WTBSC 52

23 0 0
                                    

Maria Bella

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. I am wearing a white long gown and beautiful veil. May korona pa ako sa ulo kaya lalo akong nag-mukhang mamahalin. Halos hindi ko makilala ang sarili ko ngayon dahil halos baguhin nila ang lahat sa akin. Pero kahit na napaka-perpekto na ng itsura ko ngayon mula ulo hanggang paa ay para bang wala itong halaga. Alam kong napaka-unfair ko parin sa pagkakataong ito pero anong magagawa ko? Hindi ko talaga kayang lokohin ang sarili ko.

"Bella?" Napatingin ako sa repleksyon sa salamin ng taong nagmamay-ari ng boses na 'yon at hindi ko mapigilang mapangiti nang makita kong si Nanay na 'yon. Sumunod sila dito sa States dahil napag-desisyonan naming dito na kami magpakasal at mukhang dito na rin kami titira. Isa pa ay maganda na rin 'yon dahil sa ganon hindi ko na makakaharap pa si Damon. Sigurado rin naman na wala na sya dito sa States at bumalik na sa Pilipinas matapos ang nangyari.

"Ikakasal kana anak. Masaya ka ba?" Tanong sa akin ni Nanay at maingat pa nyang inayos ang belo sa akin. Pilit naman akong ngumiti sa kanya at pilit rin na pinasaya ang boses ko para sabihin sa kanyang oo. Ayoko namang mag-alala pa sya sa akin.

"Mabuti naman kung ganon. 'Yon lang naman ang mahalaga sa akin. Ang makita kang masaya at hindi miserable. Isa pa ay alam kong kahit na nasaktan ka noon ni Cohen, nakikita ko ngayon kung gaano ka nya kamahal at kung gaano sya bumabawi sa lahat nang nagawa nya. Naniniwala rin ako na hindi ka nya pababayaan at aalagaan ka nya."

"Opo Nay. Gusto ko lang din po magpasalamat sa inyo dahil kahit kaylan ay hindi mo kami pinabayaan kahit na iniwan na tayo ni Tatay. At si Cohen? Siguro nga po sya talaga ang para sa akin." Nakangiti ko paring sabi sa kanya habang pinipigilan ang nagbabadyang luha sa mata ko. Kahit sa huling sandali ay si Damon parin ang iniisip ko. Na ano na kayang ginagawa nya ngayon? Nasaktan ko ba talaga sya ng sobra dahil totoong mahal na mahal na nya ako? O baka sinisimulan na ngang kalimutan ako ngayon?

"Siya ang talagang para sayo dahil sya na ang makakatuluyan mo. Palagi mong tatandaan na ang pag-aasawa ay hindi lang tungkol sa pagmamahal Bella. Kapag naging asawa mo na si Cohen, madami ka nang magiging responsibilidad. Responsibilidad na alagaan sya, ibigay ang pangangailangan nya, palaging intindihin sya at kalaunan ay bigyan sya ng anak at makabuo kayo ng inyong pamilya."

"Alam ko po 'yon Nay. Pangako na magiging isang katulad nyo ako."

"Naku Bella huwag mo nang tularan si Nanay dahil baka kaya ako iniwan ng Tatay nyo ay baka dahil madami akong naging pagkukulang. Huwag mong pangarapin na maging ako. Maging ikaw ka lang sa sarili mo at alam mo na ang patutunguhan mo. Dahil kahit anong gawin mo, maloko mo man ang iba ay hinding hindi ang sarili mo. Huwag mong kakalimutan na magpakatotoo sa sarili mo Bella at lalo na sa mapapangasawa mo. Naiintindihan mo ba ako?" Mabilis akong tumango kay Nanay kaya malapad syang ngumiti sa akin. Ngayong nakikita kong naluluha si Nanay ay para bang tuluyan na akong maiiyak. Pero dahil sa alam kong magaan na ang loob nya dahil magiging maayos na ang lahat ay magiging okay na rin ito sa akin. Kakayanin ko ang lahat dahil para rin ito sa kila Nanay at sa mga kapatid ko.

"Handa na ba ang bride?" Sabay kaming napalingon doon ni Nanaya t nakita namin si Mama na naglalakad palapit sa amin at malapad ang ngiti.

"Hinihintay ka na ng bridal car sa labas Bella. Balae tayo na baka mainip na sa atin ang mga bisita." Sabi ni Mama kaya sabay sabay na kaming lumabas ng kwartong 'yon. Hinalikan pa nila akong dalawa bago pa ako makapasok ng sasakyan. Nang nasa loob na ako ay naipikit ko na lang ang mata ko saka ako huminga ng malalim at mahigpit na napahawak sa bulaklak na nasa kamay ko para pakalmahin ang sarili ko mula sa matinding kaba.

"Are you nervous?" Tanong ng lalaking driver kaya napalingon ako sa unahan.

"Y-Yes."

"That's normal if you don't want to marry the man you will going to marry today." Sagot ng driver kaya naguluhan ako sinabi nya.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon