Kabanata 25

294 30 9
                                    

Caught

Vanessa Jane Victorino's POV

"Nakakasawa din pala umiyak" bahagya akong natawa "sayang ang luha Vane, mag trabaho ka nalang" nasapo ko ang noo ko.

Naisandal ko ang aking likod saaking office chair at duon ako nakaramdam ng kaginhawaan. Kanina pa ako umiiyak dahil lang sa nabakababaw na dahilan, nakakangawit lang sayang ang oras ko.

Muli ako huminga ng malalim saka binuksan ang aking backpack at duon kinuha ang aking cellphone. Sandali akong nawala saaking isip ng maalala ang aking Inay at kapatid.

"Kumusta kaya sila?" nag alala ako ng sobra.

Agad kong tinawagan ang numero ng aking ina ngunit hindi niya ito sinasagot, sobrang bilis ng tibok ng puso ko, para itong sasabog sa pag aalala.

Biglaan namang bumukas ang pintuan ng aking Opisina at iniluwal nito si Mikaela. Nag aalala itong lumapit saakin at niyakap ako ng pagkahigpit.

"Anong nangyare?" nag aalalang tanong nito.

"W-wala" nauutal kong sagot at nag aalangan pang tumungin sa mga mata ni Mikaela.

"Wag kang magtago sakin lalo na kung tungkol sa'yo, ano bang nangyare?" lalo kong nadama ang pag-aalala sakaniyang boses.

"Kasi naman eh *sigh* hindi sinasagot ni Mama yung tawag ko" sagot ko habang pinipigilan ang aking luha.

"Tumahan at kumalma ka muna okay?" ngumiti ito at hinaplos ang aking likod. "Wag kang mag isip ng kung ano-ano diyan, malay mo busy sila" dugtong nito.

"Pero hindi ko kase maiwasang mag alala, lalo na ngayon na malayo sila sakin" sagot ko at pinipigilan parin ang aking luha.

"Ano bang huling sabi ni Tita sayo?" tanong nito.

"Kasama niya daw yung mga kamag-anak namin kase nga para pag usapan yung reunion namin" panandalian akong pumikit at huminga ng malalim upang pigilan ang aking luha "Babyahe daw sila ng Laguna, hindi pa kase tumatawag ulit kaya nag aalala lang ako" pagpapatulot ko.

"Oh yun naman pala eh, baka nasa byahe lang sila" ngumiti ito at tinitigan ako saaking mga mata "Ayos lang sila, wag ka ng mag isip ng ano-ano diyan baka mapano kapa" dugtong nito.

Isang maliit na ngiti ang namuo saaking labi nang makaramdam ako ng kaginhawaan, tumingin ako sa mga mata ni Mikaela at binigyan ito ng maaliwalas na ngiti.

"Salamat ah, i'm so thankful kase meron akong ikaw na laging kong lalapitan kahit na anong oras" sambit ko.

"Magkaibigan tayo diba? Okay lang yan, babalik naman sila Tita" sagot nito.

"Oo naman" sagot ko.

Loving my First Boss (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon