Maria Bella
"I miss you Papa." I look at Calixta. Nakaupo sya lupa habang nakatingin sya sa pangalan ni Cohen. Napakabilis ng panahon at hindi ko namalayan na 3rd death anniversary na nya ito. It's been 3 years since Cohen left us. Hanggang ngayon ay mahirap parin para sa akin na makitang nangungulila ng sobra sa kanya si Calixta. I remember the day I told her that her Papa is gone. Umiyak sya ng sobra at halos ilang araw syang nakakatulog na lang sa sobrang pag-iyak. She even don't want to go to school and all she want is just to be here. At sobrang sakit nito para sa akin. If I just did something earlier to save Cohen hindi sana nahihirapan ang anak ko ng ganito.
"I'm sure that he miss you too from heaven." I said to her saka ko inayos ang buhok nya.
"I know but I can't help but to think of Papa's piggy back." Sabi nito saka nya pinunasan ang luha nya. She is crying again.
"Don't cry because your Papa will be sad if he see you like this. You know what? I have a good news for you."
"Po?" Nagtatakang tanong nya sa akin but I just smile at her.
"We will going to visit lola in the Philippines. Hindi ba at matagal mo nang gustong makarating sa province ni Mama?"
"But how about Papa?"
"Babalik naman tayo. We will just have our vacation there. Sa susunod na school year mo ay nandito na ulit tayo." Nakangiting sabi ko sa kanya kaya tumango naman ito sa akin.
I didn't know if I am ready to go back there but I guess this is the right time to face everything I leave from my past. Maybe this can be a part of moving on. Kung ano man ang madatnan ko sa Pilipinas ay magiging okay lang para sa akin. Kasama na doon si Damon. Kung makita ko man syang masaya na sa buhay nya ay magiging mas masaya ako para sa kanya dahil kinaya nya ang katangahan ko noon. He survive from the worst heartache I gave to him.
"Are you excited?" I ask Calixta. Kakarating lang namin dito sa airport at mukhang excited naman sya habang hinihintay ang sundo namin.
"Of course Mama. I miss lola and I want to see Tito Kenzo."
"Really? Don't worry makikita mo na ulit sila." Sabi ko sa kanya. Ngayon ko lang ulit sya nakitang ganito kasaya at kaexcited.
"Oh here they are!" Sabi ko agad nang makita ko ang paparating na kotse. Bumaba doon si Nanay at tinulungan kami sa mga gamit namin.
"Mabuti naman at naisipan nyong umuwi na mag-ina?"
"Opo Nay. Matagal na pong gusto ni Calixta na makarating sa probinsya natin. Ngayon ko lang po talaga sya napagbigyan."
"Abay dapat lang na makarating sya sa probinsya natin. Tingnan mo naman itong apo ko hindi na mukhang pinoy. Dito matututo pa itong managalog." Natatawang sabi ni Nanay sa akin.
"Mamaya na kayo magkwentuhan dyan tayo na po." Sigaw naman ni Kenzo mula sa loob ng sasakyan. Hindi ko agad sya napansin dahil binatang binata na talaga sya.
"Aba at kasama pala ang chick boy ng Batangas ah?" Pang-aasar ko kay Kenzo pero umiling iling lang sya sa akin. Sumakay na lang ako sa kotse dahil mukhang init na init na sya.
"What's chick boy Mama?"
"Chick boy, it's womanizer like Tito Kenzo."
"Ate hindi ako chick boy. Huwag mo naman ako siraan sa pamangkin ko."
"Sabihin mo yan sa akin kapag wala nang lima ang pinagsasabay sabay mong girlfriends."
"Woah that's too much Tito Kenzo. You should love only one woman like Papa." Sabi naman agad ni Calixta kaya napatigil kaming lahat. Bukambibig nya talaga ang Papa nya palagi.
BINABASA MO ANG
When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]
Teen FictionWhere do broken hearts go? Would it be in someones hand who also have the same story as him? They said, there is a rainbow after the rain. That after the dark nights there will be a brighter day ahead. Will the two broken souls heal each other? Or t...