Kabanata 12

774 80 1
                                    

New Mission


Vanessa's POV

8PM na pero hindi parin ako pinupuntahan ni Sir. Montemayor saaking Opisina kaya medyo kinakabahan at natatakot na ako dahil baka iniwan na niya ako rito nang mag-isa.

Tumayo na ako saaking kinauupuan at binitbit ko ang mga papeles na nakaimbak saaking Office Table at inilagay ko ito sa isang Cabinet sa aking likod.

Isasarado ko na sana ang cabinet ng biglang namatay ang ikaw sa buong Opisina ko kaya naman natakot na ako. Sinabayan pa nang malamig na hangin ang madilim na paligid kaya naman lalo akong natakot.

Naglakad ako ng dahan-dahan at humawak sa mga bagay na pwede kong maging gabay papunta saaking Office Table upang makuha ko ang Cellphone ko.

Sa aking paglalakad mayroon akong nakawakang matigas na nasa loob ng tela. Hindi ko na inalam kung ano ito kaya naman agad ko itong kinurot.

"Aray!" sigaw ni Sir. Montemayor.

"Waaaaah!" sigaw ko.

Pagka-kurot ko sa bagay na aking nakapa biglang bumukas ang ilaw ng Opisina ko. Hindi ko inasahang nasa harap na ako ng Pintuan. Nanlaki ang mga mata ko ng mapansin nakapisil parin ang aking mga daliri sa Abs ni Sir. Montemayor.

Shet, ang tigas yummy! Char.

"Bakit mo pinatay yung ilaw!" sigaw ko.

"Hindi ko pinatay! Gusto mo pang makulong ako" sagot nito.

"I mean in-off" sagot ko.

"Wala lang" sagot nito.

"Nagpapansin ka lang no" sagot ko.

Naglakad na ako papunta saaking Office Table at binitbit na ang aking backpack. Maglalakad na sana ako papunta kay Sir. Montemayor ng may biglang tumawag saaking Cellphone kaya naman kinuha ko na muna ito saaking backpack.

Pagbukas ko ng aking Cellphone, si Mommy pala ang tumatawag saakin kaya agad ko na itong sinagot.

"Hello Mommy napatawag ka?" tanong ko.

"Anak, nasaan kana ba?" tanong ni Mommy.

"Nasa Office pa Mommy bakit po?" tanong ko.

"Uwi ka na dahil may sasabihin kami sayo" sagot ni Mommy.

"Ano po yun Mommy, pwede naman po ngayon na" sagot ko.

"Ayaw ko ng ganiyan anak gusto ko personal" sagot ni Mommy.

"Good po ba yan or Bad? tanong ko.

"Pwede siyang good pwede din Bad" sagot ni Mommy.

"Ayyyyy, sige po Mommy pauwi na ako bye po" sagot ko.

"Ingat ka anak" sagot ni Mommy.

"Love you po" sagot ko.

"Love you din bye na" sagot ni Mommy.

Ibinaba ko na ang aking Cellphone at tinapos na ang tawag ni Mommy. Ibinulsa ko na ang aking Cellphone at agad kong tinignan si Sir. Montemayor na agad ng nakatingin saakin.

"Hahatid pa ba kita?" tanong nito.

"Ikaw ba, kung gusto mo" sagot ko.

"Uhm, pwede bang favor?" tanong nito.

"A-ano yun?" tanong ko.

"Pwede bang----" putol niyang sagot.

"Sabihin mo na wag ka nang mahiya" sagot ko.

Loving my First Boss (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon