Special Chapter

79 1 0
                                    

Calixta Bellamira Alcasedo

"Where are you going Calixta? Ang init init kung saan saan ka gumagala." Rinig kong sigaw sa akin ni Mama dahil paalis nanaman ako ng bahay at papunta nanaman ako sa bukid. Ayoko naman kasi na mabulok na lang sa loob ng kwarto ko at singhutin ko na lang ang aircon sa loob ng bahay. I want this summer to be memorable and fun for me.

"Sa bukid lang po ako Ma! Babalik din po ako before lunch!"

"Okay babalik ka huh? We'll wait you at our lunch. May bisita tayo kaya agahan mo ang uwi!" Sabi ni Mama at tumango na lang ako sa kanya saka ako dumeretso palabas ng gate. Sumakay ako sa kotse ko at nagpunta kila Lola dahil nandoon ang bukid nina Mama.

Hindi na ako dumaan muna kila Lola dahil wala naman doon sina Tito. Siguro mamaya na lang ako pupunta doon. Pupunta na lang muna ako sa bukid.

At tulad nga ng mga nakaraan na summer, nagpunta ako sa paborito kong spot dito sa bukid. Inilatag ko ang dala kong blanket at naglabas ng mga pagkain na dinala ko. I also brought my favorite novel. This is the best place to read relax. Tahimik at sariwa ang hangin.

Naupo ako at tinanaw ko ang kabuuan ng bukid nina Mama. It is so peaceful and relaxing. Malayo sa magulo at mausok na city ng Manila. Isa ito sa mga dahilan kung bakit mas gusto ko pa dito magbakasyon kesa sa ibang bansa at kung bakit mas gusto ko pang dito tumira kesa sa Manila o sa kahit saan.

"Boring woman in a boring place. What a great summer?" Napalingon ako sa pinaggalingan ng boses na 'yon at halos umabot na sa pinakamataas na puno ang pagtaas ng kilay ko sa lalaking kaharap ko ngayon na mayabang na nakapamulsa sa akin ngayon.

"Excuse me? Did you just call me boring?"

"Deaf." Maikling sabi lang nito saka sya kumuha ng mansanas sa basket ko at kinagatan 'yon na para bang kanya 'yon. At ang nakakainis pa ay umupo sya sa favourite blanket ko.

"Thief." Bulong ko sa kanya kaya sya naman ngayon ang napatingin sa akin saka nya ibinalik ang mansanas na may kagat na nya sa basket ko. Napanganga ako dahil sa kabastusan nya.

Bakit pa nga ba ako magtataka? He looks like a bad boy and a city boy. I don't want to be judgemental pero mukhang siya ang tipo ng lalaki na mukhang palaging napapaaway at nasasangkot sa gulo. He has tattoos in his right arm at kita kong hanggang sa may leeg nya 'yon dahil sa nakaputing t-shirt lang sya ngayon. At sa kapal ng tattoo nyang 'yon sa katawan hindi maiipagkaila kung gaano sya kabasag ulo isama mo pa ang silver earring nya sa kanan nyang tenga. Tsk mukha syang adik!

"My Dad is a liar when he told me that there are something special in here. Samantalang wala man lang ako makitang opportunity sa lugar na ito. What kind of project am I going to build here? This place is nonsense!" Sabi nito saka sya kunot na kunot ang noo na tumingin sa bukid. Nainsulto ako sa sinabi nya because I value this place so much and this is my favorite place to be and then he will just call this nonsense?

"Huh! Ang kapal naman ng mukha mo? Sino ka ba sa akala mo para maliitin ang probinsya namin?"

"I'm Rael Onido so don't mess with me Miss Probinsyana." Mayabang na sabi nito sa akin na para bang nadidiri sya sa pagakaksabi ng miss probinsyana sa akin saka sya bored na bored na tumayo at tinalikuran ako. Napakabastos nya talaga.

Kinuha ko ang mansanas na kinagatan nya kanina at ibinato ko 'yon sa kanya. And I'm glad na tinamaan sya sa likod nya.

"And I am Calixta Bellamira Alcasedo Mister Asshole and you are inside my territory! Bastos!" Malakas na sigaw ko sa kanya at nakita ko naman na masama ang tingin nya sa akin pero sinalubong ko lang din 'yon ng masamang titig ko sa kanya.

"I don't care. Nice name huh? Calixta? Tsk! But it's not nice meeting you." Sabi nya sa akin at hindi ko gusto kung paano nya sabihin ang pangalan ko. He is so arrogant! Mas malala pa sya sa mga lalaking nakilala ko sa Manila.

This man.

Mukhang sya ang best description ko ng lalaking pinaka-ayaw ko.

















🎉 Tapos mo nang basahin ang When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED] 🎉
When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon