WTBSC 41

30 0 0
                                    

Maria Bella

"Tell me what's bothering you Bella? I know there's something wrong so can you please tell me what it is? Because I am so damn worried about you." Naisandal ko na lang sa kinauupuan ko ang ulo ko saka ako pumikit at malalim na bumuntong hininga.

"Okay lang ako. Huwag mo akong intindihin."

"Stop lying Bella. What's the problem and why are we here? Driving in the middle of the night to Manila together with your tired and crumpled face?"

"May problema lang sa bahay at kaya tayo pinaalis agad ni Nanay ay para hindi mo na makita ang problema namin. Sa totoo nga ay nahihiya na ako say-"

"Why? How would I know if I can help you if you can't tell me what's the problem?" Umiling na lang ako sa kanya dahil hindi nya naman ako maiintindihan. Isa pa ay ayokong malaman nya ang pinoproblema ko ngayon. Labas na sya sa gulo na meron ako. Ayokong madamay pa sya sa mga problema ko.

"Kung ano man ito huwag kang mag-alala dahil kaya ko 'to. Sasabihin ko naman sayo kapag di ko na kaya." Sincere na sabi ko sa kanya at pilit pang ngumiti sa kanya. Wala naman syang nagawa kundi ang mapabuntong hininga sa akin.

"I just want you to know that I am always here for you Bella." Sabi nya na parang naffrustrate parin sa kakaisip kung ano bang mali sa akin. Hindi ko kaylanman naisip na magiging ganito sya ka-concern sa akin.

"Alam ko."

"Matulog ka na lang muna. Gigisingin na lang kita kapag nasa Manila na tayo. You need to rest." Tumango na lang ako sa kanya dahil ayoko nang makipagtalo pa sa kanya. Pinilit ko na lang ang sarili ko na makatulog kahit papaano.

Pagkatapos ng ilang oras ay nagising na lang ako nang bigla akong mag-unat. Napansin ko na wala na ako sa kotse at nakahiga na ako sa kama. Nandito na agad kami? Ang bilis naman yata? At nandito nanaman ba ako sa condo nya? At binuhat nya ba ako hanggang dito?

"Gising ka na pala. Tamang tama I cook something for you. Let's eat." Napatingin ako sa may pinto at nakita ko doon si Ravanni na nakatayo at nakapag-palit na ng damit nya. Napatingin ako sa labas at mukhang umaga na nga. Napasarap yata ang tulog ko. Nakakahiya! Kinapa ko agad ang gilid ng labi ko at pisngi ko dahil baka may panis na laway ako.

"Don't worry you're still pretty so let's eat our breakfast." Natatawang sabi nya sa akin kaya lalo akong nahiya sa kanya. Tumayo na lang ako sa kama saka ako nag-lakad papunta sa banyo.

"I'll just wait you at the kitchen. Hurry okay?" Rinig kong sabi nya bago ko isara ang pinto ng banyo. Para naman akong wala sa sarili na naglakad sa salamin at naghilamos ng mukha.

"Hay naku Bella! Napakadami mo nang utang kay Ravanni!" Nasabi ko na lang sa kawalan saka ako lumabas ng banyo. Suot ko parin naman ang suot kong damit kagabi. Hindi naman siguro ako amoy laway hindi ba? Di naman ako naglalaway kapag natutulog maliban na lang kung pagod ako. Kaso....napasarap ang tulog ko. Haystttt!!!

"Sit down. Masakit ba ang ulo mo?" Napatingin naman ako kay Ravanni na sinalubong na ako at inalalayan maupo sa may upuan.

"H-Huh? Hindi naman bakit?"

"Hinahampas mo kasi ang ulo mo."

"A-Ahhh ano hindi! Kasi medyo makati lang ang ulo ko. Baka may kuto na ako." Pag-aalibay ko sa kanya dahil nag-aalala nanaman sya. Kitang kita ko naman kung paano nagbago ang ekspresyon nya saka nya ako bahagyang tinawanan. Ipinaglagay nya lang naman ako sa plato ng niluto nya.

"A-Ako na." Nahihiyang sabi ko at inagaw pa sa kanya ang hawak nyang sandok pero di nya 'yon ibinigay sa akin.

"Let me do this. Ikaw na ngayon ang bisita dito kaya feel at home like what I did at your province." Nakangiting sabi nya sa akin at kahit hindi naman masyadong naging bakasyon ang pagpunta nya sa probinsya namin mukhang nag-enjoy naman sya dahil ngiting ngiti sya ngayon. Ano kaya ang iniisip nya?

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon