Maria Bella
[Hello? Bella? Nasaan ka bang babae ka? Kagabi pa ako tinetext ni Sir Damon kung nasaan ka bakit ba kasi di ka umuwi dito? Saan ka natulog kagabi? Ipinatawag din ako ni Sir Damon kanina at itinanong ka ulit nya sa akin. Ano bang nangyayari sayo?] Napabuntong hininga ako sa sunod sunod na tanong sa akin ni Addison. Hindi ko alam kung saan ko sya unang sasagutin.
"Pasensya ka na kung napag-alala kita pero okay lang ako."
[Hindi mo ako sinagot Bella. Ano ba kasing nangyayari? Nadatnan ko pa kanina na nililinis ang opisina ni Sir Damon dahil madaming nabasag at nagkalat sa may table nya. Parang may kung anong nagwala doon at napakagulo.] Napatigil ako sa iniisip ko nang marinig 'yon kay Addison.
"A-Ano? B-Bakit? Anong nangyari?"
[Hindi ko alam kaya nga tinatanong ko sayo di ba? Ang mabuti pa ay umuwi ka na kung nasaan ka man at pumunta ka dito sa opisina. Ni hindi mo man lang ako i-text.] Bigla akong napahiya kay Addison dahil sa mga sinabi nya. Madami lang talagang nangyari kagabi kaya hindi ko na sya naitext pa. At isa pa ay hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat. Hindi ko naman pwedeng sabihin na hinalikan ako ni Sir Damon at gumawa ng eksena doon si Cohen hindi ba?
"O-Oo sige. Pasensya ka na Addison magpapaliwanag na lang ako kapag nagkita tayo."
[Dapat lang Bella. Hayyyy naha-haggard ang beauty ko sayo. Sige na magkita tayo mamayang lunch okay? Ihanda mo na ang explanation mo.]
"Oo sige. Pasensya ka na ulit." Sabi ko sa kanya at nagpaalam na ulit sya sa akin saka nya ibinaba ang tawag. Napatingin ako sa wall clock na nasa sala. Pasado alas otso na ng umaga.
"Bella, let's have our breakfast." Napatingin ako kay Sir Ravanni nang marinig ko sya na tinawag nya ang pangalan ko. Dito nanaman ako napunta sa sitwasyong kasama sya.
"Hindi na po Sir Ravanni kaylangan ko na pong umuwi muna dahil papasok pa ako sa opisin-"
"Hindi ka na babalik sa tinutuluyan mo Bella. You will stay there at the condo in front of mine and I don't take no for your answer. So now, please sit here and eat. Ipinapakuha ko na rin ang mga gamit mo papunta dito." Napalaki ang mata ko dahil sa sinabi nya. Hindi 'yon pwede dahil magiging isang malaking isyu lang 'to kapag nagkataon lalo na sa mga kaopisina ko.
"H-Hindi pwede Sir Ravanni. Sobra na sobra na po 'tong tulong nyo at....at h-hindi ko na po kayang tanggapin pa 'to."
"I already did Bella so you have no choice. And the moment I saw you leaving that building crying and hurting I already made my decision and that is to save you from pain that Damon can cause you again and again." Napatigil ako sa pangangatwiran sa kanya nang marinig ko 'yon sa kanya at maalala ang nangyari kagabi.
Palabas na ako ng building at abot langit ang sama ng loob ko kay Sir Damon. Akala ko pa naman ay dinadamayan nya ako pero nagawa nya akong bastusin. Nagkamali ba ako sa pagtitiwala at pag-iisip ko na isa syang mabuting tao? Hinangaan ko pa man din sya dahil akala ko ay mabuti syang tao at marunong rumesto pero nagkamali yata ako. Ayokong husgahan agad sya pero hindi ko maiwasan dahil sa ginawa nya sa akin. Ayon ang unang beses na nahalikan ako at hindi ako sanay sa bagay na 'yon. Pakiramdam ko ay nabastos nya ako.
"Bella!" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na 'yon at nang makita ko si Sir Ravanni na tumatakbo papalapit sa akin ay napatigil ako sa paglalakad.
"What's happening? Why are you crying? May masakit ba sayo? Is this because of Damon again?" Hindi ako nakasagot sa kanya dahil patuloy parin ang pag-iyak ko. Hindi ko na alam kung para saan ang pag-iyak kung 'to. Kung dahil ba kay Sir Damon o dahil kay Cohen.
BINABASA MO ANG
When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]
Teen FictionWhere do broken hearts go? Would it be in someones hand who also have the same story as him? They said, there is a rainbow after the rain. That after the dark nights there will be a brighter day ahead. Will the two broken souls heal each other? Or t...