A/N: Typos and Grammatically errors ahead.
Tease
Vanessa Jane Victorino's POV
"Vanessa Gising na"
Mga salita na aking narinig bago ko pa imulat ang aking mga mata. Nasilayan ko si Angel mula saaking tabi na himihintay ang aking pag gising.
Napaungol ako ng mahina kasabay ng pag unat ko saaking balikat bago ako bumangon saaking kinahihigaan.
"Kumusta naman ang tulog mo?" tanong naman si Rose.
"Parang sampung minuto lang, pero okay na" sagot ko habang kinukusot ang aking mga mata.
"Wag masyadong diinan ang pagkusot sa mata mo Vane mamumula yan ng sobra" sambit naman ni Dianne.
"Halika na at mag aalmusal na tayo" sambit naman ni Rose habang inaayos ang aking buhok.
Tumayo na ako mula saaming higaan at naglakad patungo sa kusina, umupo ako sa tabi ni Dianne.
Napapikit nalamang ako ng maamoy ko ang napakabangong adobo saaming hapag-kainan.
Naalala ko ang aking ina, sa amoy palamang ng kaniyang luto at magigising na ako at ngayon kahit na hindi ko na matitikman muli ang luto niya nandito naman ang aking mga kaibigan upang maipadama saakin ang nakasanayan ko mula saaking Pamilya.
"Namiss mo si Tita?" tanong saakin ni Dianne.
Tumango nalamang ako, kapag nagsalita pa ako maaring tumulo nanaman ang mga luha ko.
"Sinadya ko talaga na lutuin ang adobo ni Tita pero hindi para saktan ka, gusto lang namin na sanayin pa parin na hindi siya mawawala sa tabi mo" sambit ni Rose.
"Alam niyo hindi niyo na kailangan na gawin 'to" nangingilid na ang mga luha ko "Sobrang dami niyo nang natulong sakin kaya okay na yon" dagdag ko.
"Hindi ka namin pwedeng pabayaan dahil nangako kami sa Parents mo na aalagaan ka namin kapag wala sila" sambit ni Angel na pigil din ang luha.
"Kaya nga magkakaibigan tayo, tanda mo nung una ikaw ang laging takbuhan namin kaya ngayon kami naman ang gagabay sayo" sagot ni Rose.
Napangiti nalamang ako sa sinambit ng aking mga kaibigan, napaka swerte ko dahil hanggang ngayon ay magkakasama parin kami kahit na sobrang bigat ng dinadala kong problema.
"Kumain na tayo, lalamigin na ang pagkain" sambit ni Angel.
"Ikaw talaga pagkain talaga lagi ang purkirya mo" sambit ni Rose.
Natawa naman kaming apat dahil alam na talaga namin ang ugali ng bawat isa dahil narin sa tagal na ng aming pagsasama.
Makalipas lamang ang ilang sandali ay nagring ang cellphone ni Rose, agad naman niya itong kinuha. Hindi niya agad sinagot ang tawag bagkus tumingin muna siya saakin na para bang may ipinapahiwatig na hindi ko maintindihan.
Umupo siyang muli sa tabi ni Angel saka na sinagot ang tanong.
Napahinto akong saaking kinakain ng marinig ko ang boses ni Sir. Montemayor, muli akong nakaramdam ng kuryente sa loob ng aking katawan na hindi ko maipaliwanag. Naiinis na ako sa aking sarili dahil hindi ko kayang pakalmahin ang aking sarili kapag nakikita o naririnig ko ang aking Boss.
Ilang sandali silang nag usap ni Rose ng bigla niya akong tawagin.
"Vanessa gusto ka daw makausap ni Sir. Montemayor" sambit nito na may halong pang-aasar.
"Bakit! Sabihin mo wala ako dito" bulong ko upang hindi ako makausap ni Sir. Montemayor.
Pinilit na ako ng mga kaibigan ko kaya wala na akong nagawa kungdi ang kausapin ang makulit kong Boss.
BINABASA MO ANG
Loving my First Boss (ON-GOING)
RomanceMeet Vanessa Jane Victorino, a 19-year-old girl who is always unlucky when it comes to love. Once she gets herself back together after being cheated by her last ex-boyfriend, she decided to focus on herself and finding a job. A job that will bring h...