Maria Bella
Pagkatapos kong marinig ang lahat nang 'yon sa magulang ni Cohen ay halos maubusan ako ng mga salita na pwede kong sabihin. Bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat nang ito?
"Noong nalaman namin na umalis ka sa probinsya bago ang kasal ni Cohen, bigla na lang nawalan ng malay si Cohen noong araw ng kasal nila ni Klarise. Noong una ay akala namin ay gumagawa lang sya ng dahilan dahil ayaw nya ngang magpakasal pero hindi pala. He was already sick. Matagal na pala syang may dinadamdam pero hindi namin alam." Pagkukwento parin ng Nanay ni Cohen kaya lalo akong naguguilty sa lahat nang ginawa ko sa kanya noong nandito pa sya. Kung sana lamang ay pinakinggan ko sya.
"A-Ano pong sakit nya?"
"He has a stage 2 lung cancer." Sagot sa akin ng Papa ni Cohen saka ko nakitang umiiyak nanaman ang Nanay ni Cohen. Nagsisikip ang dibdib ko sa lahat nang nalalaman ko ngayon. Halos hindi 'yon matanggap ng utak ko.
"P-Pero gagaling pa p-po sya di ba?"
"Tumatangging magpagamot si Cohen dahil ayaw na nyang gumaling pa. Palagi nyang sinasabi na wala ka na kaya mas gusto pa nyang mamatay kesa hindi ka nya makasama. Ngayon na nagkaganito si Cohen, nagsisisi kami na inilayo ka pa namin sa kanya. Kung alam ko lang na ganito ang magiging bunga sa kanya sana ay hinayaan ko na lang kayong dalawa." Sabi ng Papa ni Cohen kaya umiling na lang ako sa kanya. Hindi na rin naman maiibalik pa ang nangyari na.
"Nadadala lang namin sya kapag nawawalan na sya ng malay. Ilang beses namin syang ikinulong sa ospital pero palagi lang syang tumatakas. Hanggang sa nakarating na kami dito sa Maynila pero wala paring nagbabago sa kanya. Noong nalaman nya na nandito ka rin ay sa halip na magpagaling at manatili sa ospital ay hinanap ka nya. Sinubukan namin syang pigilan pero sinabi nya lang sa amin na gusto nyang subukan pa dahil alam daw nya na mahal mo pa sya." Tuluyang pumatak ang mga luha ko nang marinig ko 'yon sa papa ni Cohen. Bumabalik sa isip ko ang lahat nang pagkakataon na ipinagtabuyan kk sya at pinili kong hindi sya pakinggan. Sa kabila ng lahat, may pinagmulan pala ang lahat nang ito.
"At naniniwala kami na kahit paano ay may nararamdaman ka parin sa kanya hija. Kaya pakiusap, kahit awa na lang para sa anak ko. Tulungan mo syang mabuhay pa. Bigyan mo pa sya ng isa pang pagkakataon. Pakiusap, nagmamakaawa ako sayo." Umiiyak na sabi ng Nanay ni Cohen habang mahigpit na hawak ang kamay ko.
Siguro ay ito ang sinasabi ni Nanay sa akin. Alam na nya ang kalagayan ni Cohen pero pinili nyang hindi sabihin sa akin dahil alam nya ang maaring maging desisyon ko kung marinig ko ang lahat nang ito.
"Nasaan po sya ngayon?" Seryoso kong tanong sa kanila. Sinabi naman agad nila 'yon sa akin kung nasaan si Cohen. Gusto ko syang makita at makausap. Ngayon, andaming bagay ang gusto kong itanong sa kanya. Gusto kong makahanap ng sagot sa lahat nang tanong ko at alam kong sya lang ang makakasagot non.
Mabilis kaming nakarating sa isang malaking bahay. Pagdating namin doon ay sinalubong kami ng ilang maids at guards ng bahay na 'yon.
"Si Cohen?" Rinig kong tanong nanay ni Cohen sa isang maid.
"Nasa kwarto nya po sya. Ayaw parin po nyang kumain." Napabuntong hininga na lang dito ang ginang saka ito tumingin sa akin. Habang naglalakad kami papunta sa kwarto ni Cohen ay parang lalong nagkukulang ang hangin sa katawan ko. Pakiramdam ko ay anumang oras ay babagsak ako sa kinatatayuan ko. Bumibigat ang dibdib ko. Pinilit ko namang ihanda ang sarili ko sa kung ano man ang pwedeng kong makita sa loob ng kwarto ni Cohen.
"Cohen anak? Buksan mo ang pinto nandito na si Mama. Kasama na namin sya." Mahinahon na sabi ng Nanay ni Cohen saka nito kinatok ang pinto. Ilang beses nya pa 'yong ginawa pero wala man lang nag-sasalita sa loob at mukhang wala kaming balak pag-buksan.
BINABASA MO ANG
When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]
Teen FictionWhere do broken hearts go? Would it be in someones hand who also have the same story as him? They said, there is a rainbow after the rain. That after the dark nights there will be a brighter day ahead. Will the two broken souls heal each other? Or t...