A/N: Typos and Grammatically errors ahead.
Kiss
Vanessa Jane Victorino's POV
Pagka upo ko sa tabi ni Mikaela, sinalubong agad ako ng mga matang sabik sa kwento ng aking mga trabaho, napailing nalamang ako atsaka tumingin kay Mikaela.
"Ehem, baka gusto kong magkwento kung bakit pumunta si MR.MONTEMATOR sa Office mo MS.VANESSA" sambit nito habang nakatitig saakin.
Sumunod naman ang pamimilit at pang aasar ng aking mga katrabaho, hindi ako naiinis dahil natatawa ako sakanila dahil kung ano ano ang pumapasok sa isip nila na may pagkakatulad din sa iniisip ko.
Ah- hindi naman yung ano-
"Wala talagang balak makwento sis?" sambit ni Elijah.
Nagpatuloy ang pagpipilit nila saakin hanggang sa hindi ko na matiis, kaya nagsalita na ako.
Akto na ako ay magsisimula ng magsalita, lumabas si Sir. Montemayor sakaniyang office at tumingin lamang siya saamin.
Lumipas ang ilang segundo ay nagsalita si Leo. "Sir masyado po ba kaming maingay" sambit niya.
"Yes" agad sumagod si Sir. Montemayor.
Tumaas ang mga balahibo ko at bumilis ang tibok ng aking puso dahil ngayon ko lang ulit nakita siyang seryoso.
"Sorry Sir, nakikiusap kase kami kay Vanessa na ikwento niya kung bakit pumunta ka sa Office niya" sambit ni Mikaela.
Natigilan ako saglit at agad na tinapik sa braso si Mikaela na tawang tawa. Hindi ko naiwasan na tumingin kay Sir. Montemayor at hindi ko alam ang dahilan. Nakatitig lang siya saakin, lalong bumilis ang tibok ng aking puso at ramdam ko na namumula na ang mga pisngi ko.
"Why don't you tell them" sambit nito habang nakatingin saakin.
"Ang a-alin" sagot ko.
"What happened to us back there" sagot nito tsaka kumindat saakin.
Humiyaw naman ang mga katrabaho ko, hindi ko din alam kung ano ba ang mararamdaman ko dahil tila ba nawala ang kalahati ng buhay ko sa pagkamatay ng pamilya ko pero dahil sa pinaparamdam saakin ni Sir Montemayor, kahit papaano gumagaan ang loob ko.
"Wala namang nangyare ah" sagot ko ng may pagmamalaki
"Are you sure?" sagot nito tsaka ngumisi.
"Yes, i'm sure" hala siya galing mag english.
"Oh, makakalimutin kana pala Ms. Vanessa" sagot nito na may halong pang aasar.
"Hindi ako makakalimutin, sadyang feelingero ka lang" sagot ko.
Ngumiti lang ito saakin tsaka naglakad ng kaunti papalapit saamin. Tumingin naman isa isa saakin ang mga katrabaho ko at ipinaparamdam na kinikilig sila sa mga nangyayare. Pero ako, parang nakakaramdam ako ng hindi maganda lalo na't nasa presensya ko ang demonyo kong Boss.
"I guess, ako nalang ang magkukwento sakanila kung ano ang nangyare saating dalawa back there in your office" sambit nila na may kasamang seductive na tingin.
Sabi ko na nga ba! Hindi ko talaga mapagkakatiwalaan ang lalake na 'to.
"Go Sir ikaw nalang magkwento" sambit ni Mikaela tsaka tumingin saakin na may pang-aasar.
"Pakipot kase si Vanessa eh Sir" sambit ni Elijah tsaka binigyan din ako ng mapang asar na tingin.
Hindi ko alam kung ano nga ba ang mararamdaman o gagawin ko sa mga oras na ito, kung magagalit ba ako sa mga katrabaho ko o kay Sir Montemayor kase pakiramdam ko talaga na may balak nanaman 'tong hindi maganda.
BINABASA MO ANG
Loving my First Boss (ON-GOING)
RomanceMeet Vanessa Jane Victorino, a 19-year-old girl who is always unlucky when it comes to love. Once she gets herself back together after being cheated by her last ex-boyfriend, she decided to focus on herself and finding a job. A job that will bring h...