Maria Bella
"Where is he going? Lalayas na ba sya?" Bigla akong napalingon sa nag-salita sa gilid ko. Si Ravanni na nakangisi at nakapamulsa pa. Nakatingin lang sya kay Damon na ngayon ay nagpapaalam na kay Nanay.
"Kaylangan na daw nyang bumalik ng Maynila dahil may importante daw syang aasikasuhin."
"Yeah, maybe something very important." Sabi nito sa akin at hindi ako manhid para hindi mapansin ang pagkasarkastiko ng tono nya.
"May gusto ka bang sabihin?"
"Nothing. Just don't mind me." Seryoso nang sabi nito at nakatingin parin kay Damon. Parang kung titingnan mo sya ay pag-iisipan mo na sya ng masama dahil sa mga titig nya kay Damon.
"What's with that stare Onido? Are you happy that I'm leaving?" Sabi agad ni Damon nang makalapit sya sa amin. Kasunid nya si Nanay kaya hindi na lang ako umimik at tiningnan ko na lang si Ravanni para sabihin sa kanya na huwag na lang nyang patulan si Damon.
"Samahan mo hanggang sa may kanto ang Boss mo Bella. Sige na."
"Sige p-"
"Sama rin ako." Pag-putol ni Ravanni sa sinasabi ko. Napatingin naman ako sa kanya at mukhang seryoso sya sa sinabi nya. Baka mamaya aalis na nga lang si Damon magka-sapakan pa sila dahil sa mga titigan nila sa isa't isa. Siguro kung nakakamatay lang ang paninitig ng masama ay baka may isa nang bumulagta sa kanilang dalawa.
"Hijo dito ka na lang. Halika at samahan mo ako doon sa may manggahan at may ipapagawa ako sayo." Sabi ni Nanay at hinawakan pa sa braso si Ravanni kaya wala na itong nagawa kundi tumanaw na lang sa amin habang hinihila sya ni Nanay. Hindi ko naman napigilan na mapatawa sa itsura nila.
"Let's go?"
"Ahh oo." Sagot ko kay Damon at sinamahan ko na nga syang maglakad. Habang naglalakad ay pareho lang kaming tahimik. Wala akong maisip na pag-usapan kahit na naawkwardan na ako sa sitwasyon. Pero lalo lang akong walang naisip na mapapag-usapan nang maramdaman ko na hinawakan nya ang kamay ko. Para naman akong napapaso na kumawala sa pagkakahawak nya pero hindi nya ako hinayaan sa halip ay pinagsalikop pa nya ang mga kamay naming dalawa. Mabilis na napaikot sa paligid ang paningin ko dahil nararamdaman ko ang ilang titig sa amin ng mga kapit-bahay namin. Nandoon nanaman ang mga mapanghusga nilang titig sa akin. Pero hindi ko sila masisisi pagkatapos ng lahat nang nangyari.
"Napapangiti ka na ni Onido baka bago ka bumalik sa Manila boyfriend mo na sya?" Napaangat ang tingin ko dahil sa sinabi nya. Ano bang iniisip nya?
"Magkaibigan lang kami."
"I know may gusto lang akong marinig sayo bago ako umalis." Sabi nya sa akin at tumigil na kami sa may tapat ng kotse nya.
"Hmnn?"
"May pag-asa bang magustuhan mo si Ravanni kesa sa akin?" Seryosong sabi nya at hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Totoo bang ang isang Damon Callego ay may insecurities sa katawan? Bakit nya naman naisipang itanong 'to?
"Gwapo, mayaman, simple at mabait si Ravanni. Walang babae ang hindi sya magugustuha-"
"Kasama ka ba sa mga babaeng 'yon?"
"Sinasabi ko lang naman n-"
"Na baka magustuhan mo rin sya kesa sa akin?" Pagpupumilit nya kaya napabuntong hininga na lang ako sa kanya. Binawi ko ang kamay ko na kanina lang ay hawak nya at inilagay 'yon sa likod ko.
"Kaybigan lang ang tingin ko kay Ravanni at kahit na gwapo, mayaman, simple at mabait sya. Kahit na nasa kanya na lahat nang bagay na gusto ng isang babae hindi hihigit sa pagkakaibigan ang tingin ko sa kanya. K-Katulad ng pag-tingin ko s-sayo."
BINABASA MO ANG
When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]
Teen FictionWhere do broken hearts go? Would it be in someones hand who also have the same story as him? They said, there is a rainbow after the rain. That after the dark nights there will be a brighter day ahead. Will the two broken souls heal each other? Or t...