WTBSC 47

33 0 0
                                    

Maria Bella

"Sigurado ka na ba dito Bella?" Ilang beses nya na bang sinabi ang tanong na 'to sa akin mula kanina? Tamad akong tumingin kay Adisson saka ako bumuntong hininga sa kanya saka ako umiling. Naglalakad na kami ngayon papasok ng airport at hindi ko sya natiis dahil pinuntahan nya ako sa ospital kaya nasabi ko sa kanya ang lahat at ngayon nandito sya para ihatid ako o baka pigilan ako? Kanina pa nya akong tinatanong kung sigurado ba ako.

"Paano si Sir Damon?" Agad akong napatingin kay Adisson dahil sa sinabi nya para pigilan sya sa susunod pa nyang sasabihin sa akin saka ako napalingon kina Cohen dahil baka marinig nila si Adisson.

"Hinahanap ka nya Bella. Alam mo bang maghapon at magdamag na si Sir Damon na nagbabantay sa tinutuluyan natin? Hinihintay ka nya at mukhang wala syang balak na tigilan ka hangga't hindi ka nya nakakausap." Natigilan ako dahil sa sinabing 'yon ni Adisson pero ipinagsawalang bahala ko na lang ang sinabi nyang 'yon. Simula ngayon ay dapat sinusubukan ko na syang alisin sa sistema ko.

"Sabihin mo na lang sa kanya na lumipat na ako ng ibang matutuluyan at lumipat na rin ako ng ibang trabaho."

"At anong trabaho naman ang sasabihin ko sa kanya? Bilang asawa ng ex-boyfriend mo? Yon ba ang sasabihin ko?"

"Basta huwag na huwag mong sasabihin sa kanya lahat nang ito." Seryosong sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga na lang sya sa akin. Tumigil kami sa paglalakad nang sa may pila. Hanggang dito na lang pwede si Adisson.

"Hija, let's go." Napalingon ako sa Mama ni Cohen saka ako tumango sa kanya. Nakita ko naman na nakatingin rin sa akin si Cohen.

"Kaylangan ko nang umalis."

"Mamimiss kita. Huwag mong kakalimutan na kontakin ako kapag nandoon ka na huh?" Sabi nito sa akin kaya tumango na lang ako sa kanya bago ko maramdaman ang mahigpit nyang yakap sa akin. Kahit ilang buwan pa lang kaming nagkasama ay naging malapit na talaga sya sa akin. Sya lang ang naging kaibigan ko dito sa Maynila.

"Pakibigay nga pala nito kay Sir Damon." Sabi ko sa kanya nang kumalas ako sa yakap nya at iabot sa kanya ang cellphone na bigay sa akin ni Damon. Nagtataka naman syang tumingin sa akin.

"Sa kanya 'yan kaya kaylangan ko na 'ang isoli sa kanya. Sabihin mo na lang sa kanya na sobra akong nagpapasalamat sa kanya." Sabi ko sa kanya saka nya tinaggap ang phone na hawak ko at yakapin ulit ako ng mahigpit.

"Mag-iingat ka doon ah?"

"Oo. Sige na, kaylangan ko na talagang umalis." Sabi ko sa kanya kaya napipilitan syang binitawan ako. Binilinan nya pa ako bago ako tuluyang nakalayo sa kanya.

Ngayong paalis na ako ay hindi ko mapigilan ang maisip ang lahat nang taong iiwan ko para kay Cohen. Si Ravanni, sobra ko syang nasaktan pero hindi man lang sya nagalit sa akin. Hanggang ngayon ay parang nasa isip ko parin ang lahat nang sinabi nya sa akin. At si Damon, hindi ko man lang sya nakausap sa huling pagkakataon. Pero siguro mas mabuti na din 'to dahil kahit naman anong sabihin nya hindi na magbabago ang desisyon ko at 'yon ay ang piliin si Cohen para sa ikakabuti ng lahat. Naputol lahat nang iniisip ko nang maramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Cohen sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya at nang makita ko ang ngiti nya sa akin ay unti unting nababawasan ang guilt na nararamdaman ko. Patunay 'to na tama ang naging desisyon ko.

At kasabay ng pag-alis ko ngayon ay ang pagka-limot ko sa lahat nang nararamdaman ko hindi lang para kay Damon pero maging sa lahat nang nararamdaman kong sakit na idinulot nya. Sa huling pagkakataon ay nagbuga ako ng hangin na bumabara sa lalamunan ko para mapakalma ang sarili ko saka ko mahigpit rin na hinawakan ang kamay ni Cohen saka ako tumingin sa kanya.

"Tara?"





////











Pinagmasdan ko si Cohen na nakahiga sa kama nya at payapang natutulog. Kakatapos lang ng session nya kaya siguro ay nakatulog sya. Mag-dadalawang buwan na kami dito sa America at patuloy parin ang pang-gagamot kay Cohen. At sa awa naman ng diyos ay nagakakameron naman daw ng improvements ang kalagayan nya.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon