Kabanata 8

885 83 0
                                    

Manggagamit

Vanessa's POV

Patuloy lang ako sa pag babasa at pag aasikaso sa mga papeles na pinapaayos saakin ni Sir. Montemayor ng nakaramdam ako ng gutom. Tiniis ko muna ang gutom na aking nararamdaman at itinuloy lang ang aking trabaho.

Napabalikwas naman ako saaking kinauupuan ng biglang bumukas ang pintuan ng aking Opisina at nakita ko si Mark na naglakad papunta saakin.

"Vanessa?" tawag niya saakin

"M-mark a-anong kailangan m-mo?" nauutal kong tanong.

"Uhm, kain na tayo" sagot nito.

"A-ah, sige w-wait lang" nauutal kong sagot.

Tumayo na ako saaking kinauupuan at inayos ang nga paperwork's saaking lamesa. Naglakad na ako patungo sa pintuan ng aking Opisina, lalabas na sana ako ng biglang hawakan ni Mark ang katawan ko at hinila niya ako papalapit sakaniya.

"A-anong kailangan m-mo?" nauutal kong tanong.

"Pwede ba tayong mag usap?" tanong nito.

"Mark, if paguusapan natin yung tungkol kahapon, uhm kalimutan mo nalang lahat ng yon" sagot ko.

"Bakit ko naman kakalimutan ang mga nangyari kahapon kung isa yon sa mga pangyayaring bumiyak ng puso ko?" tanong nito.

"Kalimutan mo na lahat ng yon dahil wala namang katotohanan. Pinag titripan lang ako ni Sir. Montemayor" sagot ko.

"Huh? Bakit naman niya gagawin yon?" tanong nito.

"Basta, kalimutan nalang natin yon. Sorry if hindi man lang kita naipagtanggol" sagot ko.

"Uhm, okay lang yon" sagot nito.

"Kitang-kita sa mga mata mo na hindi ka parin okay" natatawang sagot ko.

Tinitigan ko siya ng seryoso at unti-unti akong lumapit sakaniya hanggang sa magdikit ang aming mga katawan. Huminga ako ng malalim at naglakas loob akong yakapin siya.

Ramdaman ko ngayon kung gaano kakisig ang katawan ni Mark. Naramdaman ko ang mga braso niya saaking likod at mas lalo niya pang hinigpitan ang pag kakayakap namin sa isa't-isa. Tumagal ng limang minuto ang aming yakapan at bumitaw na ako rito.

Napangiti nalang ako ng nakita kong wala ng pagdududa at galit sa mukha ni Mark. Hinawakan niya ang aking pisngi at unti-unting lumapit saakin. Inilapit niya ang kaniyang labi saaking noo at duon ako hinalikan.

"Vanessa, sa ganitong halik ko ipinaparamdam ang tunay kong pagmamahal sayo" sambit ni Mark.

Lalong namula ang aking mga pisngi dahil sa kaniyang sinabi. Hinaplos ko nalamang ang kaniyang kamay na nakahawak saaking pisngi para naramdaman niya na napakikig niya ako ng Sobra.

Sabihin niyo ng two timer ako pero wala kayong magagawa nahuhulog na talaga ako sakanilang dalawa. Kaya kuha ko sayo magmahal ka mga sampu para kapag iniwan ka ng isa may siyam kapa. Malas mo nga lang kapag iniwan ka nilang dalawa.

Lumabas na ako ng aking Opisina at sumunod naman ni Clark. Lumapit naman ako kay Mikaela na parabang natatawang nakatingin saakin.

"Bakit ang tagal niyo ni Mark?" tanong nito.

"Tinapos ko lang yung ginagawa ko" sagot ko.

"Yung totoo?" pang aasar nito.

"Ano bang gusto mong malaman ha?" natatawang tanong ko.

Loving my First Boss (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon