Maria Bella
[Hindi ako nagkamali, ito nga ang magiging desisyon mo. Pero paano naman ang sarili mo? Kakayanin mo ba? Paano kung matali ka lang kay Cohen tapos hindi naman sya gumalin-]
"G-Gagaling po sya. Alam ko dahil nandito ako. Sinabi nya sa akin na gagawin nya ang lahat para gumaling sya dahil sa akin. H-Huwag po kayong mag-salita ng ganyan." Sagot ko kay Nanay bago pa nya maituloy ang sasabihin nya. Tinawagan ko sya kanina para sabihin kung ano ang naging desisyon ko at nagdidiskusyon kami hanggang ngayon dahil sa desisyon ko. Bago pa ako makapag-salita ulit ay narinig ko na ang malalim nyang buntong hininga.
[Sabihin na nating gagaling sya pero paano si Ravanni? Hindi ba at sinabi mo sa kanya na bibigyan mo sya ng pagkakataon? Tapos ngayon aalis ka? Nasabi mo na ba ito sa kanya?] Mariin akong napapikit sa sinabing 'yon ni Nanay. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung paano ko sasabihin ang lahat kay Ravanni.
"Sasabihin ko rin po sa kanya. At huwag po kayong mag-alala na sa akin dahil kaya ko naman po lahat. O-Okay lang po ako. Promise." Sagot ko kay Nanay pero isang malalim na buntong hininga lang ang pinakawalan nya.
[Patawarin mo ako anak kung wala akong magawa.] Sabi nito at narinig ko na ang biglang pag-iyak ni Nanay. Alam kong nag-aalala sya sa akin pero ito lang ang sa tingin kong tama kong gawin.
"Nay naman!? Huwag na po kayo umiyak. Dapat po maging masaya pa tayo dahil natupad ko na ang pangarap ko para sa inyo. Alam nyo po ba sabi ni Mayor ay pag-aaralin nya ang lahat nang kapatid ko? Pati kayo bibigyan nya pa ng mas malaking sakahan. Hindi nyo na po kaylangan bayaran ang utang natin sa kanila kaya hindi nyo na rin kaylangan isangla pa sa bangko ang bahay at lupa natin. Magiging maayos na po ang buhay natin? Di ba po 'yon ang pangarap natin? Kaya huwag na po kayong malungkot." Sabi ko kay Nanay at pilit na pinasaya ang boses ko para hindi na sya mag-alala sa akin pero rinig ko parin ang impit na paghikbi nya sa kabilang linya. Dahil doon ay mas lalo akong nahihirapan. Sa tagal ng panahon simula nang iniwan kami ni Tatay ngayon lang ulit sya umiyak.
[Pero paano ka anak?]
"Huwag nyo po akong alalahanin. Kapag po naging maayos kayong lahat, masaya na rin po ako doon. Wala na po akong m-mahihiling pa."
[Palagi mo na lang kaming inaalala. Paano naman ang sarili mo?] Napangiti ako ng mapait sa sinabing 'yon ni Nanay. Bakit nga ba hindi ko kayang pagbigyan ang sarili ko? Palagi ko na lang isinasantabi ang sarili ko. Pero 'yon ako eh. Siguro hindi ko lang talaga kayang piliin ang sarili ko. Wala na kasing mas mahalaga sa akin kundi sila, ang pamilya ko.
"Okay lang po ako."
[Palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni Nanay huh? Kahit wala akong magawa para tulungan ka gusto kong malaman na nandito lang ako para sayo bilang Nanay mo.] Pinakawalan ko ang hangin na bumabara sa lalamunan ko saka ko kinakalma ang sarili ko bago ako sumagot kay Nanay. Ayokong malaman nya na ganito ang nararamdaman ko. Ayokong mag-isip pa sya tungkol sa akin.
"Mahal na mahal ko rin po kayo Nanay. Pati po sina Aki, Belaney, Kenzo at si Delaney. Pakisabi po sa kanila na maiibigay ko na po lahat nang gusto nila." Masayang sabi ko sa kanya saka ito umuo sa akin at narinig ko pa ang bahagyang pagtawa ni Nanay dahil sa huling sinabi ko. Pagkatapos ng dramahan na 'yon ay nakausap ko pa si Aki na puros na lang pagbibilin at pagmumura tungkol kay Cohen kaya tinawanan ko na lang sya. Medyo gumaan din ang nararamdaman ko dahil nakausap ko sila.
Wala nang atrasan ito dahil nakapagdesisyon na ako. Dahil dalawang araw na lang ay dadalhin na sa America si Cohen at doon ipagpapatuloy ang pagpapagamot nya para maging mabilis ang paggaling nya. At kaylangan ko syang samahan doon. Hindi ko inaasahan na dadalhin pa sya sa ibang bansa pero siguro mas maganda na 'yon para siguradong gumaling agad si Cohen.
BINABASA MO ANG
When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]
Teen FictionWhere do broken hearts go? Would it be in someones hand who also have the same story as him? They said, there is a rainbow after the rain. That after the dark nights there will be a brighter day ahead. Will the two broken souls heal each other? Or t...