WTBSC 13

33 2 0
                                    

Maria Bella

"I don't want to see you with that man again Bella. Ako na ang nagsasabi sayo, hindi sya makakabuti sayo." Nagtataka akong tumingin sa kanya. Ano ba talaga ang alitan nilang dalawa ni Sir Ravanni at mukhang may malalim silang hindi pagkakaintindihan?

"Hindi ko po kayo maintindihan. Mabait naman po na tao si Sir Ravanni. Pero kung 'yon po ang gusto nyo ay susundin ko kayo. Pasensya na po." Mahinahon kong sabi sa kanya. At babalik na sana ako sa table ko ng tawagin nya pa ulit ako.

"We're not yet done Bella. Come here because I have some questions for you. You are my employee so you are my obligation." Madiin na sabi nya sa akin at sa tono pa lang nya ay halatang galit na sya. Napapabuntong hininga akong naglakad papalapit sa kanya at naupo sa katapat nyang upuan.

"Where are you two goes? Because first of all I want to know why did my secretary go even in the first place she has so many works to do. In fact, she is in her over time." Seryosong sabi nya sa akin at doon pa lang ay kinakabahan na ako.

"K-Kumain lang po kami sa l-labas ni Sir Ravanni." Nakatungong sabi ko sa kanya dahil hindi ko kayang tingnan sya dahil natatakot ako sa ekspresyon ng mukha nya.

"So you went on a date with him? You choose that date over your work?"

"Pasensya na po Sir Damon. Pinilit lang po talaga ako ni Sir Ravanni kaya wala po akong nagawa. Isa pa po ay, hindi na sya nagpapigil pa. Pero promise p-po ayoko naman po talaga dahil alam kong magagalit kayo."

"Damn it Bella! Alam mo naman pala na magagalit ako pero sumama ka parin kay Onido!" Napapitlag ako sa lakas ng boses nya. Doon ako napatingin sa kanya at di ko na talaga alam ang gagawin ko. Bigla na lang akong naiyak dahil sa pagsigaw nya sa akin. Kalma lang Bella, ikaw ang may kasalanan kaya humingi ka ng tawad sa kanya.

"P-Pasensya na po talaga Sir Damon. Pakiusap po huwag nyo po sana akong tanggalan ng trabaho. Pangako po hindi na t-talaga mauulit." Sabi ko sa kanya pero narinig ko lang ang malalim nyang pagbuntong hininga.

"Why are you crying?" Naiinis na sabi nya kaya pinalis ko agad ang luha ko at pilit na ngumiti sa kanya.

"Pasensya na po ult kayo Sir Damon hindi na po talaga mauulit." Sabi ko sa kanya dahil 'yon lang talaga ang kaya 'kong sabihin sa kanya.

"Saan ka natulog kagabi? Kina Ravanni din ba? Tinawagan ko kaninang umaga si Addison at ang sabi nya ay hindi ka daw umuwi kagabi. Did my employee slept with my enemy?" Tanong nya sa akin. Tiningnan ko ang mukha nya at napakadilim ng mata nya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kahit na wala naman talagang nangyaring masama pero hindi ko naman pwedeng hayaan na pag-isipan nya ako ng ganong kasama.

"Naabutan po ako ng curfew kaya nagmagandang loob si Sir Ravanni na patuluyin ako sa condo nya. At i-isa pa po ay hindi ako katulad ng babaeng iniisip nyo. Hindi ako natulog kasama si Sir Ravanni." Sabi ko sa kanya at tuluyan na talaga akong naiyak sa harap nya. Akala ko pa naman ay mabait sya pero katulad rin pala sya ng ibang tao na napakabilis manghusga.

"Nagmagandang loob? Who will believe you with that damn reason huh? Bella? All woman he brings into his condo will had that fucking lusty nights with him. I know Ravanni that much. And that fucking dress Bella, is that from him? Nagpapadala kana ba sa mga materyal na regalo galing sa kanya?" Sabi nya sa akin kaya iiling iling lang akong sumagot sa kanya.

"Hindi po ako isang kaladkaring babae Sir Damon. Pinalaki ako ni Nanay ng tama at kahit po Boss ko kayo, wala po kayong karapatan na husgahan ako ng ganito. At oo po, inaamin ko po na nagkamali ako sa ginawa ko kagabi pero mali po ang iniisip nyo tungkol sa akin. At kung hindi nyo po ako mapapatawad ay tatanggapin ko po ang desisyon nyo kung gugustuhin nyo man po akong tanggalin sa trabaho. Pero hindi ko po lang matatanggap ay ang pag-isipan nyo ako na isa akong maruming babae. Dignidad na lang po ang meron ako Sir Damon kaya ayoko pong mawala pa 'yon sa akin. Pasensya na po kayo." Sabi ko sa kanya saka ako tumayo sa kinauupuan ko at nagderetso pabalik sa table ko. Hindi na sya nagsalita pero alam kong nakatingin sya sa akin. Siguro ay hihintayin ko na lamang ang sulat o ang order nya para sabihin na sinisesante na nya ako dito sa kompanya. Siguro nga ay nagkamali ako sa pagtingin ko sa kanya. Tama nga siguro si Sir Ravanni.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon