WTBSC 24

27 1 0
                                    

Maria Bella

"Are you excited?" Tanong sa akin ni Sir Ravanni pagpasok namin sa kotse nya. Hindi ko na talaga sya napigil pa na sumama sa akin dahil talagang nagpumilit sya at nauna pa syang mag-impake at magbihis sa akin kaya wala talaga akong takas.

"Syempre po dahil makikita ko na ulit sina Nanay."

"Daan muna tayo ng mall, let's buy something for them." Nakangiting sabi nya sa akin at tumango na lang ako sa kanya. May konting pera pa naman ako at di naman masama kung ibili ko sila ng kahit na anong pwedeng pasalubong sa kanila.

"Ilan nga kayong magkakapatid?" Naagaw ang pansin ko dahil sa tanong nya.

"Akala ko po ba ay pina-imbestigahan nyo na ako?" Natatawang biro ko sa kanya.

"I didn't memorize it yet, kung ayaw mo naman sabihin pwede ko namang tingnan na lang mamaya." Napatawa ako sa sinabi nya dahil mukhang seryoso nga sya.

"Lima po kaming lahat na magkakaptid at tatlo kaming babae at syempre po dalawang lalaki."

"Really? Ilang taon na ang mga kapatid mong lalaki?"

"Yung sumunod po sa akin ay 20 tapos yung pang-apat naman po, si Kenzo, 14 na po sya." Nakangiting sagot ko sa kanya. Madami pa syang tinanong sa akin tungkol sa mga kapatid ko at kay Nanay hanggang sa nakarating na kami sa mall.

"Sir doon lang po tayo sa mga mura huh? Wala po akong pambili doon sa mga magagandang boutiques. Maliit lang po ang budget ko." Sabi ko sa kanya habang papasok na kami ng mall. Tinawanan nya lang naman ako at hindi na ako sinagot. Kinakabahan nanaman ako dahil baka dalhin nya ako sa mamahaling shop tapos wala akong pambili baka mapasubo nanaman ako.

"Let's go there first. Bumili tayo ng damit para sa family mo." Sabi nya sa akin at hinila na ako papunta doon sa itinuro nyang boutique. Napapikit na lang ako nang makita kong mga mamahaling brands ang nandoon.

"Sir Ravanni huwag na po dito. Wala akong pambili dito."

"Just stay still okay? Let me handle this." Sabi nya sa akin at saka kami sinalubong ng isang sales lady. Ako ang unang tiningnan ng sales lady at akam kong parang nanghuhusga ang tingin nya pero binalewala ko na lang. Napabitaw na lang ako sa kamay ni Sir Ravanni na nakahawak pala sa akin.

"What are you looking for Sir?"

"Can you give me a 30 pieces of dress that suits for ages 6 to 18 years old? And also, give me 10 ternos for men ages of 20 and 14. And also a dress for a lady ages 40s." Napatingin ako sa kanya dahil sa sobrang dami nang sinabi nyang damit. Nakaupo lang kami sa sofa na nandoon at ang sales lady ang nakuha ng mga sinabi ni Sir Ravanni.

"S-Sir Ravanni wala po akong p-pambayad."

"I told you, ako naman ang magbabayad." Sabi nya sa akin at saka nya kinuha ang phone nya sa bulsa nya at may tinawagan doon.

"Hello? Arcel, bring all the stuffs I told you to the address I sent to you....Yeah, we're at the mall pero deretso na rin kami doon. Make sure na nandoon na lahat bago kami dumating okay?....okay okay great. I'll call you later."

"Mukha pong busy kayo. Dapat po di na kayo sumama sa akin." Nahihiyang sabi ko sa kanya.

"At ito pong mga damit, sobrang d-dami po nito at ang mamahal sigurado nito. Sobra sobra na po ito."

"Just take it for your family Bella. Regalo ko 'to sa kanila." Nakangiting sabi nya lang sa akin. May sasabihin pa sana ako nang biglang dumating ang tatlong sales sa harap namin dala ang mga damit na sinabi ni Sir Ravanni. Ipinakita nila 'yon sa amin isa isa.

"What do you think? Magugustuhan kaya nila 'to?"

"Ang m-mamahal p-"

"Buti pa 'tong mga damit na 'to mahal ako kaya?" Seryosong sabi nya habang nakatingin parin doon sa mga damit na pinapakita ng mga sales lady. Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil nahihiya na talag ako sa kanya.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon