Chapter 45

133 3 0
                                    

Halos paliparin na ni Simon ang kanyang sasakyan sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya.

Habang may mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata wala ng ibang magawa si Simon kundi manalangin na maging ligtas ang kanyang asawa.

"God I know I'm not a good person I made a lot of mistakes but please save my wife please save her she's my life mahal na mahal ko siya." saad ni Simon.

Tsaka nito tinignan ang kanyang asawa na ngayon ay wala ng malay.

"Love please don't give up on me, stay with me Asha please love stay with me." bulong ni Simon tsaka niya mabilis na hinalikan ang kamay ni Asha.

Ni Hindi na nga sumasagi sa isip ni Simon ang tama ng barilin sa kanyang hita dahil ang nasa isip niya lang ngayon ay si Asha.

Ng makarating na siya sa hospital agad niyang binuhat si Ash a papasok sinalubong naman siya ng mga nurse at doctor.

"Mr.Montefalco ano pong nangyari?" tanong ng doctor

"Shut the fuck up!! at gamutin mo na yung asawa ko!" sigaw ni Simon.

Na sa sobrang galit at pag-aalala ay kinuwelyuhan nito ang doctor.

Halata naman sa mukha ng doctor ang pagkabigla at ang takot.

"We'll do our best sir." sagot naman ng doctor.

"Just make sure our else lahat kayo mananagot sakin!" pagbabanta ni Simon.

Dali-dali namang dinala si Asha sa may operating room.

Habang papunta sila sa OR hawak-hawak pa rin ni Simon ang kamay ng kanyang asawa.

"Wife please wag mo akong iiwan ha stay with me please love."

Habang sakay ng stretcher patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo ni Asha.

"Wife don't leave me please wake up I love you." bulong ni Simon.

"Sir hanggang dito na lang po kayo." sabi ng isang nurse kay Simon.

"But I don't want to leave my wife!"

"Sorry sir pero hindi po kayo pwede sa loob." pagpigil ng nurse kay Simon.

Kaya wala ng ibang nagawa si Simon kundi tignan ang asawa niyang pinapasok na sa operating room.

"Damn it!!!!!Arghhhh!!!" sigaw ni Simon tsaka niya pinagsususuntok ang pader ng hospital.

Dahilan para magdugo ang kanyang kamay.

"Sir, may tama rin po pala kayo kailangan niyo din po magamot." sabi ng nurse.

"I'm okay I don't need anything I just need my wife!" sagot ni Simon.

Ngunit bigla na lang siyang nakadama ng pagkahilo at unti-unti na lamang nandilim ang kanyang paningin.

"Sir!! sir!!"

At tuluyan na nga siyang bumagsak sa sahig.

-----

Unti-unting iminulat ni Simon ang kanyang mga mata.

Puro puti lamang ang kanyang nakita.

"Patay na ba ako?" tanong niya.

"Ang masamang damo matagal mamatay."

Nagulat na lang si Simon ng may magsalita.

Bumungad sa kanya ang mukha ng kanyang pinsan na nakaupo sa couch.

Lies Beneath LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon