WTBSC 37

25 0 0
                                    

Maria Bella

Pagkatapos ng nakakahiyang pangyayari na 'yon ay laking pasalamat ko at hindi na 'yon nasundan pa. Naging maayos naman ang hapunan namin kahit na kita ko kung paano magtitigan sina Damon at Ravanni. Kinabukasan ay naging normal na lang na araw. Hindi sila nagpapansinan at siguro mas mabuti na rin ito kesa naman sa mag-away sila at magkasakitan nanaman.

"Bella, dalhan mo muna ng meryenda ang mga bisita mo doon sa may balkonahe. Nagluto ako ng turon at bananaque. Nagtimpla na rin ako ng juice doon sa may kusina." Sabi sa akin ni Nanay at iniabot sa akin ang hawak nyang plato. Napabuntong hininga naman ako na tinanggap 'yon sa kanya. Hindi ko alam pero marami parin talagang gumugulo sa isip ko.

"May problema ka ba?"

"P-Po?"

"Kagabi pa kita nakikitang ganyan. Ano bang problema?"

"Wala po Nay. Okay lang po talaga ako." Sabi ko kay Nanay at pinilit ko pang ngumiti sa kanya. Masyado na ba talaga akong obvious?

"Mag-usap tayo bago ka bumalik ng Maynila."

"Tungkol po saan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya dahil mukhang seryoso sya.

"Dalhin mo na lang 'yan sa labas. Sige na." Sabi lang nito at tinapik lang ang balikat ko saka nya kinuha ang malapad nyang sombrero at deretsong lumabas ng bahay. Kung ano man ang dapat naming pag-usapan ay siguro dapat na akong kabahan.

Paglabas ko ng bahay ay nakita ko agad sina Damon sa may ilalim ng mangga na nakaupo doon sa may upuan na gawa sa kawayan. Malayo ang pagitan nila sa isa't isa.

"Mag-meryenda na po kayo Sir Damon. Pinag-luto po kayo ni Nanay." Pag-agaw ko ng atensyon nila kaya napabaling silang parehas sa akin. Ipinatong ko naman sa may upuan ang dala kong plato. Napatingin naman agad ako sa kamay na bigla na lang dumampot doon. Si Ravanni pala.

"It taste great Bella. What do you call this?" Sabi agad nito sa akin nang matikman 'yong turon at ngiting ngiti pa sa akin.

"Turon ang tawag dyan." Natatawang sabi ko sa kanya dahil halata naman sa kanya na ngayon lang sya nakatikim non. Sa totoo nga ay para syang bata ngayon sa inaasta nya.

"Sweet wrapper with banana. Turon." Sabi nito saka kinain ulit 'yong hawak nya. Kung may isang bagay man akong hinahangan kay Ravanni 'yon ay ang pagiging simple nya. Naaappreciate nya rin ang mga simpleng bagay na ginagawa ko. Kahit sa maliit na bagay ay masaya sya basta galing sa akin. Lahat nang ginagawa ko ay pinapahalagahan nya. Malayo sa Ravanni na una kong nakilala sa isang mamahaling restaurant.

"Kukunin ko lang ang juice."

"Samahan na kita." Napatingin ako sa gawi ni Damon. Nakatayo na sya at nakatingin sa akin. Hindi nya pa tinitikman ang pagkain na dinala ko at sa mukha nya ay wala syang balak na tikman 'yon dahil hindi sya interesado. Parang may naramdaman akong kurot sa dibdib ko dahil sa pinapakita nya at naisip ko.

"H-Hindi na po." Magalang na sabi ko sa kanya kaya kumunot nanaman ang noo nya. Mas maganda sigurong kumunot na lang ang noo nya kesa sa walang ekspresyon ang mukha nya. Mas nakakatakot kasi 'yon.

"Come on Bel-" Naputol ang sasabihin nya nang biglang tumunog ang telepono nya. Hindi ko na hinintay na sagutin pa nya ang tawag at umalis na ako doon. Dumeretso ako sa kusina at kinuha ang pitsel ng juice doon saka ako bumalik kina Damon. Nang makita naman ako ni Ravanni ay kinuha nya agad sa akin ang pitsel at ang dala kong dalawang baso. Siguro naman kahit na juice ay iinom sya hindi ba?

"Why don't you eat too Bella?" Pag-aalok sa akin ni Ravanni pero umiling lang ako sa kanya. Baka mamaya ay di ko lang malasahan ang turon na 'yon dahil sa dami ng iniisip ko.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon