Maria Bella
"You don't have to say thank you Bella. Looking at your siblings makes me so overwhelmed. Don't you know that I'm an only child? You're so lucky that you them." Simpleng sagot sa akin ni Sir Ravanni habang nakatingin din sa mga kapatid ko.
"Wala po kayong kapatid?" Pag-uulit ko sa kanya at tumango lang naman sya sa akin.
"And my Mom was died the day I was born." Sagot nya sa akin kaya napatingin na ako sa kanya. Kaya ba ganito sya kabait agad sa mga kapatid ko at kay Nanay?
"Sorry po kung ipinaalala ko pa sa inyo."
"No. It's okay it's been a years na naman at tanggap ko na. Isa pa ay nandyan naman si Dad." Nakangiti nyang sabi sa akin pero alam ko naman na pilit 'yon. Napabuntong hininga na lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung paano ko sya icocomfort.
"What's this? Is this for me?" Tanong nya sa akin para mawala ang awkwardness sa pagitan namin. Agad ko naman syang ikunaha ng Tinapik ay iniabot 'yon sa kanya.
"Tikman nyo po. Luto po 'to ni Nanay sana magustuhan nyo." Sabi ko sa kanya at nakita ko naman na tinikman nya 'yon at napangiti ako dahil mukhang nagustuhan nya.
"What do you call this food? It taste good." Sabi nya at tumikim pa ulit doon.
"Ang tawag po dyan Sir ay Tinapik."
"Tinapik?"
"Yes po. Gawa po yan sa kamote at asukal tapos nilagyan po ng margarine. Masarap po ba? Mukhang hindi nyo po nagustuhan ah?" Medyo pang-aasar ko sa kanya pero ngayon mukhang ayaw na nya bitawan ang platito nya. Inuubos na nya 'yong nilagay ko doon.
"It's just three ingredients but it taste really good. Bakit wala nito sa Manila?" Sabi nya kaya napatawa na ako sa kanya.
"Mukhang may bisita tayo ah?" Halos mapapitlag naman ako nang marinig ko si Aki sa gilid ko at humalik sa pisngi ko. Nakatalikod kasi ako sa harapan namin kaya hindi ko na napansin ang pagdating nya.
"Ah Sir Ravanni si Achilles kapatid ko." Pagpapakilala ko sa kanya at iniabot naman ni Sir Ravanni ang kamay nya kay Aki at tinanggap naman nya agad ito.
"Nice to meet you Achilles. I'm Ravanni,your Ate's friend."
"Aki na lang." Seryosong sabi nito at mukhang masama ang tingin kay Sir Ravanni saka ito tumingin sa akin na nakataas pa ang kilay. Mukhang wala sya sa mood at sa itsura nyang 'to mukhang naiinis sya sa akin. Bakit naman kaya?
"Aki ano ba?" Saway ko sa kanya dahil hindi nya parin binibitawan ang kamay ni Sir Ravanni at masama parin ang tingin nya dito. Bumitaw naman na sya nang akmang lalapitan ko na sya at walang sabing dumeretso papasok.
"Pasensya ka na kapatid kong 'yon Sir talagang ganon lang sya pero mabait naman po 'yon." Sabi ko agad kay Sir Ravanni at tumango lang sya sa akin.
"Gusto nyo pa po ba? Ikukuha ko pa po kayo sa loob-"
"No thank you, I'm fine. Nabusog na ako." Sagot nya lang sa akin at may sasabihin pa sana ako sa kanya nang tumunog ang phone nya. Sinabi naman nya na sasagutin nya lang ang tawag kaya tumango na lang ako sa kanya at medyo lumayo sya sa akin.
"Where's the stuffs Arcel? Nandito na kami sa Batangas...Yeah. Just tell to Dad that I'm busy... of course babalik ako pero mga ilang araw pa...okay that's good. Isunod nyo na agad 'yan dito okay?...Yes. yes. Bye."
"I'm sorry it's just my assistant." Sabi nya sa akin kaya nahihiya akong tumungo sa kanya. Mukhang andami nyang trabaho na iniwan sa Manila kaya may tumatawag sa kanya na assisgqnt nya.
BINABASA MO ANG
When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]
Teen FictionWhere do broken hearts go? Would it be in someones hand who also have the same story as him? They said, there is a rainbow after the rain. That after the dark nights there will be a brighter day ahead. Will the two broken souls heal each other? Or t...