Pain
Vanessa Jane Victorino's POV*Kriiiing! Kriiiing! Kriiiing*
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ko ang aking alarm clock. Kinusot ko ang aking mga mata at inunat ang aking katawan.
Panandalian akong natulala saaking pagkakahiga ng maalala ko ang aking panaginip.
"Paano kaya kung mangyare yun? Tsk, makabangon na nga lang" sambit ko.
Bumangon nalamang ako saaking pagkakahiga at kinalimutan nalamang ang panaginip ko kagabi.
Naglakad ako patungo saaming kusina, sandali akong napatigil saaking kinatatayuan nang mapansin kong hindi parin umuuwi sila Mama kaya kinabahan na ako at halo-halong emosyon at bagay na ang naisip at naramdaman ko.
"*sigh", Kalma lang Vanessa walang mangyayareng masama sakaniya." huminga ako ng malalim at ipinikit ang aking mga mata "Positive lang tayo ngayon, makakauwi sila ng ligtas" sambit ko.
Iminulat ko ang aking mga mata at ipinagpatuloy ang aking paglalakad, dahil wala ang aking Ina ako nalamang ang nagluto ng aking almusal.
Natawa nalamang ako sa resulta ng aking almusal.
"Medyo sunog pa tong hatdog at ham" napahampas ako saaking noo sabay tawa ng mahina "Pero pwede na to, makakain na nga" sambit ko.
Nagtungo ako sa lamesa at duon ay kinain ko na ang almusal ko, habang tumatagal lalo lang ako napapaisip kung ano na ang kalagayan ng aking Ina at kapatid hindi sila mawala sa isip ko kaya nawalan ako ng gana.
Nagtungo na ako sa banyo at inumpisahan ko ng maligo. Minadali ko ang aking pagkilos dahil naalala ko na malapit ko ng maabot ang 10th warning at ayaw ko ng madagdagan pa iyon.
Pagkatapos kong maligo, nagtungo ako saaking kwarto at agad na nagbihis at inayos ang sarili at gamit ko.
Lumabas na ako saaking kwarto ng makapag ayos na ako. Palabas na ako ng bahay ng biglang nag ring ang cellphone ko, kaya naman agad ko itong kinuha sa aking bulsa.
Abot langit ang aking ngiti ng makitang si Mama ang tumatawag saakin, hindi na ako nag aksaya ng oras at sinagot ko ang tawag ni Mama.
"Vanessa anak kumain kana ba?" tanong saakin ni Mama na may pag-aalala sakaniyang boses.
"Uh, opo Ma tapos na po. Kayo po kumain na kayo?" sagot ko.
"Oo naman, pasensya kana at hindi na ako makatawag kagabi busy kase kami sa pag uusap tungkol sa ating reunion" sagot ni Mama.
"Ayos lang po yun ang mahalaga ngayon ay nalaman ko na nasa mabuting kalagayan kayo, hindi kase ako mapakali kanina kase hindi pa kayo umuuwi ni Mae" sagot ko.
"Ayos lang kami dito nak, nandito rin ang Papa mo siguro sa makalawa luluwas kami sa Laguna" sagot ni Mama.
BINABASA MO ANG
Loving my First Boss (ON-GOING)
RomanceMeet Vanessa Jane Victorino, a 19-year-old girl who is always unlucky when it comes to love. Once she gets herself back together after being cheated by her last ex-boyfriend, she decided to focus on herself and finding a job. A job that will bring h...