WTBSC 39

25 0 0
                                    

Maria Bella

"Mukhang seryoso talaga ang binatang 'yan sayo. Pwede mo bang ikwento sa akin kung paano ka nakakilala ng lalaking katulad ni Ravanni?" Nagulat ako nang marinig ko ang sinabing 'yon ni Nanay. Nandito kami ngayon sa bukid at pinapanood naman namin ngayon si Ravanni na mag-araro. Kung kahapon ay pinag-gamas sya ng likod bahay namin at pinagputol ng mga sanga ng puno, ngayon naman ay nandito sya sa bukid at kasama ang kalabaw namin. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses akong napabuntong hininga para pigilan si Ravanni pero ayaw nya talagang magpa-awat sa gusto ni Nanay.

"Anak po sya ng business partner ni Sir Damon. Nakilala ko po sya nang minsang isama ako ni Sir Damon para i-meet sila."

"Kung ganon ay paano kayo naging magka-ibigan? At sumama sya sayo hanggang dito sa probinsya natin? Sa itsura pa lang nya ay halatang laki sa yaman at sa syudad kaya paanong nandidito sya ngayon?" Nagtataka parin na sabi ni Nanay sa akin. Sasabihin ko ba ang totoo na si Ravanni ang palaging nagliligtas sa akin sa mga gipitang sitwasyon? Hayyy malamang hindi.

"Palagi po syang nasa kompanya at magkakilala rin sila ni Damon kaya palagi kaming nagkikita at 'yon po naging magkaibigan na po kami." Pag-aalibay ko pero narinig ko lang ang bahagyang pagtawa ni Nanay.

"Bella huwag na tayong maglokohan dito. Umamin na sa akin ang bintang 'yan na gusto ka nya at gusto nyang umakyat ng ligaw. Noong una ay hindi ko naman intensyon na pag-igibin, pagsibakin sya ng kahoy at pag-araruhin dito sa bukid pero heto sya at ginagawa na nya lahat nang sinabi ko. At akala mo ba ay hindi ko napapansin ang mga titig sayo ng binatang 'yan? Bella dumaan din ako sa pagkadalaga at ganyan na ganyan ako dati tingnan ng tatay nyo. Walang kahit na anong kalyo ang kamay nya pero kung hindi mo napapansin puno na ng paltos ang kamay nya. Pero alam mo ba ang sinabi nya sa akin? Okay lang dahil para sayo daw lahat nang ginagawa nya." Mahabang sabi ni Nanay at doon ko naiisip na napakalaki na ng ginagawa sa akin ni Ravanni. Hindi ko na lalo alam kung paano ko sya tutulungan na kalimutan kung ano man ang nararamdaman nya para sa akin. Kahit alam nya na ang tunay kong nararamdaman heto sya at hindi parin tumitigil sa panunuyo sa akin. Hihintayin ko nalang din ba syang mapagod sa kakahintay katulad ni Damon?

"Pero magkaibigan lang po talaga kami ni Ravanni."

"Sabihin mo nga sa akin anak, mahal mo pa ba si Cohen?" Seryosong tanong sa akin ni Nanay.

"Matagal ko na pong kinalimutan si Cohen Nay."

"Hindi mo sinasagot ang tanong ko. Mahal mo pa ba si Cohen?"

"Hindi ko na sya mahal Nay. Totoo 'yon."

"Hindi mo na sya mahal dahil naka-move on ka na o dahil may mahal ka nang iba?" Tanong parin nya sa akin. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung kelan ba ako nakaahon sa pag-mamahal ko para kay Cohen. Basta nagising na lang ako na hindi na ako nasasaktan sa kanya at maluwag na ang dibdib ko.

"Bakit hindi mo masagot? Dahil ba 'yong pangalawa? Kung ganon ay sino naman na ang maswerteng lalaki na nagugustuhan mo?" Halos hindi ako makahinga sa sunod sunod na tanong sa akin ni Nanay. Parang pakiramdam ko ay nagigisa na ako sa kinatatayuan ko at wala na akong maisip na paraan para makapagpalusot sa kanya.

"W-Wala po akong ibang n-nagugustuhan Na-"

"Si Sir Damon mo ba?" Naikuyom ko na lang bigla ang mga kamay ko sa hita ko at dahil sa sinabing 'yon ni Nanay. Pati ba sya ay nakikita na nya rin ang nararamdaman ko para kay Sir Damon?

"Anak makinig ka sa akin. Ayokong diktahan ang nararamdaman mo pero alam mo ang mas nakakabuti para sayo. Baka lang naman nakakalimutan mo na dahil sa sobra mong paghahangad ng higit pa sa binibigay sayo ay nasaktan ka. Ayoko nang makita kang nasasaktan ulit sa parehong dahilan at makita ka na tumatakas nanaman dito paalis para maiwasan ang nga taong nanakit sayo."

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon