Lunch with You
Vanessa's POV
Hindi parin mabura saaking isip ang mga nangyari saamin ni Sir.Montemayor kanina lamang. Nang dahil sa lintik na Reunion kasi nayon kinailangan ko pang ibuwis ang sarili ko para lang hindi mapahiya sila Mommy at Daddy sa mga kamag-anak namin.
Pero minsan naiisip ko na gusto lang nila Mommy at Daddy na humanap ako ng Boyfriend para matuto na akong mamuhay mag isa at yun ang totoong dahilan nila kaya kailangan kong humanap ng "Fake Boyfriend" at pinapalabas lang nila Mommy at Daddy na ang dahilan nila ay kailangan kong humanap ng FAKE BOYFRIEND para hindi sila mapahiya sa mga Tita at Tito ko. Kase noong nakaraan lang galit na galit sila kapag may kasama akong lalake tapos ngayon gagawan pa nila ako ng kwento sa mga Tito at Tita ko na may Boyfriend na ako pero hindi naman totoo yun at sa bandang huli ako lang din ang magdudusa.
Nakatulala lamang ako saaking kinauupuan at unti-unti kong naramdaman na kumukulo na ang aking tiyan ko dahil sa gutom, kaya naman agad kong in-on ang aking cellphone para tignan ang oras.
"What! Alas Dose na pala, bakit hindi man lang ako tinawag nila Mikaela para kumain? Wala naman akong ginawa sakanila para magalit sila saakin" bulong ko saaking sarili.
Agad ko naman binulsa ang aking cellphone at binuksan ang aking backpack. Kinuha ko naman ang aking lunch box at muling isinara ang aking aking backpack. Inilapag ko muna ang lunchbox saaking office table at inayos ang aking damit.
Kinuha ko ng muli ang aking lunch box, tuluyan na sana akong tatayo saakung kinauupuan ng biglang bumukas ang pintuan ng aking opisina. Dahil sa pagkabigla muli akong bumagsak saaking office chair at naibagsak ko rin ang aking lunchbox saaking office table.
Hinayaan ko munang lumipas ang bilis ng tibok ng aking puso at ibalik sa dati ang aking paghinga. Sa kalagitnaan ng aking pagpapahinga muli kong narinig na sumarado ang pintuan ng aking opisina kaya agad akong lumingon sa taong muntik ng pumatay saakin dahil sa bigla.
"Gago ka ba ha! Ano sa tingin mo ang gin-" putol kong sambit.
Napatigil nalamang ako saaking pagsasalita ng makita si Sir.Montemayor ang taong nagbukas ng pintuan at muntikan ng pumatay saakin dahil sa bigla.
Halo-halong emosyon ang naramdaman ko sa mga oras na iyon ngunit hindi ako nagpatinag sa hiya na aking nararamdaman kaya naman ipinagpatuloy ko ang aking pagsasalita.
"Alam mo bang muntik mo na akong mapatay dahil sa ginawa mo!" sigaw ko kay Sir.Montemayor.
"Oh talaga? Akala ko kasi patay kana" seryoso niyang sagot saakin.
"Tanga kaba! Kung patay na ako edi sana hindi mo na ako nakikita at nakakausap dahil kaluluwa nalang ako!" sigaw ko sakaniya.
"Sinabi ko bang patay na tao kana? Ang ibig kong sabihin patay kana, patay na patay ka sakin *wink*" sagot niya saakin.
Nako! Akala mo naman ang cute mo sa ginagawa mo! Chee! Totoo naman eh enebe.
"Ang kapal talaga ng mukha mo no" sagot ko sakaniya.
"Wow ako pa talaga ang makapal ang mukha. Mas makapal kaya ang mukha mo, ang lakas ng loob mo na tanungin ako para maging boyfriend mo eh sinusungitan mo naman ako lagi" seryosong sagot niya saakin.
BINABASA MO ANG
Loving my First Boss (ON-GOING)
RomanceMeet Vanessa Jane Victorino, a 19-year-old girl who is always unlucky when it comes to love. Once she gets herself back together after being cheated by her last ex-boyfriend, she decided to focus on herself and finding a job. A job that will bring h...