Maria Bella"Ano Bella? Ano ba kasing nangyari? Iniwan mo na ako kanina sa building. May problema ba?" Kanina pa akong pinipilit ni Addison pero wala talaga akong masabi sa kanya. Dahil ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya? Sasabihin ko ba sa kanya na nagalit sa akin si Sir Damon dahil sa nangyari kagabi? O dahil sa nabastos ako sa mga sinabi sa akin ni Sir Damon kanina? Napakadami kong iniisip at hindi ko alam kung paano ko reresolbahan lahat nang napasukan kong gulo. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari lalo na kay Sir Ravanni.
"Bella ano? Kanina ka pa tulala. Pwede mo naman ako kausapin at sabihan ng mga problema mo. Pinagalitan ka ba ni Sir Damon kanina? Nakita ko si Sir Ravanni kanina. Mukhang galit na galit rin nang bumunga sya sa akin sa elevator."
"Walang nangyari Addison. Nagkameron lang ng maliit na problema kaya ganito ako ngayon."
"Seryoso? Kasi parang hindi naman dahil kung makikita mo lang si Sir Damon kanina sa cafeteria ay galit na galit sya. Sabi pa kanina ng ibang empleyado ay napaka-aga pumasok ni Sir Damon kanina. Nakakapagtaka nga na araw araw na sya pumapasok ng opisina samantalang noon naman pumapasok lang sya ng opisina kapag may mahalagang announcement o meetings. At pati si Sir Ravanni ay kakaiba na rin. Ano ba talagang nangyayari na hindi ko alam?" Nagtatakang sabi sa akin ni Addison. Nahiga na lang ako sa kama ko dahil napapagod na ako. Parang wala nang lakas ang katawan ko na mag-explain pa sa kanya.
"Mukhang seryoso ang nangyari kaya hindi na kita pipilitin pang sabihin mo sa akin ang lahat pero Bella, kaibigan mo ako at pwede mo ako kwentuhan ng kahit ano. Okay?" Sabi nya sa akin at tinapik pa ako sa balikat ko saka ko naramdaman na umalis na sya sa kama ko.
"Bella may bisita ka daw sa baba sabi ni Mama Suling." Napatingin kami parehas ni Addison kay Adara. Bisita? Sinong bisita?
"Bella may bisita ka daw. Hindi mo ba titingnan kung sino?" Tanong sa akin ni Addison kaya napatayo ako. Wala naman akong inaasahang bisita ngayon at isa pa ay gabi na. Sino naman ang bibisita sa akin?
"Sige na Bella puntahan mo na." Udyok pa sa akin ni Addison kaya napipilitan akong tumayo sa kama ko at lumabas ng kwarto namin at bumungad sa akin si Mama Suling na napakaganda ng ngiti sa akin. Paglabas kasi ng kwarto namin ay sala na agad. Inakay nya pa ako papunta doon sa sofa at doon ko nakita si Sir Damon na nakaupo. Anong ginagawa nya dito?
"Ikaw naman iha, di mo naman sinabi na may gwapo ka palang nobyo at napakayaman pa. Kaya sa ngayon,papalampasin ko na ang pagpapadalaw mo dito sa nobyo mo okay? Doon lang ako sa kusina at asikasuhin mo sya ng mabuti." Sabi sa akin ni Aling Suling saka sya umalis doon sa sala at iniwan kami ni Sir Damon doon. Tiningnan ko ang mga paper bags na nandoon sa kabilang sofa at sa sahig. Pati ang mga kasama ko ay nakatingin doon at mukhang nakikiisyuso. Bakit nya ba 'to ginagawa? Hindi ba dapat ay sesesantihin na nya ako sa trabaho dahil sa nangyari?
"Bakit po kayo nandito Sir Damon? Gabi na po. Dapat ay umuwi na kayo para makapagpahing-"
"Itinataboy mo ba ako Bella?" Seryosong sabi nito sa akin kaya napahiya ako sa kanya. Napatungo na lang ako dahil hindi ko sya kayang tingnan. Narinig ko naman ang malalim nyang buntong hininga.
"Look Bella, I am just here to say sorry for what happened. I know that I've crossed my limitations as your boss. Another thing is, I admit that I said some unpleasant and bad words towards you that I shouldn't said. I feel sorry for making you upset. I'm s-sorry." Sabi nya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Ayokong palakihin pa ang gulo sa pagitan namin at nagpapasalamat akong hindi nya ako sesesantihin. Siguro ay dapat ko na lang na kalimutan kung anuman ang nangyari.
"Wala na po 'yon sa akin Sir Damon. At isa pa po ay hindi nyo na kaylangang bigyan ako ng mga mamamahaling bagay na ito para lang maiparamdam nyo sa akin na nagsosorry kayo. At gusto ko lang po linawin Sir Damon na, hindi ako katulad ng ibang babae na iniisip nyo. Maayos akong pinalaki ni Nanay at hindi ko magagawa ang mga bagay na iniisip nyo sa akin." Mahinahon na sabi ko sa kanya saka ako pilit na ngumiti sa kanya. Wala akong balak na ma-offend sya dahil gusto ko lang malinis ang tingin sya sa akin kahit papaano. Pero wala syang ibang sinabi. Nakatingin lang sya sa akin ng seryoso at parang may kung ano syang malalim na iniisip pero hindi ko mabasa kung ano 'yon. Pinagmasdan ko ang mata nya at kitang kita doon ang sobrang lungkot. Iba sa ipinapakita ng ekspresyon nya.
BINABASA MO ANG
When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]
Teen FictionWhere do broken hearts go? Would it be in someones hand who also have the same story as him? They said, there is a rainbow after the rain. That after the dark nights there will be a brighter day ahead. Will the two broken souls heal each other? Or t...