Maria Bella"Ate ising na po!" Napamulat ako nang marinig ko ang maliit na boses na 'yon sabayan nya pa ng pagyugyog sa akin at sapilitang pagpapamulat sa mata ko.
"Blaine? Bunso anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya dahil nandito na sya sa ibabaw ng higaan ko.
"Ipapagising ka na po ni Naynay." Sabi nito sa akin kaya dumeretso na ako na bumangon at napansin ko naman na wala nang latag sa may sahig at wala na doon si Sir Ravanni. Maaga pa ah? Saan 'yon nagpunta?
"Si uya Rani po asama kina uya sa bukid."
"Huh? Bakit sya nandoon?" Tanong ko kay Blaine pero hindi na nya ako nasagot. Napatampal naman ako sa noo ko dahil ano ba ang maiisagot sa akin ng anim na taong gulang na bata. Bumangon na lang ako at inayos ang higaan ko bago ako pumunta sa kusina para makapag-ayos at susundan ko sina Sir Ravanni sa bukid dahil baka kung ano ano na ang pinapagawa sa kanya doon.
"Mabuti naman at gising ka na." Napatingin ako bigla kay Nanay na kakapasok lang ng kusina at mukhang naglalaba sya.
"Opo Nay. Ako na po dyan." Sabi ko sa kanya dahil mukhang ipagtimpla pa nya ako ng kape pero pinigilan nya lang ako at hindi na sya nagpaawat.
"Sige na maupo ka na doon ako na." Sabi nya sa akin kaya naupo na lang ako doon sa lamesa.
"Kamusta ka naman doon sa Maynila? Hindi ka ba pinapahirapan ng boss mo doon?"
"Okay lang naman po ako doon Nay wala po kayong dapat ipag-alala. At m-mabait po ang boss ko sa akin." Sabi ko na lang at biglang pumasok nanaman sa isip ko si Sir Damon. Ano na kayang ginagawa nya ngayon? Sino kaya ang gumagawa ng mga trabaho ko habang wala ako? May nakuha kaya syang pansamantalang papalit sa akin? Sino na kaya ang nagtitipla ng kape ny-
"Hoy Bella naiintindihan mo ba ako?"
"P-Po?"
"Ano bang iniisip mo at mukhang hindi mo ako naririnig? Ang sabi ko magkwento ka tungkol sa trabaho mo. Maayos ba ang tinitirhan mo doon? Napansin ko na malaking pera ang ipinapadala mo dito sa amin at iniisip ko kung may naiitabi ka pa ba para sa sarili mo." Binigyan ko lang ng ngiti si Nanay at kinuha ang kape na tinimpla nya para sa akin at tinikman 'yon. Sobra kong namiss ang lasa ng timpla ni Nanay.
"Huwag nyo po akong isipin doon Nay dahil maayos po ako doon at napapagkasya ko naman po ang sweldo ko. At sabihin nyo lang po sa akin lahat nang problema para matulungan ko kayo. Alam nyo naman po na wala akong hindi kayang gawin para sa inyo."
"Napakswerte ko talaga at ikaw ang naging anak ko Bella. Salamat." Seryosong sabi ni Nanay sa akin at hinawakan pa ang kamay ko na nakahawak sa tasa ko. Namiss nya rin siguro ako.
"Ano ba 'yan Nay agang aga po nangbobola kayo." Natatawang sabi ko lang sa kanya kaya napatawa na rin sya sa akin.
"Seryoso ako. Pero gusto kitang paalalahanan tungkol doon sa binatang kasama m-"
"Si Sir Ravanni po? Wala po kaming relasyon Nay."
"Sa ngayon wala. Alam kong gusto ka ng lalaking 'yon at hindi ako bulag para hindi mahalata 'yon. Ang sa akin lang naman ay iwasan mo na ang mga lalaking katulad nya." Napatungo ako sa sinabi ni Nanay. Tama si Nanay at naiintindihan ko sya dahil nong huling sinuway ko sya ay nasaktan ako.
"Hindi po magiging kami ni Sir Ravanni dahil alam ko na po kung paano ilugar ang sarili ko. Isa pa po ay natuto na ako."
"Mabuti naman kung ganon ayoko lang naman na masaktan ka ulit anak. Paunlarin mo muna ang sarili mo para pagdating ng araw kahit sino ay pwede mo nang mahalin ng walang takot dahil may maipagmamalaki ka na at hindi ka na ulit mamaliitin ng kahit na sino. Kahit ang mga Alcasedo." Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Nanay dahil alam kong tama talaga sya. Kaylangan kong pigilan at kontrolin ang mga pwede kong maramdaman kay Sir Ravanni dahil alam ko sa sarili ko na walang kahit na sinong hindi mahuhulog sa katulad ni Sir Ravanni.
BINABASA MO ANG
When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]
Teen FictionWhere do broken hearts go? Would it be in someones hand who also have the same story as him? They said, there is a rainbow after the rain. That after the dark nights there will be a brighter day ahead. Will the two broken souls heal each other? Or t...