Maria Bella
"Bella? Are you listening?"
"H-Huh? Sorry hindi lang maganda ang ang pakiramdam ko."
"Okay. I'm sorry Ms.Frei maybe we will resched this meeting tomorrow. My wife needs to take a rest. She's not feeling well. I hope you unders-"
"N-No. Hindi na kaylangan." Pigil ko kay Cohen dahil nakakahiya naman sa kausap namin. Alam kong hindi basta basta ganon kadali magpa-scheadule dito sa nakuhang wedding planner ni Cohen kaya ayokong masayang ang effort ng pagpunta namin dito.
"But you look pale. Pwede naman nating i-resched 'to."
"Hindi. Okay lang talaga huwag mo akong intindihin." Sagot ko na lang sa kanya saka ako pilit na ngumiti pero sinagot nya lang naman ako ng buntong hininga.
"I'm sorry for the interruption. What are you saying a while ago?" Pagpapatuloy ni Cohen. Kanina pang lutang ang utak ko dahil sa dami ng iniisip at gumugulo sa akin.
"Since your theme is very intimate these venues and caterings are suitable for you. You can choose here and if you want something just don't hesitate to tell me." Pormal na sabi ng wedding planner namin. Nasa isang hotel kami dahil dito nila napiling magkita. Hindi namin kasama sina Mama at Papa dahil may iba pa silang inaasikaso sa kasal namin. Halatang minamadali ang kasalan namin ni Cohen. Alam kong mali pero gusto kong magpakatotoo na hindi ako masaya sa pinili ko. Umaasa na lang ako na dadating din ang araw na mamahalin ko rin si Cohen dahil hindi naman sya ganon kahirap mahalin.
"What do you think Bella? You like dark reds right? May nagustuhan ka ba?"
"Okay lang kahit alin. Maganda naman kasi lahat." Sagot ko sa kanya dahil maganda naman talaga lahat. Isa pa ay iniisip ko kung gaano kalaki ang magagastos sa kasalang ito. Masyado nang nakakahiya sa pamilya ni Cohen.
"Why am I feeling that I am just the one who is excited here?" Malungkot na tonong sabi ni Cohen sa akin. Parang naguilty naman ako dahil sa inakto nyang 'yon.
"Ayoko ng masyadong enggrandeng kasal. Ang gusto ko ay 'yong simple lang pero alam kong magiging masaya. Alam mo 'yon." Sabi ko sa kanya saka ako ngumiti at tiningnan ko ang mga malalaking magazines na nandoon na may mga larawan ng iba't ibang enggrandeng motif ng kasal.
"But you deserve the best Bella."
"A man like you is enough and these things are just a bonus." Sincere na sabi ko sa kanya. Totoo 'yon. Para sa akin ay sobra na ang katulad nya at kung maghahangad pa ako ng mas higit sa kanya magiging kalabisan na 'yon para sa akin. At habang ganito ang nararandaman ko at iniisip ko ang ibang lalaki maliban sa kanya pakiramdam ko ay niloloko ko sya kaya abot hanggang langit ang konsensya ko.
"Sa ilang buwan natin dito sa States hindi ka lang naging englisera. Naging bolera ka na rin." Pabirong sabi ni Cohen kaya bahagya akong ngumiti sa kanya.
Ipinagpatuloy lang namin ang meeting na 'yon at nang makapag-desisyon kami ng motif sa kasal namin ay dederetso na kami pabalik ng bahay. Ang wedding planner na daw ang bahala sa lahat. Bali bukas ay damit na lang namin ang aasikasuhin namin. Napaka-bilis ng mga pangyayari.
"Where do you want to eat?" Tanong sa akin ni Cohen habang nagddrive.
"Sa bahay na lang."
"Okay. Kamusta ang pakiramdam mo? Okay ka na ba? Pwede tayong dumaan ng hospital if-"
"Okay lang ako."
"Palagi mong sinasabi na okay ka lang kahit hindi naman. Can't you be honest with me? Mapapangasawa mo na ako pero naglilihim ka parin sa akin." Napalingon ako sa kanya dahil sa tonong nagtatampo sya.
BINABASA MO ANG
When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]
Teen FictionWhere do broken hearts go? Would it be in someones hand who also have the same story as him? They said, there is a rainbow after the rain. That after the dark nights there will be a brighter day ahead. Will the two broken souls heal each other? Or t...