Maria Bella
Napahawak ako sa ulo nang maramdaman kong kumirot ito dahil sa pagtayo ko. Hindi ko na alam ang nangyari kanina dahil bigla na lang akong nakaramdam ng hilo. Napansin ko naman ang kamay ko na may benda dahil masakit 'yon ng ihawak ko 'yon sa ulo ko.
"Thank god you're awake. Are you okay? Anong masakit sayo? Tell me? I'll just call the docto-"
"Sir Ravanni hindi na kaylangan okay lang ako." Pigil ko sa kanya saka ko inilibot ang paningin ko sa buong lugar. Nasaa-
"Pinaalis ko na sya kaya huwag mo na syang hanapin pa." Sabi nya saka sya bumuntong hininga.
"P-Pasensya na po Sir Ravanni kung naabala ko pa kay-"
"Kaylangan ko pa ba syang paimbestigahan o sasabihin mo sa akin kung sino sya at bakit ka nya hinaharass? Should I call a police to blatter him?" Tanong nya sa akin kaya agad akong umiling sa kanya. Tama ba ang narinig ko?pero hindi ba at sabi nya ay ex ko si Cohen? Napaisip ako dahil mukhang walang hindi nalalaman ang isang Ravanni Onido.
"Hindi po Sir. Sa t-totoo nga po ay iniligtas nya pa ako sa mga lasing malapit sa amin. Isa pa po ay h-hindi ko sya kilala." Sabi ko sa kanya pero narinig ko lang ang sarkastiko nyang tawa.
"I think I need to do some private investigations for that asshole. And what did you say? Iniligtas ka sa mga lasing? Sinasabi ko na nga ba! Hindi makakabuti sayo ang lugar na 'yon dahil masyado 'yong delikado sa mga katulad mong magandang bab-.... I mean babae."
"Huwag nyo akong alalahanin Sir Ravanni. Pasensya na po ulit sa abala. Ako na po ang magbabayad ng bill. Kaylangan ko pa po pumasok sa opisina at alam ko po na may mga trabaho din po kayo." Nahihiyang sabi ko sa kanya saka ako pilit na bumangon kahit na medyo nahihilo pa ako.
"Unbelievable!" Rinig kong sabi nya saka sya tumawa ng sarkastiko pero hindi kona sya pinansin pa dahil nahihiya na ako ng sobra sa kanya. Nagulat naman ako nang bigla nya akong hawakan sa magkabila kong balikat at pilit na inihiga pa ako sa kama.
"No one is leaving. Magpapahinga ka at babantayan kita dito the whole day."
"Pero Sir Ravanni magagalit sakin si Sir Damon kung hindi ako papasok ngayon."
"I call your friend Addison earlier. I told her that you are here so you can't go to your work for today. You need to rest." Seryosong sabi nya sa akin kaya napapaiwas ako ng tingin sa kanya dahil masyadong malapit ang pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung ako lang ba 'to o talagang malapit sya sa akin dahil naamoy ko na ang pabango nya.
"And you need to eat. The doctor said that you are over fatigue and your stomach is empty. Pinapahirapan ka ba ni Damon sa opisina? At hindi ka na nakakakain ng tama?" Seryosong tanong nya sa akin at halos makahinga ako ng maluwag nang lumayo na sya sa akin.
"H-Hindi po ganon Sir Ravanni. Hindi lang po ako makatulog kagabi at dahil po siguro sa hindi ako sanay magpuyat kaya ganito ang nangyari sa akin."
"Tsk! Stop lying Bella. And another thing is, hindi ka na babalik doon sa tinutuluyan mong bahay. Ipapalipat ko na lahat nang gamit mo doon sa condo na malapit sa condo unit ko. Magkatapat lang ang condo unit natin kaya hindi ako mahihirapan na bantayan ka. I told you,that place is not safe for someone like you." Seryosong sabi nya kaya napabango ako doon. Anong sinasabi nya?
"Sir Ravanni hindi 'yon pwede. Nakabayad na po ako kay Mama Suling. At isa pa po ay wala akong pambayad sa condo unit. Bed space lang po ang afford k-"
"Don't waste your energy to argue with me dahil hindi rin naman kita hahayaan. You will live with me with the same building. Mas okay na 'yon dahil mas safe. Kung gusto mo ay isama mo pa ang kaibigan mo."
BINABASA MO ANG
When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]
Teen FictionWhere do broken hearts go? Would it be in someones hand who also have the same story as him? They said, there is a rainbow after the rain. That after the dark nights there will be a brighter day ahead. Will the two broken souls heal each other? Or t...