Maria Bella
Hindi ko alam pero parang may nararamdaman akong paghinga sa mukha ko. Binuksan ba ni Sir Ravanni ang bintana ng kotse? Hindi ko na lang 'yon pinansin pero nararamdaman ko na parang sumikip ang kotse at may umipit ng damit ko. Pero napamulat na ako nang maramdaman ko na may humawak sa baba ko.
"Sir Ravanni? S-Sorry po nakatulog a-ako." Sabi ko sa kanya at umayos na agad ako ng upo dahil pagmulat ko lang naman ay napakalapit na ng mukha nya sa akin. Bigla tuloy akong nabalisa kung may dumi ba ako sa mukha ko.
"I'm s-sorry. I'm j-just going to w-wipe the dirt in your face and you suddenly w-woke up." Sabi nya lang sa akin at mabilis syang naglagay ng malaking distansya sa pagitan namin. Para tuloy nagkameron ng awkward feeling sa loob ng kotse.
"B-Bumaba na 'po tayo." Sabi ko lang sa kanya saka ako akmang baba na ng pigilan nya ako.
"Saan dito ang bahay nyo? Is that your house?" Turo nya sa akin doon sa kulay krema na bahay. Mabilis akong umiling sa kanya at itinuro sa kanya ang isang daan papasok sa gilid ng bahay na tinuro nya.
"Wala namang bahay doon."
"Meron Sir dahil nandoon ang bahay namin. Maglalakad po tayo dahil hindi kasya doon ang sasakyan nyo. Pero huwag mo kayo mag-alala dahil malapit lang naman po." Sabi ko sa kanya at nakita ko naman na mukhang wala syang naiintindihan sa sinasabi ko dahil patingin tingin sya sa paligid.
"Sir Ravanni tara na po." Pagtawag ko sa kanya kaya napabalik sa akin ang tingin nya.
"Where should I park my car?"
"Dito na lang po Sir Ravanni safe naman po 'yan dito basta po i-lock nyo na lang ang mga punto at lagyan nyo ng kalso ang gulong nyo."
"Kalso? What's kalso?" Nagtatakang sabi nya sa akin kaya napatawa ako sa kanya.
"Kalso Sir ibig sabihin non lalagyan mo ng bato na pamigil ang gulong para po hindi gumulong at aksidente na mapunta sa kung saan ang kotse nyo. Para po safe." Sabi ko sa kanya at tatango tango naman sya sa akin.
"Okay let's leave this here."
"Tara na po?" Nakangiting sabi ko sa kanya at tumango na lang sya sa akin. Parang nagdadalawang isip sya na iwan ang kotse nya dito sa may labasan namin.
"Ahh- Yeah. Let's go." Sabi nya lang sa akin at saka sya bumaba ng kotse nya at mabilis na umikot sa side ko para pagbuksan ako pero hindi ko na sya hinintay pa at bumaba na ako.
"Huwag po kayo mag-alala Sir Ravanni safe po dito ang kotse nyo. Palagi po na may dumadaan ditong Barangay Tanod para mag-patrol." Pagbibigay ko sa kanya ng assurance kaya tumango na lang sya sa akin. Kumuha naman ako ng mga bato para ilagay sa may gulong. Dumeretso naman sya sa may likudan ng kotse para kunin ang mga pinamili namin at kinuha ko naman ang mga nasa backseat.
"Ako na dyan Bella." Rinig kong sabi nya pero di ko na sya pinansin. Alam kong sa dami nito mahihirapan sya dalhin.
"Give it to me Bella, ako na just get your bag." Sabi nya sa akin pero umiling lang ako sa kanya. Pinagkasya ko sa kamay ko ang mga bitbit ko.
"Kaya ko na po Sir." Nakangiting sabi ko sa kanya kaya naglakad na kami. Tumigil naman ako sa may tindahan malapit sa pinag-park-an ng kotse ni Sir Ravanni.
"Aling Isay! Magandang hapon po." Masayang bati ko kay Aling Isay kaya napatigil naman ito sa pagwawalis nya at nakangiti rin na lumapit sa akin.
"Aba! Andito na pala ang anak ni Mareng Odette. Kamusta ka na Bella? Mukhang asensado ka na ah? Abay nobyo mo na ba itong pagkakisig na binata naman nya? Aba't pagkagwapo eh. Taga Maynila areh ano?" Agad akong napatingin kay Sir Ravanni at mukhang hiyang hiya sya sa sinabi ni Aling Isay.
BINABASA MO ANG
When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]
Fiksi RemajaWhere do broken hearts go? Would it be in someones hand who also have the same story as him? They said, there is a rainbow after the rain. That after the dark nights there will be a brighter day ahead. Will the two broken souls heal each other? Or t...