Chapter 17

156 4 0
                                    

Nakasakay ngayon si Asha sa elevator it's already 11:00 Pm and pauwi pa lang siya sa bahay nila dahil tinapos niya pa yung mga kakailanganin niya para sa presentation niya bukas.

Habang pababa ang elevator sa parking lot bigla itong bumukas at may isang lalaking sumakay.

Titignan na sana ni Asha yung lalaki ng biglang tumunog yung phone niya.

Agad niya naman itong kinuha ng makita niyang tumatawag ang kanyang asawa.

"What do you need Simon?" tanong niya rito.

"It's already 11 where are you love?"

"Dito pa sa office."

"What! Do you want me to come over I'll just pick you up.I'm worried."

"No need Simon tsaka I'm on my way naman na bat di ka pa natutulog?"

"I can't sleep without you." sagot nito sa kanya.

Bahagya namang napangiti si Asha dahil sa sinabi ng kanyang asawa.

"Tsk as if naman noh sige na matulog ka na pauwi na rin ako bye." sagot niya kay Simon bago niya ito tuluyang binabaan.

Sakto namang pagbaba niya sa phone niya ay bumukas na ang pintuan ng elevator.

Palabas na sana si Asha ng magkasabay sila ng lalaki.

"I'm sorry." saad ni Asha tsaka niya tinignan ang lalaki.

At ganon na lang ang pagkabigla niya ng makita niya na ang mukha nito.

Parang tumigil ang mundo wala siyang ibang naririnig kundi ang kanyang paghinga at ang pabilis ng pabilis na tibok ng puso niya kasabay nito ang tuluyan ng pag-agos ng mga luha niya.

Pano pano nangyari ito? Is it really possible? Am I dreaming? yan ang mga tanong na paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ni Asha.

Hindi siya makapaniwala.

Panong ang lalaking ang alam niya ay matagal ng patay ay nasa harap niya ngayon.

Namamalikmata nga ba uli siya.

Pero kahit na wala na siyang pakialam ang tangi niya lang ginawa ay ang yakapin ito.

"I can't believe you're here Bryan." gulat na sabi niya rito.

She was still in shocked.

Nanatili namang tahimik ang lalaki.

Habang nakayakap si  Asha sa lalaki ay patuloy pa rin siya pag-iyak hindi niya lubos maisip na mabibigyan pa siya ng pagkakataon na mayakap uli ang lalaking minsan niyang minahal.

"It's been a long time Asha." bulong nito sa kanya.

Ng tuluyan niya ng marinig ang boses nito ay agad siyang humiwalay rito at tinignan niya ito ng matiim sa mata.

"Is this for real?pero pano?" tanong ni Asha.

Pero imbes na sagutin nito ang tinatanong ni Asha ay ang tangi lamang nasabi ng lalaki ay,

"Don't trust anyone,not everything that you knew is real." sabi nito sa kanya.

At tuluyan na siya nitong tinalikuran.

Naguguluhan naman si Asha dahil sa sinabi nito kaya agad niya itong hinabol.

Pupunta na sana siya sa kabilang side ng parking lot para habulin ang lalaki kaya lang biglang may kotseng humarang sa kanya.

At bago niya pa ito tuluyang maabutan ay agad na itong nawala sa paningin niya.

---------

Wala pa rin sa sarili niya si Asha ng makarating siya sa bahay nila.

Lies Beneath LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon