WTBSC 40

34 1 0
                                    

Maria Bella

"Oo nga pala bukas na ang balik natin sa Maynila." Sabi ko kay Ravanni na hanggang ngayon ay malawak parin ang ngiti. Ngayong nakikita ko syang masaya nakakaramdam na ako ng takot na baka mas lalo ko syang masaktan kapag hindi ko nasuklian ang nararamdaman nya sa akin ngayon.

"I forgot. Are you sure you want to go back already? You know, I can stay here longer with you."

"Alam kong marami ka na ring naiwan na trabaho sa Maynila kaya kaylangan mo na rin bumalik. Isa pa isang linggo lang ang leave ko sa trabaho."

"About that, aren't you thinking of leaving your job with Damon? Kaya naman kitang bigyan ng trabaho sa company namin with a higher position. Alam ko na magaling ka kay-"

"Hindi na kaylangan. May kontrata ako kay Sir Damon kaya kaylangan kong magtrabaho parin sa kanya. Maliban na lang k-kung sisantehin nya a-ako." Napapabuntong hininga na sagot ko sa kanya. Sana nga sisantehin nya na lang ako para mapalayo na ako sa kanya at makalimutan ko na sya.

"Yan ba ang sinabi sayo ni Damon sa kontrata? Alam mo pwede ka namang mag-resign as soon as valid ang reason mo. You don't need to bare with him every day."

"T-Talaga?"

"Of course. Hindi ka ba binigyan ng kopya ng kontrata mo?" Tanong nya sa akin at naalala ko naman na hindi ko na nga pala naisipan na basahin 'yon dahil pinirmahan ko agad. Napahampas naman ako sa noo ko dahil sa pangyayaring 'yon.

"Are you alright?"

"Oo pasensya na." Yon na lang ang naisagot ko sa kanya hanggang sa maya maya ay bumalik na sya sa ginagawa nya. Hindi ko talaga sya mapigil sa ginagawa nya dahil 'yon daw ang utos ni Nanay. Wala akong magawa kundi maawa sa kanya dahil siguradong manaya ay pagod na pagod nanaman sya at pagdating namin ng Maynila, alam ko na maraming trabaho ang naghihintay na sa kanya. At isa pa kahit na madami syang mahahalagang bagay na naiwan sa Maynila hindu nya talaga ako balak iwan dito at bumalik sa Maynila ng hindi ako kasama. Samantalang si Damon iniwan na ako dito ngayon.

"Kanina ko pa napapansin na parang malalim ang iniisip mo? Mind to tell me?" Rinig kong sabi ni Ravanni sa tabi ko. Naglalakad na kami pabalik sa bahay. Bakit kaya hindi na nakabik si Nanay?

"Wala nag-iisip lang ako ng pwede kong lutuin para sayo mamaya."

"No need to make such an effort Bella. Ako ang nanliligaw kaya huwag ka nang mag-abala pa." Nakangiting sabi nya sa akin saka nya hinawakan ang kamay ko. Mabilis naman akong napaiwas sa kanya sa hindi malaman na dahilan. Nakita ko naman agad kung paano nawala ang ngiti nya.

"What's wrong?"

"N-Nagulat lang ako." Sabi ko sa kanya at saka ko hinawakan ang kamay nya. Deretso lang ang tingin ko sa daan at hindi ko na lang pinansin ang malakas na kabog ng dibdib ko at ang paninitig nya sa akin. Kaylangan kong subukan na may maramdaman ako sa kanya.

"Nay nandito na po kami!!" Sabi ko agad nang makapasok kami ng bahay. Unang sumalubong sa akin si Delaney.

"Nasaan si Nanay?"

"Nasa kwarto po." Sabi lang nito sa akin. Naagaw naman ang pansin ko ng bulaklak na nandoon sa may gilid ng upuan namin. Naglakad ako papalapit doon at tiningnan kung may nakalagay doon na sulat kung kanino galing pero wala akong nakita.

Tulips.

"Kanino galing ang mga 'to?" Seryosing tanong ko habang nakatingin parin doon sa mga bulaklak.

"Nakita na lang namin 'yan dyan." Napalingon ako nang marinig ko ang boses na 'yon ni Aki. Kilala ko ang nga bulaklak na 'to at hindi ako pwedeng magkamali pero imposible.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon