Kabanata 28

226 32 15
                                    

Typos and grammatically errors ahead.

Kaibigan

Vanessa Jane Victorino's POV

Ramdam ko ang pamamanhid ng aking katawan at panlalamig ng aking mga kamay at paa. Pilit kong iminumulat ang aking mga mata ngunit lubos na nahihirapan ako, ngunit ibinigay ko lahat ng aking lakas upang maimulat ang aking mga mata at magising sa katotohanan.

Makalipas ang ilang minuto ng aking pagkakahiga mula sa isang hindi pamilyar na kama, sawakas ay naimulat ko na ang aking mga mata.

Dahan dahan akong bumangon saaking pagkakahiga kahit na napaka bigat ng aking pakiramdam, inilibot ko ang aking tingin saaking paligid at ramdam ko na pamilyar ang kinalalagyan ko. Ngunit nahihirapan ako na alalahanin ang lugar na ito dahil sa sobrang sakit at bigat ng katawan at pakiramdam ko.

Bigla nalamang akong natigilan saaking pagkakaupo ng maalala ang panaginip ko.

Ngunit... panaginip nga ba ang lahat ng iyon? Paano kung totoo lang ng mga nangyare tungkol sa pamilya ko?

Naramdaman ko ang isang malaking tinik na bumaon sa puso ko na lalong nagpabigat saaking pakiramdam at duon na nagsimulang bumagsak ang mga luha ko.

Sa aking paghagulgol, isang pamilyar na boses ang aking narinig na bumigkas saaking pangalan.

"Vanessa!"

Agad akong lumingon at nasilayan ko ang makatalik kong mga kaibigan. Tumakbo ang mga ito papalapit saakin sabay yakap saakin ng mahigpit, ramdam ko ang kanilang pag aalala saakin kaya hindi ko na din napigilan ang mga luha ko.

"Tahan na Vanessa, kakagising mo lang iiyak kana agad baka mapano kapa niyan" sambit ni Rose sabay haplos saaking likod.

Ganon din ang ginawa saakin ni Angel at Dianne at hindi nagtagal, ay unti-unti ng tumatahan ang aking paghagulgol.

Inabutan ako ng tubig ni Dianne, tinanggap ko naman ito at ininom ito. Kita parin sa kanilang mga mukha ang pag aalala, ganun din ang tinik saaking puso na patuloy parin na nakabaon na lalong nagpapahina saakin.

"Kumusta pakiramdam mo?" dama sa boses ni Angel ang pag aalala.

"A-ayos na-naman ako" sagot ko habang nakahawak sa dibdib ko.

"Oh? Anong nangyare diyan?" lumapit saakin si Rose at hinawi ang aking buhok. "Masakit ba?" tanong niyang muli.

"Hi-hindi ah, ayos l-lang" walang gana kong sagot.

"Wag ka ng magtago samin, magkakaibigan naman tayo" ani ni Dianne.

"Wa-wala 'to, wag n-niyo nalang a-akong intind-dihin" sagot ko.

"Magagawa ba namin yang sinasabi mo?" sagot ni Rose.

"Hindi na mawawala saamin na mag alala sayo, lalo na ngayon na-"

Natigilan sa pagsasalita si Angel ng tignan siya ni Rose at Dianne, lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko kay dami na ring mga tanong ang gumugulo sa isip ko.

Kailangan kong malaman ang totoo, gusto ko ng matahimik ang utak ko.

"Bakit ka tumigil sa pagsasalita?" tumingin ako ng deretso kay Angel "May gusto ka bang sabihin?" dagdag ko pa.

Loving my First Boss (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon