Sundo
Vanessa's POVMahimbing akong natutulog saaking kama ng biglaang nag ring ang aking alarm clock. Napabalikwas nalamang ako saaking kinahihigahan dahil sa pagkabigla. Kinusot ko ang aking mga mata at inunat ang aking aking katawan, umupo na muna ako sa gilid ng aking kama at pilit na inaalala ang panaginip ko.
"Nakakainis naman, minsan na ngalanag managinip mapuputol pa!" bulong ko saaking sarili.
Binuksan ko ang maliit na kabinet sa gilid ng aking kama at kinuha roon ang kulay pulang suklay. Nagsuklay na muna ako ng buhok bago ako tuluyang lumabas saaking kwarto.
Makalipas lamang ang ilang sandali ibinalik ko na ang suklay saaking cabinet. Hindi ko inasahang mapapatingin ako saaking alarm clock kaya naman nanlaki nalamang ang aking mga mata ng makita ang oras.
"5:30 na!" sigaw ko.
Biglaan nagising ang aking kaluluwa ng makita ang oras. Agad na akong lumabas ng aking kwarto at tumakbo na papunta sa banyo upang maghilamos at magmumog.
Makalipas lang ang ilang minuto, lumabas na ako ng banyo. Naglakad na ako papunta sa kusina upang kumain na ng aking almusal. Napangiti nalamang ako ng salubungin ako ni Mommy na abot langit ang ngiti.
"Good Morning Vane, kumusta ang tulog?" bati saakin ni Mommy.
"Mommy naman, saan niyo nakuha yang palayaw na yan" naiinis kong sagot kay Mommy.
"Aba, yan kaya ang tawag saiyo ng nga Tito at Tita mo" sagot ni Mommy.
"Bakit Tita ba kita?" pamimilosopo ko.
"Hay nako ikaw talagang bata ka. Umupo ka na diyan at kumain na tayo" sagot ni Mommy.
Umupo na ako saaming hapag-kainan at inumpisahan ko ng kainin ang aking almusal dahil ayaw kong malate sa araw na ito.
Makalipas lang ang ilang minuto, tapos na akong kumain kaya naman tumayo na ako saaking kinauupuan at nagtungo na ako sa banyo.
Inalis ko na ang aking mga damit at inilagay yon sa basket. Binuksan ko na ang shower at inumpisahan ko ng sabunin ang aking katawan.
Makalipas lang ang ilang minuto tapos na akong maligo at magsipilyo kaya naman kinuha ko na ang towel ko at pinunasan ko ang aking katawan.
Habang nagpupunas ako, nakarinig ako ng pamiliar na boses sa kusina. Ngunit hindi ko na ito pinansin dahil ang mahala ngayon ay mapasok ako ng maaga sa mga oras na ito.
Nang masiguradong tuyo na ang aking katawan, kukunin ko na sana ang uniporme ko na nakasabit sa pintuan ngunit ngayon ko lang napansin na hindi ko pala iyon nadala kaya naman ibinalot ko muna saaking katawan ang aking tuwalya.
Naglakad na ako papalapit sa pintuan at dahan-dahan itong binuksan. Paglabas ko ng banyo isinara ko agad ang pintuan ng banyo dahilan upang maharap ako rito.
Nang maisarado ko na ang pintuan, nanlaki nalamang ang aking mga mata ng makita saaking dalawang mata si Sir.Montemayor na nakatingin saakin. Natigilan nalang ako saaking kinatatayuan at hindi ko alam ang aking gagawin.
"Oh anak buti naman at tapos ka ng maligo. Hindi mo naman sinabi na dadating pala ang Boss mo" nakangiting sambit ni Mommy.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang sinabi ni Mommy. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makagalaw saaking kinatatayuan.
"B-bakit k-ka n-nandito?" tauutal kong tanong kay Sir.Montemayor.
"Susunduin lang naman kita, Secretary ko" sagot niya saakin.
BINABASA MO ANG
Loving my First Boss (ON-GOING)
RomanceMeet Vanessa Jane Victorino, a 19-year-old girl who is always unlucky when it comes to love. Once she gets herself back together after being cheated by her last ex-boyfriend, she decided to focus on herself and finding a job. A job that will bring h...