A/N: Typos and Grammatically errors ahead.
Bills
Vanessa Jane Victorino's POV
Iniisip ko parin ang mga bagay na nangyayari sa paligid ko, tila ba sasabog na ang utak ko sa kakaisip dahil sabay sabay ang mga problema na dumadating sa buhay ko. Pero wala akong galit o inis na itinatanim sa mga nagbibigay saakin ng problema dahil alam ko naman na pagsubok lang lahat ng ito at kaya kong lagpasan ng mag isa.
Sa gitna ng aking pag iisip, biglang may tumawag saaking cellphone at agad ko namang kinuha ito.
"Rose" bulong ko.
Sinagot ko kaagad ang tawag ni Rose, sinandal ko ang aking likod saaking upuan upang maging komportable ako.
"Hello, sino po ito?" sambit ni Rose sabay pigil sakaniyang tawa.
"Ikaw itong tumawag tapos sasabihin mo kung sino ang tinawagan mo, nahihibang ka na ba rose?" sambit ko ng wala sa tono.
"Eto naman hindi mabiro oh, gusto lang naman kita patawanin" sagot nito.
"Kung yon ang gusto mong gawin pwes hindi ka nag tagumpay" sagot ko.
"Oo na oo na" sagot nito sabay halakhak.
"Ibigay mo nga kay Dianne ang cellphone rose, hindi ko alam kung bakit tumawag ka kalokohan pa ang inuna mo *sigh*" sagot ko.
"Yes po madam" sagot nito at muling tumawa.
"Hello vane, dianne na 'to" sambit ni Dianne sa cellphone.
"hm, hi" walang ganang pagsabi ko.
"Matamlay boses mo, anong nangyare?" tanong nito.
"Vanessa! Ayos ka lang ba?"
"Bessy, nagbibiro lang ako kanina~ i love youuu" sambit ni Angel at Rose.
"*chuckles* Oo naman ayos lang, ikukwento ko nalang sainyo pag uwi ko mamaya" sagot ko.
"Mabuti naman kung ganon, mag iingat ka diyan" sagot nito.
"Bakit nga pala kayo tumawag?" sagot ko.
"ah, about kila Tita, pwede na daw iburol bukas ng umaga. Ang problema nalang kase yung pambayad" sagot nito.
"Ano ba lahat babayaran?" sagot ko.
"Sa morgue at funeral service, so aabot ng 250k *exhales*, package deal na din yon sila na bahala sa paglilinis at sa mga gagamitin sa burol" sagot nito.
Pakiramdam ko'y parang may bumaon na tinik saaking puso at mabigat na bato sa ulo at likod ko, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera lalo na ngayon nag uumpisa palang akong mag ipon ng pera at hindi ko pa nakukuha ang unang sahod ko dahil hindi pa ako nagtataga ng isang buwan at kahit na makuha ko ang sahod ko ngayong buwan hindi iyon sapat para mabayaran ang 250k.
"T-two h-hundred f-f-fifty... t-thous-sand? Dianne saan ako kukuha ng ganoog kalaking pera!?" napatayo ako mula saaking pagkakaupo.
"Vanessa kumalma ka, malay naten diba may tumulong lalo na naipalabas naman sa balita yung nangyare" sagot nito.
"Hindi ko kailangan ng luho o tulong mula sa mga taong hindi ko kilala, gusto ko na ako mismo ang mamoblema at humanap ng solusyon. Hindi ako makasarili, gusto ko lang maiparamdam sa pamilya ko ang pagmamahal ko sakanila kahit sa huling pagkakataon" tuluyang bumuhos ang aking luha.
BINABASA MO ANG
Loving my First Boss (ON-GOING)
RomantikMeet Vanessa Jane Victorino, a 19-year-old girl who is always unlucky when it comes to love. Once she gets herself back together after being cheated by her last ex-boyfriend, she decided to focus on herself and finding a job. A job that will bring h...