Maria Bella
"H-Hindi mo b-ba nagustuhan?"
"I'll just go home. Sasamahan ko na lang si Nanay Odette. Just call me if susunduin ko na kayo." Seryosong sabi nya at ibinaba nya lang lahat nang dala nya at naglakad na palayo. Akma ko naman syang susundan agad nang pigilan ako ni Ravanni.
"Let him Bella." Seryosong sabi rin nya sa akin at tinanggal na nya ang shades nya. Umiling lang ako sa kanya at tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa akin saka ako mabilis na sumunod kay Damon.
"Damon! Sandali lang!"
"Why did you follow me?"
"G-Galit ka ba sakin? H-Hindi mo ba nagustuha-"
"I'm not mad at you okay? J-Just leave me alone." Sabi nya sa akin at sa tono pa lang nya ay alam kong may problema. Tinalikuran nya ako pero hinawakan ko sya sa damit nya kaya napigilan ko sya.
"Kung hindi ka galit sa akin bakit g-ganito ka ngayon?"
"I told you, I hate beaches!"
"Pero baki-"
"Hindi mo na kaylangan malaman pa." Sabi nito sa akin saka nya ako ulit tinalikuran pero hinarangan ko lang sya para hindi na nya ako ulit malampasan.
"Bakit ayaw mo sa dagat? Alam mo bang ang dagat ay nakakapagdala ng katahimikan at kaginhawaa-"
"Sayo 'yon hindi sa akin Bella! And I'm not mad at you. It's just that, the sea reminds me of something that I want to forget." Halos mapa-urong ako sa pagkakasigaw nya sa akin non. Hindi ito ang unang beses na sinigawan nya ako pero hindi ko alam pero iba talaga ang bigat non sa dibdib ko.
"To the point na hindi mo kayang manatili dito ngayon? Ang akala ko pa naman ay matutuwa ka sa ginawa ko pero hindi pala. G-Gusto ko lang naman makabawi sa inyo ni Ravanni."
"Why do you need to do this Bella?"
"Wala akong ginagawa." Naguguluhan na sabi ko sa kanya. Naramdaman ko naman na hinawakan nya lang ang kamay ko at deretso syang tumitig sa akin ngayon. Hindi ko mabasa kung ano bang iniisip nya ngayon. May kakaiba sa mga titig nya pero hindi ko matukoy kung ano ba ito.
"Yes, you didn't do something wrong. Ako ang magulo dito."
"Bakit ba ayaw mo sa dagat? Ano ba ang meron sa dagat? Dinala kita dito dahil ito ang pinakapaborito kong lugar pero mukhang hindi mo yata nagustuhan. Kaya sige, okay lang kung hindi mo talaga gusto dito." Sabi ko na lang sa kanya at pinilit kong huwag ipahalata sa kanya ang pagkadisappoint ko sa kanya.
"I hope you understand. It's not you, it's just the painful waves from the sea Bella." Seryosong sabi nya sa akin at saka nya ako hinalikan sa noo ko. Hindi na ako nakaangal sa kanya dahil naglakad na sya palayo sa akin. Tiningnan ko na lang ang likod nya hanggang sa mawala na sya sa paningin ko. Bagsak naman ang balikat ko nang bumalik kina Ravanni. Ano ba kasing meron dito sa dagat? Mukhang galit na galit sya nang makita nya ang tubig dagat. At kaya ba sya tahimik kanina pa noong naglalakad pa lang kami?
"Thank god nandito ka na. I was going to follow you." Salubong agad sa akin ni Ravanni. Nginitian ko lang sya at nagderetso doon sa may iniihaw ni Aki.
"Okay lang ako. Gutom ka na ba? Gusto mo ipag-ihaw kita nito?" Sabi ko na lang sa kanya dahil nandoon parin ang seryosong titig nya.
"Busog pa ako."
"Ate nasaan 'yong Boss mo?" Napalingon naman ako kay Aki dahil sa tanong nya.
"Bumalik sya sa bahay, may naiwan yata." Maikling sagot ko sa kanya. Ayoko namang gawin pang big deal ang nangyari kanina.
BINABASA MO ANG
When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]
Teen FictionWhere do broken hearts go? Would it be in someones hand who also have the same story as him? They said, there is a rainbow after the rain. That after the dark nights there will be a brighter day ahead. Will the two broken souls heal each other? Or t...