tanong ni Rio.

"What do you mean?"

"Your plan?"

Napatigil naman si Simon at agad ininom ang laman na  alak ng baso niya.

Naalala niyang kasama nga pala si Rio sa mga plano niya.

Napapailing na lang si Simon.

Ano ng gagawin niya ngayon tila mahihirapan siyang isakatuparan ang plano niya lalo na't nagiging maayos na sila ng asawa niya.

Pero paano niya naman ito sasabihin kay Rio alam niyang hindi siya maintindihan nito at baka mas makadagdag lang ito sa mga iisipin niya.

"Wala muna sa isip ko yun Rio, masyado na akong maraming iniisip. Isa pa kakamatay lang ng anak ko I'm still grieving." sagot ni Simon.

"Tsk tsk that bitch she should've take care of your child, don't worry Simon I promise you hindi ako magiging ganon I will be the best mother, hindi ko hahayaang mawalan tayo ng anak unlike that stupid bitch!"


Bigla namang nag-init ang ulo ni Simon hindi niya maiwasang mainis lalo na sa mga naririnig niya na salitang lumalabas sa bibig ni Rio nawawalan na siya ng pasensya rito baka di niya mapigilan ang sarili niya at masaktan niya ito dahil sa mga sinasabi nito sa asawa niya.


"Stop it Rio!" pagpigil ni Simon kay Rio.

"Okay fine anyway, here's copy of the information na nakuha ko sa private investigator natin." saad ni Rio.

Then she gives the papers to Simon.

Tinanggap naman ito ni Simon ngunit hindi niya ito binuksan.

"Aren't you going to read it?" nagtatakang tanong ni Rio.

"Maybe not now." sagot naman ni Simon.

"Don't worry honey in no time we'll be free." sabi ni Rio tsaka niya hinalikan sa labi si Simon.

Ngunit hindi din nagtagal ang halik nito dahil agad din siyang itinulak palayo ni Simon.

"I'm still married Rio." saad ni Simon tsaka siya tumayo.

"Wait where are you going?" tanong naman ni Rio sabay hawak sa kamay ni Simon.

Lies Beneath LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon