Kabanata 13

850 90 5
                                    

The Contract

Vanessa's POV

"Kriiiiiiiiing, kriiiiiiiiiing,kriiiiing"

Nagising ako saaking higaan ng marinig ang malakas na tunog ng aking Alarm Clock. Inalis ko na ang kumot na nakabalot saaking katawan ata agad na akong tumayo saaking higaan.

Lalabas na sana ako ng aking kwarto ng biglang bumukad ang pintuan ng aking kwarto at nakita ko sa Mommy na nakatayo rito.

"Himala naman at gumising ka ng maaga ngayon anak ha" sambit ni Mommy.

"Mommy, may importante kasi akong gagawin ngayon" sagot ko.

"Ngapala, Good Morning Ija bumaba ka na para naman makakain kana ng almusal" sagot ni Mommy.

"Sige po Mommy susunod po ako, Good Morning din po *smile*" sagot ko.

Ibinalik ko ang aking tingin saaking kama at inayos na ito. Agad na akong nag lakad pababa saaming kusina at naabutan duon si Mommy na inahanda na ang aking Baon. Sa totoo lang, bilib talaga ako sa mga magulang natin lalo na sa mga Mama natin kasi kaya nilang magising ng maaga para lang pag silbihan tayo kaya sana habang nabubuhay pa sila, i-appriciate natin ang sakripisyo nila at iparamdam natin ang pagmamahal natin kahit sa simpleng bagay lang 😊.

Umupo na ako saaming hapag-kainan at sinimulan ng kainin ang almusal ko. Hindi ko na gaanong tinagalan dahil ayaw kong ma-late ako sa araw na ito at ayaw kong mabigo ako sa plano ko. Agad kong tinapos ang aking almusal at agad ng nagtungo saaming banyo upang magsipilyo at maligo na.

Makalipas lang ang ilang minuto, lumabas na ako ng aming banyo at agad ko ng sinuot ang aking Uniporme. Pumasok muli ako saaking kwarto upang mag lagay ng konting make-up saaking mukha at kunin na ang aking Backpack.

"Mommy, aalis na po ako" sambit ko habang naglalakad papalapit saaking Mommy.

"Mag iingat ka anak, eto pala ang lunch mo" sambit ni Mommy at inabot saakin ang bago kong Lunch box.

Naiwan ko kasi ang Lunch box ko kahapon sa Office ko, ahhh hindi lang pala ang lunchbox ko ang naiwan pati rin ang lunchbox ni Sir. Montemayor.

"Mommy, salamat po sa pag-aalaga" sambit ko.

"Anak, ibinigay kayo saakin ng Panginoon kaya responsibilidad ko na alagaan kayo" sagot ni Mommy.

"Mommy, wag po muna niyo kaming iiwan ni Mae ha? Bata pa po ang kapatid ko at wala pa po siyang alam sa mga nangyayari palagid niya pero grabe na po ang kamalditahan niya. Mommy, gusto ko pa po kayong mai-angat sa kahirapan kaya tiwala lang po makaka ipon din po tayo" sagot ko.

"Anak, handa akong mag hintay sa mga pangarap mo. Alam ko na kapag nawala ako malaking gastos nanaman ako sayo kaya ipangako mo saakin ha, mag asawa kana para mag karoon na ako ng apo." sagot ni Mommy.

"Ayan nanaman po kayo Mommy eh. Uunahin ko po ang pangarap ko na mag karoon ng maraming pera kaysa sa mag asawa ng maaga" sagot ko.

"Anak alam mo naman na, siyam (9) kaming mag kakapatid at ako nalamang ang walang apo sakanikang lahat kahit na isa ako sa pinaka matanda saaming magkakapatid. Pero anak, ang pera mauubos lang yan pero ang asawa, asahan mo ako hahanap-hanapin mo yan kahit na marami ka pang pera" sagot ni Mommy.

Loving my First Boss (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon