Maria Bella"What are you doing?" Napatigil ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Kunot na kunot ang noo nya at para bang magagalit na sya sa akin. Tumayo ako at binuhat ang palanggana.
"N-Naglilinis po."
"Sinabi ko bang maglinis ka?"
"Nagkusa na po ako para naman makabawi ako sa p-pagpapatulog nyo sa a-akin." Nahihiyang sabi ko sa kanya pero iiling iling lang syang lumapit sa akin at kinuha ang map at palanggana sa akin.
"You shouldn't do this Bella. Hindi kita katulong. You should take a bath. Malalate ka na sa office. I buy you a new clothes dahil hindi ko napalabhan ang damit mo. Go on, ihahatid na kita." Sabi nya sa akin at iniabot sa akin ang paper bags na dala nya. Maaga pala syang nagising.
"Hindi ko na matatanggap 'to Sir Ravanni. Susuotin ko na lang ulit ang damit ko at magtataxi na lang ako pauwi sa bahay."
"Just do what I said Bella. And m-my shirt iwan mo na lang sa kwarto don't bother to wash it or bring it." Sabi nito saka nagderetso sa kwarto nya. Mukhang dadami pa lalo ang utang ko nito kay Sor Ravanni ah? Saka di ko lalabhan ang t-shirt nya? Inamoy ko agad ang suot ko na damit kasi baka mamaya mabaho talaga pero mukhang hindi naman. Nakakahiya naman kung mag-amoy pawis o putok 'tong damit nya.
Ibinalik ko na lang sa banyo ang mga ginamit 'kong panglinis saka ako naligo at tiningnan ang mga damit na binili nya. Isa 'yong red dress na one shoulder. Mahaba ang isang manggas at may slit sa baba. Mayroon din doong isang pares ng white heels. Napangiwi ako nang makita 'yon. Hindi ako sanay mag-suot non. Siguro ay susuotin ko na lang 'yong black sandals na gamit ko. Nagsuklay lang ako at pagkatapos non ay lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko naman si Sir Ravanni na nakaupo doon sa sofa at nanonood ng TV.
"S-Sir Ravanni thank you po ng marami. Aalis na po ako." Sabi ko sa kanya kaya napalingon sya sa akin.
"S-Sir bakit po?" Tanong ko sa kanya dahil titig na titig sya sa akin. Bigla tuloy akong naconscious sa kung anong itsura ko.
"You look so ho- I mean why didn't y-you wear the sandals?" Kunot noong tanong nya saka sya umiwas ng tingin sa akin.
"Hindi po kasi ako sanay magsuot ng matataas na sapatos."
"But all womans love to wear those kind of shoes. And your hair, ganyan na ba talaga 'yan? And you didn't wear any m-make ups? How about any jewelries?"
"Hindi ko gusto ang lahat nang sinasabi nyo Sir Ravanni. Sa totoo nga lang po ay di ako mahilig magsuot ng ganitong damit pero dahil po galing ito sa inyo, susuotin ko na po." Nakangiting sabi ko sa kanya kaya tinawanan nya ako at mukhang hindi sya makapaniwala. Bakit ganito silang lahat? Halata ba talaga na probinsyana ako? Pero sabagay di naman ako nahihiya sa bagay na 'yon dahil totoo naman 'yon.
"You are really one of a kind Bella. How can you be so beautiful like that without wearing anything. Just a simple red dress and old black straps sandals and your hair just..j-just straight and plain like that?Seriously?" Tanong nya sa akin saka nya ako ulit pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Napatalikod ako sa kanya dahil doon. Nahiya ako bigla.
"That's a compliment Bella. Are you m-mad?"
"Hindi po. N-Nahihiya lang ako kasi hindi ako sanay na napupuri." Sabi ko sa kanya. Narinig ko naman ang malalim nyang pagbuntong hininga at naglakad sya paharap sa akin.
"You are so damn beautiful Bella. Ikaw lang ang babaeng nakilala ko na kayang lumabas ng walang kahit na anong make up at alahas sa katawan. You didn't even bother to blow dry your hair." Natatawang sabi nya sa akin habang inilalagay sa likod ng tenga ko ang takas na buhok sa mukha ko. Medyo basa pa 'yon dahil galing ako sa paliligo.
BINABASA MO ANG
When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]
Teen FictionWhere do broken hearts go? Would it be in someones hand who also have the same story as him? They said, there is a rainbow after the rain. That after the dark nights there will be a brighter day ahead. Will the two broken souls heal each other? Or t...