Kabanata 19

563 46 1
                                    

Bisita

Vanessa's POV

6AM nang magising ako saaking kinahihigahan ngunit hindi na muna ako bumangon dahil pilit kong inaalala ang panaginip ko.

Makalipas ang mahigit sampung minuto, napahampas nalamang ako saaking noo ng mapansing sinayang ko lang ang oras ko sa kakaisip sa panaginip ko ngunit wala naman akong napala rito.

Binuksan ko nalamang ang cabinet na nasa gilid ng kama ko at kinuha roon ang aking suklay. Dahan-dahan kong sinuklay ang buhok ko para kahit papaano ay umayos ito.

Nang matapos na akong magsuklay, bumaba na ako sa kama ko at nag unat ng aking katawan. Naglakad na akong palabas ng kwarto ko at agad na din akong nagtungo saaming kusina.

"Good Morning anak *smile*" bati saakin ni Mommy.

"Good Morning din po" sagot ko kay Mommy habang kinukusot ang aking mata.

"Vanessa naman, wag mong kusutin yang mga mata mo baka mamula yan. Maghilamos ka nalang ng mukha para mawala yang pangangati niyan" sagot ni Mommy.

"Sige po Mommy" sagot ko.

Naglakad naman ako papunta sa banyo at inumpisahang maghilamos at magsipilyo. Makalipas ang ilang minuto lumabas na ako ng banyo at agad namab akong umupo saaming hapag kaininan.

"Huy ate wag mong kakalimutan yung Cotton Candy ko ah" sambit ng kapatid kong si Mae.

"Hmmm, yun ba sige ba tutulungan kitang bumili basta ikaw magbabayad" sagot ko sakaniya.

"Ate naman eh *simangot*" sagot nito.

"Biro lang naman yun, basta wag matigas ulo mo ah lagi mong tutulungan sa Mommy dito sa bahay kapag wala ako ah" sagot ko sakaniya.

"Yeey!! Sige po ate, maraming salamat" sagot niya saakin.

"Mamaya na kayo magkwentuhan kumain na muna tayo para makaligo na kayo" sambit ni Mommy.

Inilapag naman agad ni Mommy ang almusal namin sa lamesa at umupo na din siya. Bago kami kumain ay nagdasal muna kami para magpasalamat sa pagkain namin ngayon.

Nang matapos na kaming magdasal, inumpisahan na naming kumain. Ngunit sa kalagitnaan ng kwentuhan namin ay may kumatok sa pintuan kaya naman agad na akong tumayo saaking kinauupuan upang tignan ang tao na kumakatok sa pinto.

Habang papalapit ako sa pintuan ay nararamdaman ko na ding bumibilis ang tibok ng puso ko ngunit hindi ko na ito pinansin at agad ko ng binuksan ang pintuan.

Pagbukas ko ng pintuan, nanlaki nalamang ang aking mga mata ng makita na si Sir.Montemayor ang nasa harap ko.

"Anak, sino iyang bisita natin? Papasukin mo nga" sambit ni Mommy.

"O-opo M-mommy p-papapasukin k-ko na p-po" nauutal kong sagot habang nakatitig parin ako kay Sir.Montemayor.

Makalipas ang ilang sandali ay muli akong matauhan kaya naman ibinaling ko kaagad ang ulo ko tiniis ang kilig na nararamdaman ko. Muli kong tinignan si Sir.Montemayor at tinaasan ko ito ng kilay.

Loving my First Boss (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon