Chapter 26

484 22 2
                                    

Chapter 26

"Babe! Where are you?" tanong ni Chad ng sagutin ko ang tawag.

Huminga ako ng malalim. "Pabalik na kami diyan," sabi ko lang then I ended the call.

Nilingon ko si Iris na akala mo talaga nakakita ng multo sa ayos niya ngayon.

"Hindi naman multo yung nakita mo, ba't ka ba namumutla?" biro ko na dahil nakabawi na ako sa pagkabigla kanina.

Pinanlakihan ako nito ng mata. "Oo! Multo naman talaga! Multo ng nakaraan mo!" malakas ang boses na sabi niya.

Umirap ako. "Tara na sa grocery store, andoon na si Chad."

"Pero Bei.." angal niya kaya't hinatak ko na siya.

Umalis na kami sa coffee shop kung saan nakita ni Iris si Haley kanina.

Kahit na maayos na ang bilis ng tibok ng puso ko, 'di ko pa din mapigilan ang paglipad ng isip ko. Siguro nga hindi pa ito ang tamang oras at lugar para magkita kami muli ni Haley.

Hindi ko din maiwasan ang pagkalumo dahil hindi ko siya naabutan ngunit ang kaisipang malapit lang siya ay nakapag pagaan ng loob ko kahit papaano. Abot kamay ko na si Haley at umaasa akong makikita ko na ang dulo... Na matutuldukan na ang lahat sa amin ni Haley.

Napairap ako ng marinig ko ang malalakas na buntong hininga ni Iris sa gilid ko.

"Ewan ko ba naman kasi sa 'yo. Bakit hindi mo nilapitan?" sabi ko.

Nagpakawala muli ito ng malalim na hininga. "I was so shocked I couldn't think straight and some of her physical features changed kaya nagdalawang isip ako lumapit."

Pumalatak ako. "Baka naman namalik-mata ka lang, Iris? You know how much I wanted to see Haley kaya huwag mo 'ko paasahin."

"Ang lula lang, dapat pala kinuha ko yung number para maniwala ka," aniya.

Natawa ako. "Hindi mo nga malapitan tapos kukunin mo pa number?"

Huminto ito sa paglakad at marahas akong nilingon. "Teka nga? Bakit kung umasta ka parang ako pa yung ex nung tao? Mas mukha pa akong apektado at nanghihinayang sayo."

Umiling ako. "Wala naman ako magagawa kung maiinis ako sa 'yo dahil sa ka-slow-han mo, Iris," sabi ko saka tumuloy na sa paglakad.

Dahil kung ako man ang nakakita kay Haley baka natulos din ako sa kinatatayuan ko.

"Hindi eh. Naka-move on ka na ba talaga? Bakit hindi ka apektado ngayong andiyan lang pala malapit si Haley?" sunod niya sakin.

Nagkibit balikat ako. "I told you that the only reason I badly wanted to see her is to apologize so I could finally close that chapter of my life."

Natahimik siya kaya't huminga ako ng malalim. Sa totoo lang, hindi ko din alam kung ano 'tong nararamdaman ko. Naguguluhan ako kung bakit iba iba ang reaksiyon ko. At ayoko ding alamin kung bakit ganoon nalang kabilis ang tibok ng puso ko kanina.

"Babe!" tawag ni Chad ng makita kaming papalapit.

Nilingon ko si Iris na tahimik na nakasunod sa akin.

"Babe," bati ko pabalik ng akbayan ako nito.

Tinanguan niya muna si Iris bago ako tinapunan ng tingin. "Saan kayo galing?"

Tumikhim ako. "Ah! Nagpasama lang si Iris sa Starbucks," bigkas ko ng may hilaw na ngiti.

Pinakiramdaman ko ang kaibigan ko kung aapela siya kaso tahimik pa din siya kaya hinatak ko na si Chad sa loob ng store, sumunod naman si Iris.

If Only (Rainbow Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon