Maria Bella
3 more years has passed....
"Anong meron? Bakit may paganito ka ngayon?" Natatawang tanong ko kay Cohen. Hindi ko kasi maintindihan ang pakulo nyang 'to. May patali pa ako sa mata at hindi ko alam kung saan nya na ba ako dinadala ngayon.
"Just trust me Bella." Sagot lang nito sa akin hanggang sa namalayan ko na nga na tumigil na kami. Hindi ko pa nabubuksan ang mga mata ko pero alam ko na agad kung nasaan ako. Because the cool breeze and the sound of the waves is filling me up.
"Open your eyes now." Bulong nya sa tenga ko habang yakap nya ako mula sa likod ko. I did what he said and I'm not mistaken. We are at the sea side in front of a yatch filled with fairy lights while my family is waiving at me from there. And then from the water, the petals of red roses are scattered every where. Hindi ko naman na napigilan na mapaharap sa kanya at mapangiti ng sobra dahil sobrang saya ko. He really never fails to surprise and make me happy.
"Why Cohen?" Masayang tanong ko sa kanya saka ako bumaling kina Nanay na kumakaway sa akin. Hindi ko alam kung para saan ang lahat nang ito pero masaya ako.
"Happy 10th wedding anniversary hon." Sabi nito kaya napalingon ako sa kanya. He is smiling while he has a bouquet of tulips in his arms.
My favourite flowers.
Para naman akong naguilty nang mapagtanto ko na nalimutan ko nanaman ang okasyong ito.
"S-Sorry I forgo-"
"No it's okay." Sabi lang nito sa akin saka sya ngumiti. Iniabot nya sa akin ang bulaklak at mabilis ko naman 'yong kinuha sa kanya. Bakit palagi ko na lang nakakalimutan ang okasyong ito? Sa sampung taon naming kasal ni Cohen kahit kaylan ay hindi ko sya nabigyan ng regalo tuwing anniversary namin. Palagi na lang akong nasusurpresa katulad ngayon.
"I'm really sorry masyado na akong naging busy sa trabaho kaya nawala nanaman sa isip ko. But don't worry babawi ako sayo."
"It's fine. Let's go?" Pambabalewala nito sa sinabi ko saka nya inilahad ang kamay nya sa akin para alalayan ako paakyat ng yate.
It's been 10 years with him but he never get angry with me. He didn't even shout at me. Palagi lang nya akong pinagpapasensyahan at kahit kaylan ay wala akong narinig na anumang pagrereklamo sa kanya. Sa totoo lang, sa haba na ng pinagsamahan namin ay wala akong natatandaan na pinaiyak at sinaktan nya ako kahit isang beses. Because all he did was to take care of me, comfort me when I am stress or sad. Palagi syang nandito sa tabi ko pero bakit andami ko paring nakakalimutan tungkol sa kanya? Sa amin?
"Akalain mo hija sampung taon na kayong kasal. Sayang lang at hindi na nasundan si Calixta." Sabi sa akin ni Mama saka sya nakipagbeso sa akin nang makita ako.
"You're not sure Ma." Pagbibiro ni Cohen kaya nagtawanan lang ang lahat.
"Ate look at me. Maganda ba ang dress ko? Sabi kasi ni Kuya ay pupunta dito ang mga kaybigan nya." I look at Delaney. She is totally grown up. Dalagang dalaga na sya at nasa college na sya. Dito na rin sya nag-aaral. And probably baka dito na lang mag-master si Kenzo ng pagdodoktor nya. Ayaw nya kasing dito mag-aral kaya nauna pa sa kanya si Delaney.
"Naku Delaney wala munang boys huh? Ikaw Achilles kung sino sino yata pinapakilala mo dito kay Delaney?"
"Tsk. Kahit naman ipakilala ko sya sa mga kaybigan ko walang magkakagusto sa kanya. Sama nya kayang babae." Sagot naman sa akin ni Achilles.
"How dare you?" Mataray naman na sabi ni Delaney. Napailing na lang ako dahil magbabangayan nanaman sila.
"Hon don't be harsh. Dalaga na si Delaney. Don't you remember? Mas bata pa tayo sa kanya noong naging tayo?" Natatawang sabi sa akin ni Cohen.
BINABASA MO ANG
When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]
Teen FictionWhere do broken hearts go? Would it be in someones hand who also have the same story as him? They said, there is a rainbow after the rain. That after the dark nights there will be a brighter day ahead. Will the two broken souls heal each other? Or t...