A/N: Typos and grammatical errors ahead.Paralyse
Vanessa Jane Victorino's POV
Dali dali kong kinuha ang aking mga gamit mula saaking mga malamig at nanginginig na kamay. Kahit na ako ay natataranta, dala ng halo-halong nararamdaman ay pinilit ko ang aking sarili na kumilos ng normal. Hindi ko rin mapigilan ang aking sarili na maiyak dahil sa saya at pananabik na makita ang aking pamilya matapos ang napakahaba at magulong panaginip ko.
Nang matapos ko ng makuha ang aking mga gamit ay huminga ako ng malalim at pinunasan ang aking mga luha na umabot na saaking baba at leeg. Inayos ko na rin ang aking damit at buhok at dahan dahan na naglakad palabas saaking opisina.
Pagbukas ko sa pintuan ay kitang kita ko ang madilim at tahimik na opisina ng aking mga katrabaho. Kaagad naman dumampi ang malamig na hangin saaking balat na nagpataas ng aking mga balahibo kaya agad ko ng iniwan ang aking opisina.
Sa aking paglalakad, dumapo ang aking tingin sa opisina ni Sir Montemayor. Ilang segundo ko itong pinagmasdan na nagbigay ng init saaking pisngi ng maalala ang mga pagkakataon na magkasama kami.
"Namimiss ko ba siya?" ani ko saaking mahinang boses habang nakatitig sa pintuan ng kaniyang opisina.
Nagpakawala nalamang ako ng hininga at itinuloy ang aking paglakad hanggang sa makalabas na ako sa building. Kaagad na umihip saakin ang malakas na ihip ng hangin nang makalabas na ako. Hinawi ko ang aking buhok na tumatakip saaking mukha at naglakad na muli.
Ngunit hindi ko maintindihan, ang bawat hakbang ko ay napakabigat. Parang mayroong nakatali saaking mga paa at pumipisil saaking ulo na mas lalong nagpapahirap saaking maglakad.
Pinilit ko nalamang hindi ito pansinin upang kaagad na makauwi saaming tahanan upang muling makapiling ang aking pamilya.
Makalipas ang ilang minuto, sawakas ay nasa harap na ako ng aming tahanan. Huminga ako ng malalim at nagpakawala ng matamis na ngiti sabay bukas saaming gate. Dali dali akong tumakbo papasok saaming bahay.
Nanlamig ang aking mga kamay at pisngi sa mga oras na buksan ko ang pintuan ng aming bahay.
Tumambad saakin ang walang buhay na katawan ng aking mga magulang na naliligo sakanilang sariling dugo. Mas lalong nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang isang lalake na nakatayo sa gilid ng aking mga magulang na hawak ang aking kapatid sa leeg na wala na ring buhay.
Nais kong sumigaw, gusto kong umiyak, gusto kong tumakbo, at maghiganti ang aking pamilya sa lapastangang lalake na pumatay saaking pamilya. Ngunit bakit? Bakit hindi ko magalaw ang aking katawan? Hindi ko man lang magawang lumuha o magsalita? Ano ang nangyayare saakin?
Patuloy lamang ako sa pagtitig sa lalake na pumatay saaking pamilya. Unti unti niyang binitawan ang aking kapatid hanggang sa bumagsak ang walang buhay nitong katawan sa tabi ng aking mga magulang.
Nakatalikod siya saakin kaya hindi ko matukoy kung sino ang taong ito. Hanggang sa naramdaman ko ang boses na nais kumawala saaking bibig at lakas loob kong kinompronta ang lalakeng ito.
"Walang hiya ka! Bakit mo 'to nagawa sa pamilya ko!? Sino ka?! Ipakita mo saaking ang iyong mukha!" sambit ko habang nakakapit saaking damit.
BINABASA MO ANG
Loving my First Boss (ON-GOING)
RomanceMeet Vanessa Jane Victorino, a 19-year-old girl who is always unlucky when it comes to love. Once she gets herself back together after being cheated by her last ex-boyfriend, she decided to focus on herself and finding a job. A job that will bring h...