Maria Bella
"Good morning Mr.Callego." Bati agad ng medyo may edad nang lalaki na mukhang mayaman talaga dahil sa itsura pa lang nito. May isa pa 'tong kasama na sa tingin ko ay sing edad ko lang pero mukha namang hindi nya 'to secretary dahil mukhang mayaman din. Siguro ay anak nya.
"Good morning Mr.Onido. I apologize for being late. And this is my secretary, Bella Arkanghel." Pagpapakilala nya sa akin doon sa lalaki kaya tumango lang ako at ngumiti.
"It's okay. Should we order first before we start our meeting?"
"Sure." Maikling sabi ni Sir Damon. Inilibot ko na naman ang buong paningin ko sa restaurant ng hotel. Sobrang ganda talaga ngayon lang ako nakarating sa lugar na katulad nito dahil halata namang pangmayaman lang talaga. Anlaki din ng chandelier na nasa pinakagitna ng restaurant. Napatigil lang ang pagmamasid ko ng dumating ang waiter at inabutan kami ng menu.
"What's your order Bella?" Tanong sa akin ni Sir Damon kaya agad kong pinagmasdan ang mga pagkain na available sa menu at halos mapalunok ako sa presyo noon. Lumapit naman ako sa kanya at bumulong.
"Sir, wala namang pagkain dito. Puro po ginto di na lang ako kakain." Sabi ko sa kanya kaya bahagya syang natawa. Napatingin tuloy sa amin ang dalawang kasama namin.
"Is there something wrong Mr.Callego?" Tanong agad ni Mr.Onido sa amin.
"I think his secretary is not a fan in this kind of place." Nakangising sabi ng katabing lalaki ni Mr.Onido. At alam ko sa salita nyang 'yon na may halo itong panglalait. Pero okay lang naman kasi totoo naman talaga ngayon lang ako nakapunta sa lugar na ganito kasosyal.
"Don't mind her. She's just like this." Sabi ni Sir Damon at sinabi na lang nya ang order namin na hindi ko maintindihan kung anong mga pangalan ng putahe ang sinabi nya. Kung hindi ako nagkakamali ay french?
"So how's the Callego Royale Mr.Callego? Do we still have a place in your company?" Tanong ni Mr.Onido.
"Of course. You know that we've been proposing some business towards you but you keep on saying no to us. So I am now very surprise dahil ikaw na mismo ang nagpatawag ng personal meeting na 'to." Simpleng sagot ni Sor Damon dito. Halos wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila. Naagaw lang ang pansin ko ng lalaking nakatingin sa akin ngayon. Pansin ko lang huh? Kanina pa 'tong tingin ng tingin sa akin? Siguro crush ano nito? Pero sorry sya work slash family first ako. Nagtaka naman ako ng bigla syang napatawa. Anong problema nito?
Kinuha ko na lamang ang springfield kong notebook at sinubukang isulat doon ang mga pinag-uusapan nina Sir Damon. Kasi ganon ang secretary diba? Ganito ang napapanood ko sa tv eh.
"Hey, what are you doing?" Tanong sa akin ni Sir Damon. Nginitian ko naman sya at ipinakita sa kanya ang ilang nasulat ko.
"Inililista ko lang po ang pinag-uusapan nyo Sir."
"What? You don't have to do that. And what's this? Whythe hell are you bringing a notebook?"
"Sulatang nga po Si-" Naputol ang sasabihin ko ng bumuntong hininga si Sir Damon.
"Your secretary is so adorable Mr.Callego. And she looks new." Sabat sa amin ni Mr.Onido.
"Yeah yeah she's new. I just hired her few days ago."
"That's why she's acting like that." Nang-aasar nanaman na sabi noong lalaki.
"What are you trying to say?" Tanong agad ni Sir Damon doon sa lalaki.
"I'm sorry Mr.Callego, my son Ravani doesn't mean anything about that."
"Tsk." Angil noong lalaki na Ravani pala ang pangalan.
BINABASA MO ANG
When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]
Teen FictionWhere do broken hearts go? Would it be in someones hand who also have the same story as him? They said, there is a rainbow after the rain. That after the dark nights there will be a brighter day ahead. Will the two broken souls heal each other? Or t...