Kabanata 20

673 55 3
                                    

Date

Vanessa's POV

Sobrang higpit ng pagkakayakap saakin ni Sir.Montemayor at nararamdaman ko na kung gaano kabalis ang tibok ng puso niya. Napapikit nalang ako habang yakap namin ang isa't-isa, sana ganito nalang lagi kahit alam kong malabo na mahalin niya ako gaya ng pagmamahal ko sakaniya.

"Vanessa!!" tawag saakin ng isang babae na sobrang pamilyar saakin.

Napabitaw nalamang ako sa pagkakayakap kay Sir.Montemayor upang tignan kung sino ang babaeng tumawag saakin.

Isang maaliwalas ng ngiti ang nabuo sa aking labi ng masilayan ang tatlong kaibigan kong sina Angel, Rose at Dianne. Dali dali akong tumakbo papalapit sakanila at yinakap ng mahigpit

"Hanep, gumaganda Vane ah" sambit saakin ni Rose.

"Ako ba inaasar mo ah? Ikaw nga diyan eh tignan mo hindi na namumulo ilong mo *laugh*" sagot ko kay Rose.

"Ikaw talaga ah, wala ka paring pagbabago bully ka parin" sagot naman saakin ni Angel.

"Ehem, kumusta na kayo na Jowabels mo sis? Break na ba kayo? *laugh*" pang-aasar ko kay Angel.

"Kung ikaw kaya i break ko diyan chee!!" sigaw saakin ni Angel.

"Pikon kanaman agad" sagot ko kay Angel.

Napalingon naman ako kay Dianne at parang nabighani ako sa ganda niya. Grabe ang laki ng pagbabago nito siguro ang dami na nitong manliligaw.

"Lah? Dianne ikaw ba yan? Asan na yung pancit canton na buhok mo? *laugh*" pang-aasar ko kay Dianne.

"Ikaw Vanessa kanina mo pa kami inaasar" sagot naman nila saakin.

"Chee!! Hindi naman kayo mabiro eh. Namiss ko kasi kayo eh ang tagal na nating hindi nagkakasama" sagot ko sakanila.

"Tsss, oh oo nga pala kumusta yung una mong trabaho? Nakakapagod ba? Baka stress kana ah sabihin mo lang kung inaabuso ka ng boss mo masasampal ko yun" sermon naman saakin ni Angel.

Dahil sa sinabi ni Angel ay nagtawanan kaming apat. Hindi namin pinansin ang mga tao na nakatingin saamin bagkus mas nilakasan lang namin ang pagtawa namin dahil na miss talaga namin gawin ito.

Sa kalagitnaan ng pagtawa naman isang malambot na kamay ang humaplos sa tagiliran ko dahilan upang matigilan ako sa pagtawa at tumaas ang balahibo ko.

"Uhm, be careful to your words miss baka pagsisihan mo" seryosong sambit ni Sir.Montemayor kay Angel.

Nasilayan ko naman ang pagtaas ng kilay ni Angel kay Sir.Montemayor at unti-unti kong nararamdaman ang isang malaking gera.

"Ehem, FYI wala kang karapatan para pagsabihan ako ng ganiyan at Sino kaba ah!!" sigaw ni Angel kay Sir.Montemayor.

"Before i tell you who i'am please lock tge zipper of your short" seryosong sagot ni Sir.Montemayor kay Angel.

Agad naman nagtungo ang tingin ko sa zipper ni Angel at natawa nalamang ako ng mapansing bukas nga ang zipper ng short niya.

Loving my First Boss (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon