Chapter 13

165 4 0
                                    

Tahimik na nakaupo si Asha sa swivel chair niya.

Hinihintay niya ngayon ang magiging kalabasan ng unang meeting ni Simon bilang parte ng S&D Corporation.

Hindi niya alam pero pakiramdam niya may mali, parang may hindi tama.

Habang nag-iisip ay may biglang kumatok sa pintuan niya ang kanyang secretary.

"Come in."

Pagpasok nito ay agad nitong iniabot sa kanya ang mga papeles na kanyang pipirmahan.

"Ma'am you have a dinner meeting with Mr.Agustin mamayang 7:00." paalala nito sa kanya.

"Okay"

Pagkaalis ng secretary niya ay agad namang pumasok si Simon sa office niya kanina pa pala ito nakikinig sa pinag-uusapan nila ng secretary niya.

"So may dinner meeting ka pala di hindi kita makakasabay mag dinner." sabi ni Simon sabay lapit sa kanya.

"Bakit hawak ko ba ang pagkain mo? Kaya mo namang kumain mag-isa."

"Tsk come on asha can't you act like a loving wife na mag-aalala sa asawa niya kapag naiiwan niya itong mag-isa."

"Oh shut up Simon this marriage is just for a show baka nakakalimutan mo na kung anong pinag-usapan natin find that fucking blackmailer."

"Yah,I know ginagawa ko na."

"Make sure." sabi nito rito tsaka niya kinuha ang bag niya at iniwan niya itong mag-isa sa opisina niya.

Pagkarating ni Asha sa may parking lot naisipan niyang bisitahin ang libingan ni Bryan.

Samantalang naiwan naman si Simon sa opisina ni Asha.

Napapailing na lang si Simon, sa tuwing naalala niya na ang lahat ay isa lang malaking pagpapanggap.

Hindi siya pwedeng mahulog sa asawa niya.

Hindi niya ito pwedeng mahalin.

Hindi na ulit.

Sinimulang halungkatin ni Simon ang mga drawer ni Asha.

Kailangan may mahanap man lang siya na kahit anong pwedeng makatulong sa mga plano niya.

Habang si Alvin na man ay papunta sa opisina ng kapatid niya.

Namalayan ni Simon na may magbubukas ng pintuan kaya naman agad niyang itinigil ang ginagawa niya at umupo siya sa swivel chair ng asawa niya na para bang wala itong ginagawa.

"What are you doing here?" tanong ni Alvin ng makapasok na ito sa opisina ng kapatid niya.

"Why hindi ba ako pwedeng tumambay sa opisina ng ASAWA ko" talagang idiniin pa nito ang salitang asawa.

"Hmph I smell something fishy."

"Tsk sarili mo lang ang naaamoy mo Alvin" sagot ni Simon sabay tayo sa kanyang kinauupuan akma na siyang lalabas ngunit nagsalita uli si Alvin.

"I saw you!" sabi ni Alvin.

Nagtatakang lumingon naman si Simon sa kanya.

"What are you talking about?" naguguluhang tanong ni Simon.

"Sa condo ni Mandy, nakita kita."

"so?"

"Alam ba ng asawa mong nakipagkita ka sa kaibigan niya bago ito namatay?" tanong ni Alvin

Lumapit sa kanya si Simon then he look at Alvin straight to his eyes.

"Alam ba ng kapatid mong nakipagkita ka sa kaibigan niya bago ito namatay?" tanong pabalik ni Simon.

"Anong ginagawa mo don?" Alvin asked

"Ikaw anong ginagawa mo don?" tanong naman uli ni Simon.

"Bakit di ko ba pwedeng bisitahin ang girlfriend ko?"

"Correction Alvin ex-girlfriend."

"Tsk just answer my question Simon what are you doing there?anong pinag-usapan niyo ni Mandy bago siya mamatay?"

"It's none of your business Alvin, I don't owe you an explanation." sagot ni Simon tsaka ito lumabas ng opisina ni Asha.

Nangangalaiti namang naiwan si Alvin sa loob, alam niyang may pinaplano si Simon nagtataka siya kung ano ang pinag-usapan ni Mandy at Simon.

Samantala nakarating na si Asha sa libingan ng dati niyang kasintahan.

At sa hindi malamang kadahilanan bigla na lang bumuhos ang kanyang mga luha.

Agad siyang nagsindi ng kandila.

"Hi bry, sorry ngayon lang ako nakadalaw actually natatakot ako kasi wala akong mukhang maihaharap sayo.I'm already married pinakasalan ko si Simon Blake Montefalco how ironic right? I'm so sorry I don't have a choice sana andito ka sana kasama pa kita siguro hindi ganito kahirap yung buhay ko.I missed you. Hindi ako magsasawang humingi ng tawad sayo. I'm sorry kasi yung pangarap na binuo natin tutuparin ko kasama siya. I hope you can forgive me. I'm sorry bry.I'm sorry for everything you know what mean Bryan.You will always have a special place in my heart." sabi niya habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nakapagdecide siya na umalis na.

Pasakay na sana siya sa kotse niya ng may nakita siyang isang lalaking nakamasid sa kanya.

At ganon na lang ang pagkagulat niya ng mamukhaan niya ito halos mabitawan niya pa ang dala niyang bag.

"Bryan" bulong niya sa kanyang sarili.

Maglalakad na sana siya palapit dito ng biglang tumunog ang phone niya kaya naman pinulot niya ang bag niya at kinuha ang cellphone niya sa loob tsaka sinagot ang tawag.

"Hello Simon."

"Where are you?"

"Somewhere, why?"

"Let's date wife." yaya nito sa kanya nagulat naman si Asha sa sinabi nito.

"I'm sorry but I'm busy." sagot niya tsaka niya ito binabaan.

Pagkababa niya ng phone niya ay agad niyang ibinalik ang tingin niya sa puno kung saan niya nakita ang lalaki ngunit pagtingin niya wala na ito.

Bumilis ang tibok ng puso ni Asha hindi niya alam kung totoo ba ang nakita niya o sadyang namamalikmata lamang siya.

Pano niya makikita ang isang taong matagal ng patay?

Lies Beneath LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon