Kabanata 39

70 9 0
                                    

A/N: Typos and Grammatical Errors Ahead.


Phone Call

Vanessa's POV

Nakaupo parin ako sa loob ng office ko. Mayroong mga oras na hindi ako makapag focus, may mga oras naman na nagagawa ko naman ang trabaho at may mga oras na iniisip ko ang Boss ko.

Ewan ko ba rito, wala naman siyang ibang ginawa kung'di asarin ako at mas lalong hindi ko alam ang paniniwalaan ko kung totoo ba ang mga sinasabi niya saakin o inuuto niya lang ako kasi wala naman talaga siyang choice.

Habang sumusulat ako sa isang form, nabaling ang tingin ko sa USB na ibinigay saakin ni Claire.

Dumagdag pa ang isang 'to, hindi ko na nga alam kung ano ba uunahin ko. Iisa lang ang utak ko ah, baka sumabog to ng wala sa oras kakaisip kay Sir- este sa mga problema na to.

Kukunin ko sana ang USB para i-plug in sa laptop ko nang biglang may kumatok sa pintuan mg office ko.

"Pasok" sagot ko. Sana naman hindi si Sir Montemayor 'to, hindi ko na talaga alam anong magagawa ko sakaniya kapag nakita ko nanaman siya.

Bumukas ang pintuan tsaka pumasok ng mabilis ang kaibigan kong si Mikaela.

"Vanessa!!" sigaw nito sabay yakap saakin.

"Anong nangyare sayo ah? Ang lakas pa naman ng boses mo" sagot ko tsaka tumawa.

"Paano ako makakatawag kung hindi malakas ang boses ko?" pagtataray nito tsaka tumawa.

"Oo na sige na tama ka na" sagot ko.

"Anyways" tinaas niya ang kaniyang kaliwang kilay. "Wala ka bang gustong ipaliwanag saakin" dagdag nito.

"Ano naman ang ipapaliwanag ko sayo ha?" sagot ko sakaniya at tinaas ko din ang kaliwang kilay ko.

"Beh, grabe kana hindi na kita maabot! Sayong sayo na talaga si Sir Montemayor" sambit nito tsaka hinamplos ang buhok at kinurot ang pisngi ko.

"Baliw ka! Halata naman inaasar lang ako nun" pagtataray ko.

"Hindi ko mahanap yung biro Vanessa! Napaka haba na talaga ng buhok mo, baka naman gusto mo akong biyayaan?" sambit nito.

"Wag na muna nating pag usapan yan Mikaela, madami na akong iniisip ngayon kaya hayaan na muna natin ang mga ganiyang bagay" sagot ko.

"Sus, pero deep inside kinikilig ka" sagot nito.

Hindi ko na napigilan ang kilig kaya naman isang matamis na ngiti ang kumawala sa aking labi. Nakita ito kaagad ni Mikaela kaya pinagtatapik ng malakas ang braso ko.

"Magpigil ka nga!" sambit ko.

"Tignan mo na gustong gusto mo naman pala" sagot nito.

"Medyo lang naman" sagot ko at muling pinigilan ang ngiti ko.

"So wala ka talagang balak magkwento?" sagot nito.

"Wala! Tsaka ano naman ang ikukwento ko sayo?" sagot ko.

"Anong wala" seryosong sagot nito "Ang tagal ko na hindi nakaka sagap ng chismis bes baka naman" pagmamakaawa nito.

Loving my First Boss (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon