WTBSC 36

31 0 0
                                    

Maria Bella

"You're looking for me but you found Damon. That's great." Sarkastiko nitong sabi saka pilit na ngumiti sa akin. Pinili ko namang huwag nalang pansinin ang sinabi nya.

"Saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinihinap. Uuwi na tayo."

"I thought we will stay here 'till 6? I'm sorry I forgot the time. I was just mesmerized by the sunset a while ago so I'm sorry." Seryosong sabi nito sa amin at para bang naging pormal na ito ngayon sa amin. At oo siguro ganon kami uuwi kung hindi lang nangyari ang lahat nang nangyari kanina samin ni Damon at sa kanilang dalawa.

"Galit ka ba sa akin?" Bigla kong tanong sa kanya dahil sa pakikitungo nya sa akin. Alam kong katangahan na ang tanong ko sa kanyang 'to pero gusto ko lang malaman ang side nya.

"Really Bella? Sya pa talaga ang tinatanong mo nyan? Look at your feet, you are bleeding and it's his fault." Biglang sabi naman ni Damon sa tabi ko at masama ang tingin kay Ravanni. Inaasahan ko nang magkakasagutan nanaman sila pero wala akong narinig na kahit ano kay Ravanni. Nagulat na lang ako ng bigla nya akong binuhat at walang sabing iniwan si Damon. Ni hindi na ako nakapag-protesta sa ginawa nya sa bilis ng pangyayari. Basta ko na lang nakita ang sarili ko na buhat nya ako at nakatanaw na lang ako kay Damon.

"I-Ibaba mo a-ako." Sabi ko sa kanya at sinubukan ko pang ipiglas ang mga binti ko pero hindi nya ako sinagot at mas hinigpitan pa nya lalo ang pagkakahawak sa akin.

"D-Damon." Tawag ko kay Damon dahil nakatingin lang sya sa amin at hindi sya sumusunod sa amin. Ayoko syang iwan sa lugar na 'to ng mag-isa.

"Please don't call his name in front of me Bella. You don't know that I am just holding myself not to kneel in front of you to forget about him. So would you please stop uttering his name? It hurts.....so bad. So s-stop." Mahinang bulong nya sa akin habang deretso lang ang tingin nya sa daan. Pinagmasdan ko sya at kita ko kung gaano sya nasasaktan sa sitwasyon at ngayon nasasaktan na rin ako para sa kanya. Talaga bang mas nakikita na nya ang katotohanan ngayon sa akin kesa sa sarili ko?

"B-Bitawan mo ako." Pagpupumilit ko parin sa kanya.

"For what? Para ba mabalikan mo sya?"

"Hindi sya sumusunod sa atin kay-"

"Kaya babalikan mo sya?"

"Dahil baka hanapin rin natin sya. Madilim pa naman na ka-"

"Kaya babalikan mo sya?" Pag-uulit parin nya saka sya tumigil sa paglalakad.

"O-Oo." Yon na lang ang nasabi ko sa kanya dahil yon naman talaga ang gusto kong mangyari. Dahil baka mamaya ay sya naman ang hanapin namin ni Ravanni. Gabi na at malamig na delikado na dito kapag gabi at baka hindi na sya makauwi at maligaw pa sya. 'Yon lang 'yon wala nang iba pa.

"I see." Sabi nito sa akin saka sya naglakad pabalik pero hindi nya parin ako binibitawan. Buhat buhat parin nya ako hanggang sa makita ko ulit si Damon. Nakatanaw parin sya sa amin at walang ekspresyon ang mukha nya.

"She don't want to leave this place without you kaya kung pwede lang, sumunod ka na sa amin. Huwag ka nang pabigat pa. Her feet needs to be treated." Seryosong sabi ni Ravanni pero hindi parin umiimik si Damon. Napunta lang ang titig nya sa mga paa ko kaya nagpiglas ako sa hawak ni Ravanni para makababa. Pero tulad kanina ay mas hinigpitan nya lang ang pagkakahawak sa akin.

"P-Pwede mo na akong ibaba Ravanni." Sabi ko sa kanya pero parang wala syang narinig sa sinabi ko. Napansin ko na lang na papalapit na sa amin si Damon at parang kukunin nya ako kay Ravanni. Mas lalo akong napahigpit ang kapit dahil ayokong mapadikit man lang kay Damon. Kung pwede nga ay iwasan ko na lang sya palagi kung pwede lang.

When Two Broken Souls Collide | Book 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon